Image Source
‘Good morning’, sabay hawi sa buhok na bumagsak sa pisngi mo nang mapansin kong gising ka na. ‘How’s my Hunny’s sleep?’, kanina pa kita pinagmamasdan siguro mga tatlong oras na’kong gising pero walang sawang pinapanood ang pagtulog mo at pilit na kinakabisa ang bawat detalye ng kagandahan mo, sinusulit ang bawat sandaling kaya kitang ikulong sa’king bisig. You smiled but did not reply. Pero yung ngiting yon pa lang sapat na para buuin ang araw ko, para bigyan ako ng lakas na harapin ang mundo, para lagyan din ako ng ngiti sa aking mga labi. ‘Ang ganda naman ng katabi ko’, sabay halik sa noo mo pababa sa ilong at patungo sa yong nakakapanabik na mga labi, sabay yakap sa’yo ng mahigpit at nagnanais na ipadama sa’yo na gusto ko sanang ganto tayo habambuhay at hindi kita pakakawalan. ‘Ano’ng gustong breakfast ng Hunny ko? Ipagluluto na lang kita’, tanong ko sa’yo habang nakatitig at tinitiis na huwag matunaw mula sa’yong mga titig, at pinipigil ang pananabik sa’yong mga hagkan at halik. ‘Ikaw’, tugon mo ng may ngiti sabay hatak sa aking mukha patungo sa’yo, tulak sa aking labi papunta sa’yo, tila hinihigop ng gravity yung puso ko hanggang mapag-isa silang dalawa ng puso mo. ‘Mahal ki..’, pagmulat ko wala pang alas sais, wala pa ring ikaw sa aking piling, wala ring ikaw sa buhay ko. ‘Panaginip lang pala… Mahal… Mahal kita…’, umidlip na lang muli, baka mabalikan pa kita at masabi sa’yo ang nadarama. ‘Mahal kita’.
This is an old prose I've written. It's purely in Filipino and I can't really translate it. Dunno if I shared this here before, I don't think I have.
Awesome it's make like as evening sunset moment but it's morning, what an amazing caption dear @deveerei
Mahusay, @deveerie. Nananaginip lang pala siya...😁
Really nice post. thank you for <3 @deveerei
Ang ganda! Ang lalim, if I'm going to write a poem in Filipino cguro kailangn ko ng translator.haha. words in Filipino are difficult ,lalo na pag malalamim na tagalog.
Yep, mahirap - pero maganda naman. :D
Yeah, maganda pakinggang pagtagalog. Hehe.
Hahahaha, I was about to comment na hindi ako makakarelate kasi single ako since birth, then as I continued reading, it was a dream lang pala - yeah I totally forgot about the title! Lol
aww, reality sucks. That's why I like to daydream because my imagination is greater than my reality.
totoo ba to?
hugot na hugot eh
Haha. Di ko na maalala to - nakita ko lang sa wordpress ko - parang more than 3 years na tong naisulat.
reasteam done please check my profile
beautiful picture its nature of beauty. and resteam done @deveerei