Magsimula tayo sa sinaunang lugar at panahon
Sa isang pook na hindi pa tukoy ang eksaktong lokasyon
Sa isang bansang hinahampas ng mga alon
At ang tao't kapaligiran ay matalik pa ang interaksyon.
Ang mga nayon ay pinamunuan ng mga datu
Mga maharlika't dugong-bughaw nating mga ninuno
Hindi mo masasabing mangmang ang mga taong ito
Dahil maunlad ang buhay sa ilalim ng kanilang liderato.
Dahil payapa at tahimik ang mga pamayanan,
Hindi pa gising ang pag-iisip at kamalayan
Ng mga miyembro't kasapi ng sinaunang lipunan
Tungkol sa salitang "Pagkamakabayan".
Sundan natin sa paglalakbay at pagdating ni Magellan
Na humantong sa labanan sa isla ng Mactan
Na naging mitsa ng kanyang maagang kamatayan
Sa kamay ni Lapu-Lapu't maliit na sandatahan.
Kung lakas at kakayahan ang pagbabasehan
Alam natin kung sino ang lamang sa laban
Ngunit huwag nating ipagwalang-bahala't kalimutan
Kung sino ang mas nakakaalam sa kanyang nasasakupan.
Sinundan ito ni Miguel Lopez de Legazpi
Naging sunod-sunod ang mga banyagang mang-aapi
Na sumakop at lumampastangan sa ating lahi
Mga ganid at sakim; kumitil sa ating mga ngiti.
Sinakop at inalipin sa matagal na panahon
Lumaban at nabigo ng maraming taon
Naghintay at nagtiis ang mga Pilipino noon
Hanggang makahanap ng tamang pagkakataon.
Marami ang nagbuwis ng dugo at buhay
Umusbong ang pag-ibig na handang mag-alay
Ng kahit ano, makamit lang ang minimithi't pakay
Na katahimikan, kalayaan, at pagkapantay-pantay.
Marami ang naging Andres Bonifacio't Jose Rizal
Naging kapuri-puri ang kanilang mga dangal
Sinuong nila ang mga bala't espadang bakal
Para lamang sa bayang minamahal.
Hindi madali ang pinagdaanan ng ating mga ninuno
Nasa kamay pa rin tayo ng mga mapang-aping anino
Napatalsik man natin ang lahing Hispano,
Dumating at pumalit naman ang mga Amerikano.
Hindi man kasing-lupit ng mga Espanyol
Wala man silang mga espada, baril, at palakol
Hindi man sila ang dahilan ng mga iyak at hagulgol
Alam mong yaman pa rin ng bansa ang kanilang habol.
Inatake ng mga Hapon ang Pearl Harbor
Sinunod at pinabagsak nila ang Corregidor
Dahil sa ambisyon ng kanilang emperador
Napasailalim na naman tayo sa kamay ng mga diktador.
Dahil sa pakikipaglaban at pakikibaka
Dahil na rin sa tulong ng Amerika,
Hindi ka na dapat magtaka
Kung bakit hindi ka nagsasalita sa kanilang wika.
Sa wakas tayo ay naging malaya
Sa tanikala ng Hapon, Amerika, at Espanya
Sa ngipin ng mga gahamang buwaya
At tuluyang mamuhay ng tahimik at maligaya.
Ang Nasyonalismo ay hindi basta-bastang nalilikha
Ito ay galing sa puso at wala sa mukha
Ito'y pinatatag ng paghihirap at pinagtibay ng mga luha
Hanggang sa hindi mo mapigilan, parang baha.
Bumubugso at nag-aalab na damdamin
Hindi mo na kailangan pang sabihin o aminin
Hindi mo na rin kailangan pang hinuhain
Dahil alam mo na dapat ang iyong layunin.
Ipalaganap ang kaalaman at kamalayan
Ipakita sa lipunan at mga mamamayan
Na ang pagmamahal sa bayan
Ay maipagmalaki at tunay na kayamanan.
Ang Pagkamakabayan ay hindi mabibili kahit magkano
Maipagmamayabang natin bilang mga Pilipino
Kaya natin maging taas-noo kahit kanino
At makipagsabayan sa kahit na sino.
Magtapos tayo sa makabagong henerasyon
Ang tungkulin ay pag-aralan ang nakaraan at kahapon
Linangin ang kakayahan at gawing baon
Para malagpasan ang mga pagsubok at hamon.
Image Source: https://naquem.blogspot.com/2015/03/siningsaysay-time-travel-into.html?m=1
LODI!!!
Salamat po. 😊😊😊 Konting practice pa po. Hindi pa po masyadong pulido.
Ang pagaaral ang susi sa kahirapan. 😊
https://steemit.com/blog/@lynrogan/a-minnow-is-me-now-but-soon-i-whale-be-a-whale#comments
Tama! Ang susi sa pag-unlad ng pamumuhay at pagkawala sa kapit ng kahirapan.
bravo! :D
Thank you @brokemancode!
Galing!
Thank you @thegaillery! I'm out of words right now. Thank you so much!
Mabuhay ka @ybanezkim26! Ganda!
Thank you @legendarryll! I hope that it will be an inspiration to the new generation.
Mabuhay! Your post has been upvoted and resteemed by the @bayanihan curation team.
Thank you so much!
Wow galing @ybanezkim26! Poetic ka pala..😊
Hindi naman masyado. Mahilig lang maglaro ng mga salita. Katulad ng kung paano nya pinaglaruan ang damdamin ko. Boom! 😂😂😂
@originalworks
The @OriginalWorks bot has determined this post by @ybanezkim26 to be original material and upvoted(1.5%) it!
To call @OriginalWorks, simply reply to any post with @originalworks or !originalworks in your message!
This post has received a 0.70 % upvote from @buildawhale thanks to: @ybanezkim26. Send at least 1 SBD to @buildawhale with a post link in the memo field for a portion of the next vote.
To support our daily curation initiative, please vote on my owner, @themarkymark, as a Steem Witness
#untalented