No one can rewrite the stars
How can you say you'll be mine?
Everything keeps us apart
And I'm not the one
you were meant to find
It's not up to you
It's not up to me
When everyone tells us what we can be
How can we rewrite the stars?
Eto ang linya mula sa isang kanta na paulit-ulit dumudurog sa puso ko tuwing ito ay napapakinggan. Wala nang mas sasakit pa sa pag-ibig na sana ay tama kung hindi lamang namali ng dating; maaga o medyo nahuli.
Nakilala ko si Paolo sa hindi inaasahang pagkakataon. Siya ay may nobya at ako rin ay kasalukuyang nasa isang relasyon. Yung tipong, ramdam ko na luminya ng sadya ang lahat ng bituin sa langit nung kami ay magkakilala ngunit pilit na inulan at pinaramdam sa aming dalawa na “baka lang” pwede pa. Ngunit may kalakip na paalalang, “Siya ay engaged at sa isang buwan ay ikakasal na.”
Unang linggo, sa kanyang talas ako ay napabilib. Buong oras na siya ay kausap, ako ay napapabuntong hininga na lang. Nung panahong iyon ko lang naisip na ang boyfriend ko ay maraming pagkukulang.
Lima. Limang araw akong puyat kakahintay sa makwelang kwento niya. Text, tawag at kahit sa chat ay siya pa rin ang palaging gustong kausap. Apat na beses kung mag paalalang magpahinga at kumain sa tamang oras. Tatlong oras minsan bago mag reply kapag kasama niya si girlfriend. Dalawang beses din kami ni boyfriend nag away dahil mas pinipili ko pang siya ang kausapin kesa makinig sa boyfriend kong puru basketball ang utak.Isa. Ito ang kaisa-isang beses na natuto akong magtago ng sekreto sa boyfriend ko.
Dalawang linggo kong pilit na iniisip kung bakit sa kanya ako ay nahuli. Dalawang linggong kahit na siya ay batid kong masaya kung ano man ang meron sa aming dalawa.
Walong taon. Walong taon kami ni boyfriend at ang walong taong iyon ay kaya ko sanang pakawalan kung gustuhin lamang niya. Totoong, minsan sa haba ng isang relasyon ay may darating na oras na kinukwestyon mo kung kayo nga bang dalawa ang naka tadhana para sa isa’t isa.
Pangatlong linggo nang siya ay kinompronta ng kanyang unang pag-ibig kung ako ba o siya. Kung kaya ba niyang iurong ang kasal nila para bigyan ng pagkakataon ang pag-ibig na umuusbong sa pagitan naming dalawa. Iyon din ang huling linggong narinig ko ang matatamis niyang tawa na naging musika na sana sa aking tenga.
Dalawa. Dalawang gabi akong umiiyak sa pag-ibig na hindi talaga naging akin. Dalawang gabing sinisisi ang sarili na sana ay hindi ko na lang binigyang pagkakataon ang pag-ibig na iyon na umusbong sa isang bagay na kahit na ako ay ayaw ng tigilan.
Pang-apat na linggo mula sa aming unang pagkikita ay ang linggong siya ay ikinasal. Ang panahong tuluyan nang natuldukan kung ano man ang aking mga alang-alang. Eto ang panahong naramdaman kong, siya talaga ay nakapagpasya na at iyon na ang huli para sa aming dalawa. Sa oras na iyon lamang ako naliwanagan, ang sagot niya sa tanong ng kanyang nobya ay sila at kailanman ay wala ng pagkakataon para sa aming dalawa.
Tatlo. Tatlong beses kung inumpog ang aking ulo para lamang magising sa katotohanang wala na siya at kahit ni minsan ay wala ng pagkakataong kami ay magsalo sa parehong musika.
Ayaw kong maging gahaman dahil ni minsan ay hindi ko rin inisip na saktan ang taong sa kanya ay naunang magmahal para lamang sa aking kasiyahan. Kung tutuusin, hiniling ko nga sa kanya na bigyan ng pagkakataon ang kanilang relasyon dahil baka lang naman ang apoy na namuo sa amin ay panandalian lamang. Sinabi ko sa kanya na piliin ang tama ngunit sa kailaliman ng aking kaluluwa ay isang boses na umaasang sana ako rin ay mapagbigyan niya.
Pero paano nga ba mag move on sa isang pag-ibig at tao na ni minsan ay hindi naman naging akin? Ang ibaon siya sa limot ay di ko magawang kalimutan dahil kalakip nito'y mga masasayang ala-ala. Ang magalit sa kanya ay isang bagay na hindi ko rin magagawa sapagkat ano ba ang maling nagawa niya? Ang pagpiling ginawa niya ay hindi kasakiman at hindi rin kamalian sapagkat ginawa lamang niya ang tama.
Maraming beses na rin akong nasaktan. Ngunit sa lahat ng pait na aking naranasan, ito ang pinakamasakit dahil ni wala man lang akong karapatang lumaban. Hahayaan ko na lang siyang sumaya sa piling ng kanyang minamahal. Panghahawakan ko na lang ang kasabihang, “Hindi lahat ng soulmates ay nagkakatuluyan” at patuloy ko na lang isasaisip na siya ngayon ay masaya na at kung talagang mahal ko siya, hahayaan ko siyang maging masaya kahit sa piling ng iba.
Kaya, sa lahat ng ito, ang tanong ko lang, sino ba gumawa ng kantang Rewrite the Stars? Sarap kasi niya batukan. (Syempre charot lang😅.)
Alam kong mali rin na mahulog ako sa iba habang nasa relasyon ako. Ngunit ako ay tao lamang at minsan sa gitna ng mga problema ay maghahanap ka ng taong masasandalan. Kaya ngayon, mas tinututukan ko na kung paanong maging girlfriend sa boyfriend imbes na isipin kung anong mga pagkukulang niya. Dahil na rin sayo Paolo, mas binigyan ko na rin ng halaga ang mga taong sa akin ay nanatili kahit nung mga panahong binigyan ko sila ng rason na ako ay iwanan. Kaya’t salamat.
Maikling mensahe para kay Paolo:
Ang panandaliang saya at tawa na iyong dala ay habang buhay na magiging parte ng aking buhay. Nais kong ikaw ay maging masaya. Nung pinili mo siya, alam kong pinili mo rin ang bukas na kasama siya. Kaya sana ay mabuhay ka, magmahal, maging masaya, maging malungkot at kahit masaktan para lamang sa kanya. Hayaan mo lang akong tanawin ka sa malayo. Ang totoo, iniisip ko na lang na isang panaginip ang lahat sa ating nakaraan. Sana alam mong nasasaktan akong nasasaktan ka at ngumingiti ng dahil sa iba pero mas masasaktan akong malaman na ako ang dahilan ng sakit na iyong nadarama. Kaya, sa akdang ito pina-pakawalan na kita. Ito ang aking pag move on.
About the Author
If you want to know how Steemit influenced my life,
you may check my previous post here.
You can also check this post including this link for more Steemit tips.
I write fiction stories and poems too!
I would really appreciate it if you would check them out.
Also, please drop your comments and suggestions for my next post.
I would love to hear all your thoughts.
Let us make this interactive!
Oh, by the way, penny for my thoughts?
Hahahhaahha. Si Toto ba ito? Junjun o Lingling? Naku, spread the love lang tayo lagi kahit na masaktan. 😁
Si @junjun-ph yan @jemzem tinamad lang gamitin ang personal na account nya hahaha.
Hahaha damay-damay natuuuuu!!! Salamat @tagalogtrail, @toto at @jemzem!
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Thank you! @c-squared!
Ang sakit sakit. Gusto mo man siyang ipaglaban, wala ka namang karapatan. Hindi ka niya binigyan ng chance eh. Pero totoo yan, hindi lahat ng nagmamahalan ay magkasama...
Paolo, siguraduhin mong masaya ka sa pinili mo! Para naman worth it ang pagkadurog ng mga puso namin!
Hahahahhaha. Jusko! Tawang-tawa ako sa comments! Lagot talaga si Paolo kung namali siya ng choice. Ang daming nasaktan e. 😁
Masaya akong andami kong karamay na! 😂
Hmmm... I guess, he's happy naman ngayon. 😁
Tumatak po sa akin ang iyong quotable-quotes. God bless sa mga napili nyong landas ni Paolo!
Yan din isa sa mga favorite lines ko @raiserxn! Salamat at nagustuhan mo ang gawa ko😁
TOTGA pala ang peg. Pero 'yung totoo, ang sakit din nito. 😭
Parang "we had the right love at the wrong time" nga. Huhuhu. Haaayys. Ang komplikado rin naman kasi talaga ng naging sitwasyon n'yo dati. Kung sana nga lang, pareho kayong libre, pareho kayong walang masasaktan, baka nga naging kayo. Pero ganoon talaga minsan e. "Pinagtagpo pero hindi itinadhan" nga lang kayo. Sana nga lang pareho kayong dalawa na masaya ngayon. ❤
Maraming salamat nga pala sa pagsali sa patimpalak ko, sis. At maraming salamat sa pagbagi ng kwento mong ito. 😊
Actually, tama ka sa "We had the right love at wrong time." First song choice ko sana yan. Hahaha!!
Haaay... mapapabuntong hininga ka nlang kung tadhana na kalaban mo. Thank you so much for this opportunity @jemzem. Masaya akong finally, nalabas ko rin ang bigat na dala ng bigong pag-ibig. Cheret.
Congratulations @valerie15, your post has been featured at Best of PH Daily Featured Posts.
You may check the post here.
About @BestOfPH
We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.
See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.
If you want to be part of the community, join us on Discord
Thank you @bestofph! Hahaha I think it's about time I install ginabot. Queen of Broken Hearts huh. Lol!!!
Thanks sa feature!
totoo ba ito?
Yes nman @beyonddisability. 😅 may mga iniwang detalye lang para sa thrill at privacy. Lols