NG at NANG, atbp.Ako’y naudyok na magsulat nito upang makatulong na rin na maitama ang madalas na pagkakamali ng iilan sa pagsusulat gamit ang wikang Tagalog. Salamat kay boss @twotripleow na siyang nagsimula sa pag-post ng wastong paggamit ng ilan sa mga salita gaya na lamang ng
Bagama’t hindi ako isang batikang manunulat, hayaan n’yo po akong ibahagi ang aking mga natutunan sa aking limang taong pagsusulat gamit ang wikang Tagalog.
Nauna ko na pong nailathala rito sa steemit ang wastong paggamit ng gitling. Ngayon naman, ibabahagi ko ang wastong paggamit ng dialogue tag at action tag. (Hindi ko po alam ang tagalog niyan. Sorry naman.)
DIALOGUE TAG AT ACTION TAG
Ano nga ba ang action tag at dialogue tag? Kailan nga ba ito gagamitin? Ano ang kaibahan ng dalawa.
Ang action tag at dialogue tag ay mga pariralang ginagamit at nilalagay bago, pakatapos, o sa gitna ng dayalogo. Iba rin ang bantas na ginagamit depende kung saan nakalagay ang action tag o dialogue tag.
Kaibahan ng dialogue tag at action tag:
DIALOGUE TAG
Ang dialogue tag ay ginagamit upang ipahiwatig na ang speaker ay nagsasalita. Ito ay inilalagay bago, pagkatapos o sa gitna ng script o salaysay.
Halimbawa ng dialogue tag:
sabi niya, sigaw niya, aniya, bulong nito, singhal ng nanay niya, atbp.
- Kuwit o comma ang gagamiting panghiwalay sa pagitan ng script at dialogue tag.
- Pero kung tandang pananong/question mark o tandang padamdam/exclamation point ang ginamit sa pagpapahayag ng tanong o damdamin, hindi na kailangang gumamit ng kuwit/comma.
- Ang unang letra ng salita pagkatapos ang script ay nasa maliit na titik o hindi dapat naka-capitalized, maliban na lang kung pangngalang pantangi o proper noun ang unang salita.
Halimbawa:
“Pahingi naman ako ng pizza pie,” sabi ni Jambol sa kaibigan.
“Walang forever!” singhal niya.
Sumigaw siya, “Itigil ang kasal!”
“Maghihiwalay rin kayo!” sambit niya bago bumuhos ang luha sa kaniyang mata. “Tandaan n’yo ‘yan!”
ACTION TAG
Habang ang action tag naman ay ginagamit upang ipahiwatig ang kilos ng speaker. Ito ay inilalagay bago, pagkatapos o sa gitna ng script o salaysay.
Halimbawa ng action tag:
Tumakbo siya, Inagaw niya ang bitbit ng babae, Ngumiti siya na parang aso, atbp.
- Tuldok o period ang gagamiting panghiwalay sa pagitan ng script at dialogue tag.
- Pero gaya ng dialogue tag, kung tandang pananong/question mark o tandang padamdam/exclamation point ang ginamit sa pagpapahayag ng tanong o damdamin, hindi na kailangang gumamit ng tuldok/period.
- Ang unang letra ng salita pagkatapos ang script ay nasa malaking titik o ito ay dapat na naka-capitalized.
Halimbawa:
“Sabi ko namang maghihiwalay rin kayo.” Ngumisi siya nang nakakaloko.
Sinampal niya ang larawan ng kaniyang nobyo. “How dare you?”
“Bakit ngayon ka lang?” Pinanlisikan siya nito ng mata at saka kumuha ng pamalo. “Sinabi ko namang umuwi ka nang maaga!”
Kung may maidaragdag pa kayong mga halimbawa o mas maayos na paliwanag, maaari po kayong magbigay ng komento para makatulong din sa iba.
Magpo-post din po ako tungkol sa tamang paggamit ng iba pang bantas, baybay, dialogue/action tags, at wastong salita na kadalasang namamali ng paggamit. Magpo-post agad ako kapag ang oras ko ay medyo maluwag-luwag na.
Kung may katanungan po kayo tungkol sa paksang ibinahagi ko ngayon, mag-iwan lang po ng komento at ito’y aking sasagutin.
Maraming salamat at mabuhay ang wikang Tagalog!
pinagkunan ng larawan:1


@jemzem you were flagged by a worthless gang of trolls, so, I gave you an upvote to counteract it! Enjoy!!
Marami pa akong kakaining bigas para maging bihasa hehe. Hindi ako titigil haha.
“Pahingi naman ako ng pizza pie,” L na L na sabi ni Jampol sa kaibigan.
Nyahaha.
Ayan! Magandang halimbawa 'yan, boss. Ang galing! 😂
Napaka informative nito sis! 😃
Thank you, sis. 😊
Dito ako lagi nalilito eh. Salamat ate @jemzem!
Walang anuman, mam @romeskie. Sana nakatulong kahit papaano. 😊
Congratulations @jemzem! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
To support your work, I also upvoted your post!
Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - The semi-finals are coming. Be ready!
Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes
napakahusay! maraming salamat sis :)
Maraming salamat, sis. 😊
Napakalaking tulong po sa mga manunulat pati na rin sa aming mga mag-aaral ang naibahagi mong sulatin. Salamat po sis @jemzem at sana po ay madami ka pang maituro sa amin.
Maraming salamat, lingling. Sana nga'y marami pa akong maibahaging kaalaman. 😊
Congratulations @jemzem! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - Croatia vs England
Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes
Hwaw, now ko lang nabasa 'to. Seryoso writer ka tlga??? 😱😱😱
Congratulations @jemzem! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - The results, the winners and the prizes
Sobrang informative naman nito. 👍 Pwede ding icheck ang Facebook page ng WIKApedia PHat idownload ang WIKapedia PDF na nirelease pa nung 2015. Sobrang daming makukuha dun tungkol sa tamang paraan ng paggamit ng wikang Filipino.