Alam mo yung feeling blessed ka sa isang bagay sa hindi mo inaakalang pagkakataon?
Choko (my son): mama, I love you.
Ako: I love you too, nak.
Choko: mama, sorry ha.
Ako: sorry para saan?
Choko: kasi minsan pasaway ako.
Ako: (speechless)
Minsan pag nag pupunta kami sa mall o kaya pag nasa grocery.
Choko: mama, pwede tayo magpunta dun sa mga bilihan ng laruan?
Ako: okay pero….
Choko: opo mama alam ko wala tayong pera, hindi naman ako magpapabili. Titingin tingin lang naman ako.
Ako: (moments like this breaks my heart) okay, nak. Pero pag may pera na tayo bibilhan kita kung anong gusto mo ha.
Choko: okay mama, salamat mama. Basta yung pinaka mura lang ang pipiliin ko para hindi magastos.
Minsan naman kapag naglalambing na sunduin ko siya sa school.
Choko: mama, may pera ka pa?
Ako: wala nak. Bakit?
Choko: ay, papasundo sana ako sayo eh. Pero okay lang wala ka pa kasi pera.
Ako: ahh… okay nak.
(tapos pag dating ng hapon makikita niya ako bigla sa labas ng gate ng school nila)
Choko: (tatakbo nay an pag nakita ako sabay sabi) salamat mama! I love you!
Pag nasa bahay naman kami at may gusto siyang bilhin.
Choko: mama, may pera ka pa?
Ako: check mo sa pitaka ko, nak kung meron.
Choko: okay mama. Hingi ako ng piso pag meron ha.
(pag na.check niya na at piso nalang ang nakita niyang laman ng pitaka ko)
Ako: nakakuha ka, nak?
Choko: di ko nalang kinuha mama. Kasi piso nalang laman ng pitaka mo eh.
Ako: sige lang, nak kunin mo nay un.
Choko: sa susunod nalang mama para may pera pa yung pitaka mo. Sorry mama ha.
Ako: oh ba’t nagsosorry ka na naman?
Choko: eh kasi nanghihingi ako sayo, eh wala ka na tuloy pera.
Ako: (speechless)
thanks for dropping by! ^_^
Please support @surpassinggoogle as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box
You can also give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy
Please support his project as well, which is @teardrops Smart Media Token
Join the Steemit School organized by @dobartim on Discord