Parusa
By: @christyn
Kabilang na ng pamilya Remedio ang asong pinangalanan nilang Teryo. Araw-araw ay pinapasyal ni Dansen ang kanyang alaga sa loob ng kanilang subdivision. Kilala si Teryo ng mga kapitbahay nila, at katulad ng pamilyang Remedio, hindi basta-bastang aso ang turing nila kay Teryo. Maamo kasi ito at mahilig makipaglaro sa kahit sino.
"Teryo, halika dito meron akong bola. Habulin mo at ibalik sa akin.", paanyaya ng isang kapitbahay nila na si Minda.
"Salamat na lang Minda, pero i-uuwi ko na si Teryo sa bahay upang makakain na itong alaga namin. Papaliguan din namin kasi siya kasi Sabado ngayon at lalabas kami." Pagkasabi niyon ay tinungo ni Dansenn ang kanyang alagang aso.
"Pa, sino ba yang kausap mo sa telepono? Bakit parang may kaaway ka?", alalang tanong ni Dansenn sa amang si Rene.
"Wala ito anak, mabuti pa at paliguan mo na si Teryo upang makaalis na tayo. Seguradong malilibang tayo ngayon."
Sinunod ni Dansenn ang tugon ng ama at pinaliguan si Teryo at binihisan ng kanilang pinasadya na damit para dito.
"Ang bango mo na Teryo, mas lalo ka yatang naging gwapo. Handa ka na ba sa ating lakad ngayon?", masayang tanong ni Dansenn.
Handa na ang lahat sa kanilang pamamasyal kaya sumakay na silang lahat sa sasakyan at lumabas ng subdivision.
Nagkantahan ang pamilyang Remedio habang sila ay nasa daan. Tumatahol rin si Teryo na para bang nakikisali rin ito sa masayang kantahan.
Ngunit bigla nalang na humarang si Teryo kay Dansenn na siyang nagmamaneho ng sasakyan. At sa kasawiang-palad nabangga ni Danseen ang sasakyan sa isang batong poste.
Dugu-an ang lahat ng pasahero, lalong-lalo na ang panganay na anak na si Dansenn. Parang gustong gisingin ni Teryo si Dansenn dahil dinidilaan nito ang tenga ni Dansenn.
Mabilis ang pagrescue sa kanila dahil malapit lang din naman ang bayan. Ngunit wala na si Dansenn, patay na ito. Wala na ang nag-alaga kay Teryo.
Ikatlong araw na ngayon simula sa pagluluksa at paglibing kay Dansenn. Galit lang ang nasa puso ng mga magulang ni Dansenn dahil sa pagkawala ng kanilang panganay na anak. At iisa lang ang kanilang sinisisi sa pangyayari - si Teryo.
Malakas ang pagtahol ni Teryo, parang hinahanap nito ang nakaugalian na ehersisyo sa umaga. Ngunit, walang nakinig sa kanya. Walang Dansenn ang lumabas.
"Ang ingay mo! Manahimik ka dyan,Teryo!", galit na galit na sabi ni Mang Rene sa aso. Hindi pa pinapakain si Teryo, tatlong araw na simula ng paglibing kay Dansenn.
"Tumahol ka pa at tatadyakan na kita." Pagkasabi ni Mang Rene ng mga katagang iyon ay humina ang pagtahol ni Teryo. Pero galit parin si Mang Rene, kaya tinadyakan ito ng tatlong beses hanggang sa nakahandusay na ito sa kanilang sahig. Hindi pa nakuntento si Mang Rene, kumuha pa ito ng lubid at iginapos ang bibig at mga paa nito.
"Tao po, Mang Rene..."
"O, bakit ka napadaan Minda?", pagkasabi noon ay nakita ni Mang Rene na may kasama itong mga pulis.
"Kayo po ba ang ama ni Dansenn Remedio?", tumango lang si Mang Rene. "Nalaman na po namin sa aming imbestigasyon bakit bumangga ang minamanehong sasakyan ni Dansenn Remedio. May nakita kaming cctv footage na may sumira ng makina ng inyong sasakyan, napag-alaman naming tauhan ng isang Francisco Valgo ang sumira ng inyong sasakyan. May kilala po ba kayong Francisco Valgo?", klarong tanong ng pulis.
"Opo. Kilala ko si Francisco Valgo.",sagot ni Mang Rene.
"Mang Rene, nasaan po si Teryo, hindi ko na kasi siya nakikita?", tanong ni Minda. At humagulgol nalang sa pag-iyak si Mang Rene na parang bata.
Cool my friend
Salamat po sa inyong papuri. 😆😆😆
May bahagi po ng puso ko ang namatay 😭😭😭
Sana ay una ko na lang po ito nabasa at yaong tula ang nahuli haha.
Napakaganda at epektibo po ng atake nyo po sa temang "karahasan". Nabigyan po ng kulay at ibang lalim ang isang paksang karaniwa'y napaka-negatibo.
Pahabol: Bilin po sa akin ni Toto na ipamahagi ang "upvote" pero di ko pa maiwasang na ma-"upvote" and dalawa po sa inyong akda XD - Junjun ng #tagalogtrail
Sa mga manunulat ng wikang Filipino na gustong sumali, eto po ang imbitasyon https://discord.gg/DjrySR5
Haha. Salamat po sa inyong napagandang puso. Ginagawa ko po ang lahat ng aking makakaya upang malibang ang lahat na bumasa sa aking mga kwento at tula.
Good post.
Thank you. 😀😀😀
Welcome