"Palimos Po"
Isinulat ang tulang ito dahil nakita ko ang mga batang nasa lansangan at nanghihingi ng tulong kahit kanino man
Na kahit musmos at mga mata ay maga
Mga maliliit na katawan ay sanay sa batakan.
Maaga pa lang ay kumakayod kahit walang laman ang tiyan.
Mga munting paslit ay nagkalat sa lipunan
Sila na ang kumakayod para may pangkain sa tanghalian
Na dapat ang ginagawa nila'y naglalaro sa palaruan
At kung minsa'y sa mga bangketa sila'y nasisilayan
Mga tao, sila'y pinandidirihan
Tinataboy pa halos ng karamihan.
Bagkus nauuna pa ang panunukso ng ilan.
Paano kaya kung kayo ang nasa kanilang katayuan?
Kayanin mo kaya ang pait ng kapalaran?
Paano kung kayo ang kanilang hushagan?
Mapagkamalan pang magnanakaw ng ilan
Kahit walang ginagawa'y pinagiisipan ng kasamaan
O kaya'y kanilang pandirihan?
Ano kaya ang inyong mararamdaman?
Magpasalamat nga kayo dahil hindi kayo ang nasa kanilang katayuan
Likas sa atin ang pagbabayanihan
Mga batang namamalimos ay abutan kahit minsan
Sapagkat sila'y tao rin naman
Kahit katiting na barya lang naman.
Mapapasaya nyo sila kahit kakarampot lamang.
Panglaman lang sa kanilang kumakalam na tiyan
Tulungan natin sila
To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca
A picture speaks not a thousand word, but a million. I think my heart cried upon looking a this. I do not understand what you wrote, but my soul understood the image. Thank you!
it's all about the street children that I saw on my way home. I am so sad to see them sleeping on the streets, begging for food and some coins to other people. Some babies are just malnourished and have bloated stomach.. My tears fell when I saw them.
awwww sorry to hear...this curse is everywhere world wide...and really there should be no reason why it exists.