The Story Untold: Reality Behind My Fictional Stories

unwritten1.jpg


Is it possible loving you without hurting, too? 'Coz if it is, then I will.


Have you read the Paasa Lang Pala and Hindi Ako Paasa?

This. Is. The. Story. Behind. It.


Vash... natapos ang graduation at gusto pa rin kita. Sobra. Mabuti na lang at inintindi mo ako nang inamin ko sa'yo ang nararamdaman ko. Hindi ka ulit lumayo. Humingi ka pa ng tawad. Pero sabi ko, "Okay ra uy. Kasabot ko. Nisulti ra ko kay dili ko ganahan magmahay sa kinatapusan."

Pero kebago-bago pa nga lang yun. Nasa moving on stage na ako, alam mo ba yun? Pero pinaasa mo na naman ako. O sadyang... ako lang ang kusang umasa. Baka wala ka lang talagang ibang intensyon pero iba ang pagkakaintindi ko.

Naaalala mo pa ba? Noong outing natin after graduation? Muntik na kaming malunod ni Fiona dahil hindi kami marunong lumangoy. Pero sa halip na siya ang alalahanin mo, pangalan ko pa ang tinawag mo.

Nakakainis talaga. Ano ba talaga ang tama? Paasa ka ba? O assumera lang ako? Mula noon, nakalimutan ko na naman ang moving-on mission para sa puso ko. Nakakainis pero wala akong magawa. Anumang pilit ko, ginugusto ka pa rin ng puso ko.

Hindi tayo naging schoolmate sa college kahit gustuhin ko man. Civil Engineering ang kinuha mo sa UC Main. Ang kursong gusto natin pareho pero hindi ko nakuha. Ang galing talaga. Meant to be tayo, pero sa kurso lang. Hanggang doon lang.

Hindi na tayo nag-uusap. Super minsan na lang din kung mag-chat. Ako pa nga ang nag-iinitiate di ba? Paminsan-minsan ka na lang pumapasok sa isip ko. Pero kapag nangyayari naman yun, lagi ko namang tinatanong, "Crush nga lang ba kita?"

Isang gabi, nagfacebook ako, nagmessage ka sa akin. Sobrang saya ko nun. Dahil ikaw ang umuna! You message me first. And it was a first! Tinanong mo ako kung kumusta na. Sinagot naman kita. Gusto kong pigilan ang ngiti ko dahil baka magmukha akong baliw sa computer shop. Mabuti na lang at napigil ko. Sobrang napigil. Nawala pa nga eh. At napalitan ng inis. Galit. Sakit.

Alam mo ba kung bakit, Vash? Kasi pinaasa mo na naman ako. But this time, yung pag-asa ko, kakausbong pa lang, parang apoy na tinupok mo kaagad. Sinaktan mo ako sa simpleng joke mo. Yung joke mo na sobrang totoo para sa akin. Sana hindi mo na lang ako ginanun di ba? Kasi alam mo namang gusto kita, pinaglaruan mo pa.

Naalala ko pa rin yung convo natin nun eh. Sobra.

Vash: Hello, Rin.

Ako: Oh? Hi, Qil.

Vash: Musta?

Ako: Haha. Okay ra. Ikaw?

Vash: Okay ra sad. Nya ang love life?

Ako: Haha! Love life ba? Wala man ko ana. :-)

Vash: Aw maayo.

Ako: Maayo ba? Ngano diay?

Vash: Wala lang. Basta ayaw sa og in-ana ha?

Ako: Ngano lagi?

Dito pa lang, Vash, umasa na ako. Baka kasi magtatapat ka na sa akin.

Vash: Kay naa bayay nagpaabot.

Ako: Unsa? Kinsa man ba?

Vash: Si Warren. Haha!

Ako: -_- Ha. Ha. Ha. Kataw-anan.

Si Warren, Vash. Alam mo namang enemy ko yun sa klase di ba? Ginamit mo pa. Kainis ka talaga!

Vash: Joke ra bitaw, Rin. Pero kani seryoso na ni.

Ako: Unsa lagi?

Vash: Pwede... manguyab nimo?

Hindi mo lang alam kung anong kaba ang naramdaman ko nang sabihin mo yan. Kinikilig din ako ng sobra alam mo ba yun? Hindi ko inakalang darating ang time na ito, na liligawan mo ako. Kahit ayoko sa chat lang, at kahit hindi pa pwede, para sa'yo, Vash, papayag ako. You're the exception.

Ako:Ha? Tarung ba?

Vash: Lagi. Pwede ba?

Ako: Haha. Pagsure nganha uy.

Sa labas ng isang maskara, para lang akong walang pakialam. Pero sa loob-loob ko, sobra. Sobrang tuwa ng puso ko.

Vash: Dili man ka mutuo, Rin.

Ako: Qil, kanang... Kuan...

Vash: Joke ra bitaw uy. Haha.

Ang sakit di ba? Kung ikaw kaya ang pinaglaruan ko ng ganyan, Vash? Ano kayang mararamdaman mo?

Ako: Joke to? Mukatawa nako? Kahibaw ka, wala gyud ko nalipay sa imong gibuhat. Honestly, hangtod karon, naa pa gihapon siya. Naa gihapon koy feelings nimo. Kahibaw naman ka ana di ba? Pero dili pasabot nga nacrush ko nimo, imo nakong in-atoon. Makalagot kaayo imong joke uy. Ikaw ray nalipay. Gikulbaan ko kay nagtuo kog seryoso ka, pero boang man diay ka. Ayaw lang og kabalaka, kaning feelings nako nimo, mawala ra lagi ni. Dili pa karon, pero someday. Paninguhaon nako. Ayaw lang ko kabuangi og in-ana. Dili ka ganahan nako di ba? Wala kay gusto di ba? Ayaw lang ko paasaha para dili sad ko muasa.

Vash: Hahah maypa ka. Isug kaayo ka. Makaistorya gyud ka. Ako intawn ni-graduate na lang, wala gud gihapon kaistorya sa personal. Pero sa CP nakaistorya ko nya, pero dili na siya motoo kay nakabuangan na naku sauna gud. WHAHAH adto gud ko nya naibug ug ayoooo. Basta magkuyog me, kulba kaayo. Pirmi naku sya kontrahon . Mao na akong crush. :)

Alam mo bang... yung huling mga salita mo bago ako nag-offline ang pinagkukunan ko ng hugot para gawin ang kwento nina Aria at Vash sa Wattpad? Pero taliwas sa totoong nangyari ang ending. Sobra.

Hindi ko rin alam kung tanga ka ba o sadyang manhid ka lang. Alam mo ng may gusto ako sa'yo, sa akin ka pa nag-share tungkol sa crush mo! Pero okay lang. Sige, suportado kita. Basta maging masaya ka lang, okay na.

Naiinis pa rin ako sa'yo nun. Pero hindi ko magawang magalit. Kasi gusto kita eh. Hindi ko kayang magalit sa'yo. Hindi ko rin magawang magtampo nun kasi alam ko namang hindi mo ako susuyuin, kahit na ba, humingi ka sa akin ng tawad.

Simula nun, mas tinanggap ko nang wala nang magiging TAYO. Gusto pa rin kita, pero pinipilit ko na lang ang sarili ko, pinapaniwala, na hindi talaga kita gusto. Na gusto ko lang ang ideyang gusto kita. And that I was just used to that feeling.

Pero tama na sigurong, naloko kita. Kasi hanggang ngayon, Vash, nandiyan pa rin siya eh. Hindi pa rin nawawala. Naghihintay lang na pansinin mo. Kahit sobrang labo.

Second year college, may binasa akong story sa Wattpad. Hindi ka siguro pamilyar sa kwento. Pero kung sakali mang mabasa mo ang confession na ito, Jeepney. "Jeepney" ni pajamaaddict. Alam mo bang, kahit sobrang hindi magkapareha ng kwento nila sa atin, relate na relate ako? Ikaw yung naiisip kong character na lalaki. Ilang araw ding sumakit ang puso ko dahil doon. Hindi ko pa man natatapos ang kwento, ramdam ko ng... malungkot ang ending. Na hindi rin nangyari.

Mabuti pa sila, happy ending. Tayo kaya? May happy ending rin? O pati ba naman ending ay hindi rin mangyayari. Sige, kahit anong ending na lang. Magkatuluyan man tayo, edi masaya. Kung hindi naman, sana makalimutan na kita. Pero... saan nga ba ako magsisimula? Paano ba mag-move on nang tuluyan?

Si Fiona. Tinanong niya ulit ako, kung hanggang ngayon, gusto pa rin kita. I denied again. Pero sinabi ko rin ang totoo kalaunan. Pinipilit niya pa ring sinasabi sa aking... mahal na kita. Eh hindi nga! Kulet talaga!

Vash... four years! And almost five years na kitang gusto! Mawala man ng konti, malihis man ng daan, bumabalik pa rin sa'yo. Di pa rin kita malimutan.

Siya: Bangsnat, nacrush pa ka ni Vash?

Ako: Ha? Wala na uy.

Siya: Tarong ba. Wala na?

Ako: Honestly, wala ko kahibalo. Naa man gihapon. Pero galibog ko. Kay tingani man gud naanad ra ko nga nacrush ko niya not knowing nga wala na gyud diay. Maybe I just like the thought that I like him.

Siya: Biliba nako nimo uy. Four years naman na imong crush niya uy. Abnormal naman na. Haha. Gugma lagi na day.

Ako: Unsa ba! Dili lagi ni gugma.

Siya: Gugma lagi na. Kadugay na ana. Imagine, niagi na si Kise og si Dan (ex-bf), nacrush lagi ka nila, pero tan-awa, nibalik gihapon ka niya. Mawala lang kadiyot, mubalik na sad.

Ako: Trip lang guro sa akong utok day. Haha.

Siya: Nacrush man ka ni Kise og Dan ato sa? Nya kung crush nimo si Qil, nganong hangtod karon, siya man gihapon? Naa si Kise og Dan pero siya imong gipili. Kanindot na ninyo atong Kise sa una. Sayang kaayo, nabalewala lang tungod ni Qil. Dawata na lang gud.

Ako: Naaaa. Dili lagi. Crush ra lagi ni. Dili diay pwedeng maabtan og tuig ang crush?

Siya: Pwede lagi. Nya imoha kay upat naman ka tuig day.

Ako: Bi, kung gugma ni, nganong wala man lagi ko anang fast heartbeat? Nganong wala man ko masakitan pag-ayo? Asa man nang butterflies in the stomach? Ang sparks? Bisan usa ana, wala gyud ko kasuway. So therefore, I conclude, I am not in love with him.

Siya: Silly. Lahilahi man gud na og paagi gud. Dili man same ang nahitabo sa mga tawng nahigugma. Muagad man sad ka anang mga symptoms symptoms uy.

Ako: Ah, basta. Dili gyud ni gugma.

Sabi ni Fiona, bilib ka daw sa akin dahil nagawa kong sabihin sa'yo ang nararamdaman ko. I am a brave person for you. Pero alam mo ba, mali ka. Sobrang mali ka.

Duwag ako, Vash. Sobra. Sobra-sobra. Alam mo bang, matapos kong basahin ang kwentong yun sa Wattpad at matapos itanong sa akin ni Fiona, "Nganong dili man gyud nimo dawaton nga love na nimo siya?" May narealize ako.

Napakaduwag ko, Vash. Kaya pala... Kaya pala hindi ko magawang kalimutan ka, kaya pala parang sirang plaka na lang ako na paulit-ulit, kasi... hindi ko pa rin matanggap na mahal na kita.

Hindi ko matanggap. At ayaw kong tanggapin. Alam mo ba kung bakit? Kasi duwag ako. Takot akong masaktan. Oo na. Alam ko namang kaakibat ng pag-ibig ang sakit. Pero yung akin kasi, hindi pa man nagsisimula yung love story natin talaga, masakit na. Ayaw ko nun. Kaya hindi ko matanggap. Saka... umaasa pa rin akong magkakaroon ng TAYO.

Ang tanga ko ba? Shunga? Bobo? Masokista? Eh sa gusto kita eh. Gusto na kitang kalimutan talaga. Ayaw lang ng puso ko.

Pero minsan, naiisip ko. Baka natanggap na pala ng puso ko, ayaw lang ng isip ko. Hanggang kailan ba matatapos to, Vash? Ano bang ginawa mo at hook na hook ako sa'yo?

Ilang beses mo na ba akong tinanong ulit sa walang katapusang "Naibog pa ka nako?" Hindi na katulad noon ang sagot ko. Defensive na ako. "Wala naman siguro. Naanad na lang guro ko. Pero okay ra man. Haha. Mu-go with the flow na lang ko."

Tanggapin ko man o hindi, wala pa ring patutunguhan di ba? Wala pa ring TAYO. Ang meron lang, ako at ikaw. At muntik nang maging KAYO ng gusto mo. Sinuportahan kita di ba? Naiilang ka pa pero sabi ko okay lang. Besh kita kaya suportado kita.

Lahat ng kwentong masasakit ang ending, dedicated at inspired para sa'yo. Pero di ko magawang panatilihing sad ending eh. Sa Wattpad na lang ako mananaginip na merong tayo, hindi pa magkakatuluyan? Hindi pwede! Kaya kahit nakakapangit sa kwento, may happy ending pa rin sa huli. Para sa akin. Para sa namumulubi kong puso. Lahat ng tula at kantang ginagawa ko tungkol sa pag-ibig, para pa rin sa'yo. Ikaw ang pinagkukunan ko ng lahat, Vash. Ikaw lang.

Hindi na masakit. Dahil tanggap ko na nga! Nakakainis! Ilang ulit ko pa bang lolokohin ang sarili ko, Vash? Hindi na masakit. Gusto kita at tanggap ko nang gusto kita, at di mo ko gusto.

Hanggang doon na lang tayo sa totoong buhay. Si Vash at si Aria. Si Besh at si Besh lang.


Online Source: