Tulad ng kulay ng suot kong damit, ang ulan ay naghahatid ng iba't ibang emosyon depende sa kung ano ang kalagayan ng aking puso at isip. Masaya, sa tuwing naalala kong paano ang init ng iyong labi ay dumampi sa aking naghihintay ng mga labi at pinukaw ang nag-aalab kong pagsinta. Halik sa ilalim ng malakas na ulan. Malamig na mainit; di ko maintindihan. Batid ko lang na ang puso ay puno ng kasiyahan.
Ngunit tulad din ng pag-ibig na karimlan ang dala, minsan ang ulan ay nakakatakot lalo na't may kalakip na kidlat at kulog. Malakas. Madilim. Naaalala ko pa noong dating ang buong atensyon ko'y nakaukol lamang sayo tulad ng pagbaling ko sa kung paanong magka distansya ang bawat tulo ng ulan na di ko man lang namalayang ako'y basang-basa na. Ang mga halik mong dati'y saya ang dala, unti-unting naanod sa aking alaala habang ang bawat patak ng tubig-ulan at aking luha ay nagiging isa.
Madalas ang lamig at kapayapaang dala ng ulan ay aking hinahanap. Ngunit kaakibat naman nito ay ang pagdagsa ng mga alaalang pilit ko binibitawan sa pagka-akap. Totoo nga, ang ulan ay kakambal ng masasaya't mapapait ng alaala. Ayaw kong maalala ka ngunit paano bang magawang kalimutan ka kung ang ulan ay di ko mapigilan sa pagragasa?
Napabilang po talaga ako ng 7-7-7-7 dun sa Tanaga:
Ang husay po ng inyong likha, dama mo ang hugot sa ulan. Lahat talaga may meaning ano po, depende na kung paano makikita ng isang awtor ang isang bagay.
Uu. Lahat ng bagay may kwento at hugot. Salamat @tagalogtrail!
Galeng. Nakarelate ako sa piyesa. Pagawa po ng spoken version hehe.
Hahaha shy type ako @jazzhero. Hahaha!! Pero salamat sa palagiang suporta. The best ka talaga!!