Ang pangalan ko’y RJ. Labinlimang taong gulang pa lang ako noon masasabi ko na napapabilang ako sa mga taong patapon ang buhay. Ang gusto ko lang ay maglasing, mambabae at mag-droga kasama ang barkada. Wala akong pakialam kung ano ang magiging epekto nito sa buhay ko basta ang importante sa akin nung mga araw na iyon ay maaliw ako. Ni minsan hindi ko inisip ang magkaroon ng sariling pamilya.
Nagpatuloy ang aking bisyo sa paglipas ng taon. Labinsiyam na taong gulang ako nang makilala ko si Lucia, isang dayo sa lugar namin. Maganda siya, maputi, at may kaya ang pamilya. Bumisita lang siya doon sa tiyahin niya na hindi kalayuan ang bahay mula sa amin. Pinagmamasdan ko lang siya mula sa malayo nung una, pero di nagtagal ay nilapitan ko na. Ayaw niya akong kausapin kasi nga bisyoso ako at higit sa lahat babaero. Binawalan din ako ng tiyahin niya na huwag ko raw lapitan si Lucia kasi matino siya at ako patapon na ang buhay ngunit hindi ako sumuko hanggang sa dumating ang araw na napasagot ko rin si Lucia.
Dalawampu’t isang taong gulang ako nung nagpakasal kami sa huwes. Makalipas ang tatlong buwan ng aming pagsasama bilang mag-asawa ay nagbunga ang aming pagmamahalan. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko nung panahon na nagbubuntis si Lucia at nakuha ko pa na mambabae ng tatlong beses. Oo, bumalik ang bisyo ko pero walang kaalam-alam si Lucia tungkol doon. Isang umaga, nakaupo lang ako sa may mesa, tinitingnan ang aking misis habang nagluluto. Maputla at nanghihina siya. Tumigil siya sa pagluluto, tumingin sa akin, at saka nawalan ng malay. Nataranta ako at dali-dali ko siyang dinala sa ospital. Hindi ko akalain na iyon ang araw na makakapagpabago sa akin.
Makalipas ang tatlong minutong paghihintay at pagaalala, lumapit ang doktor sa akin at sinabing, “May cancer po ang misis niyo, sir. Komplikado ang pagbubuntis niya.” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Pinuntahan ko kaagad si Lucia. Niyakap ko siya, umiyak, at humagulgol.
“Kaya pala hindi siya nagpapasama kapag nagpapacheck-up siya,” sabi ko sa isip ko.
Dumating ang araw na manganganak na si Lucia. Pinapili ako ng doktor kung sino ang bubuhayin: si Lucia o ang magiging anak namin. Sabi ko sa kanya ang Diyos lang ang makakapagdesisyon niyan at gawin lang nila ang lahat ng kanilang makakaya para buhayin ang aking mag-ina. Nagdasal ako, humingi ng tawad sa Diyos, hiniling na sana maging okay ang lahat, na sana mabuhay ang aking mag-ina sa kabila ng mahabang proseso na gamutan na kanilang pinagdaanan, at umiyak.
Matapos ang tatlong oras ng paghihintay at pag-iyak, lumabas ang nars mula sa silid kung nasaan ang aking misis, at pinapasok ako. Kinabahan ako, umiiyak habang papasok sa silid. Tumambad sa akin ang nakahiga at umiiyak kong Lucia sa kama. Masaya siyang umiiyak habang tinitingnan ang doktor, karga-karga ang isang anghel. Lumapit ako, kinarga ang anghel sa aking mga bisig, at umupo sa tabi ng aking pinakamamahal.
“Isa itong milagro,” sabi ko.
Salamat sa pagbasa ng aking ginawang Maikling Kuwento :) Mabuhay!
Congratulations @clurrr! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Congratulations @clurrr! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes received
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP