ISTORYA NG PAG-IBIG

in #love7 years ago

ISTORYA NG PAG-IBIG
(GREATCHIE & LEMUEL YBARLEY)
isinulat ni Jepthy O. Benocilla

Mayroon akong isang kwentong nais isalaysay
ito'y tungkol sa hiwaga ng pag-ibig at buhay,
nang makilala ni binata si dalagang malumanay,
tuloy ay tinamaan, nagmahal at ayaw ng humiwalay.

Lemuel ang ibinansag sa kanya ng langit.
Matikas, maginoo, gwapo at mabait,
katangiang kaibig-ibig at kaakit-akit,
isang binatang nanaisin ng sinumang kabaro
ng Diyosang Marikit.

Heto naman si maganda, Greatchie Mabala
ang ipinangalan sa kanya,
Pang-uring nararapat ipagkaloob ng kusa
sapagkat siya'y nagtataglay ng pambihirang ganda
na animo'y isang engkantadang pinagpala.

Si binata ay lumaking konserbatibo,
edukado, matalino at may prinsipyo.

Heto namang si maganda'y walang kimi sa katawan.
Hindi pagtatakhan talagang maraming kabaliwan.

Ang pagkikita nila'y parang itinadhana,
noong minsang nag-facebook itong si maganda,
nawari niyang may guwapong binata,
sa facebook friend niyang codename ay "Kerwina".

Siya'y minsang nagtanong sa kanyang kaibigan,
inalam kung sino itong gwapong pangalan,
noo'y nagsalita ng,"Bakit, siya ba'y iyong nagugustuhan?"
"Sabihin mo lang nang ika ay aking tip-an".

Minsan pang ibinigay nito ang numero ng kaibigan,
pa-ayaw-ayaw naman itong si babaeng may paninindigan,
pa-hard-to-get daw ang kanyang ipinaglalaban,
pero sa loob nito'y, Asus! mayroon ding kalandian.

Doon nga at sila'y nagkatagpo,
sa booth noon kung saan si Greatchie nakaupo,
saba'y sabing, "Softdrinks, chichiria, bili po!"
nang uhaw ninyo'y tuluyang mapugto.

Hindi niya inasahang si binata'y masisilayan,
dumaan pa sa kanyang harapan,
tumigil at bumili sa kanyang tindahan
sabay sabing, "Ms. softdrinks, maaari bang
ako'y iyong pagsilbihan?"

Ito namang si maganda ay 'di nagpaawat,
hindi pa hinintay na ito'y magpabuhat,
kaya, hayun dali-daling napakagat,
ayaw sayangin ang pagkakataong itinapat.

Tuluyan nga at sila'y nagkakilala,
nagbatian at nagpakilala sa isa't isa,
itong si binata'y nabighani sa kanya,
at nagtanong, " Pwede bang i-text kita?"

Nagdaan ang mga araw at sila'y nagkaigihan,
text dito, text doon, iyon ang kanilang pinagkakaabalahan,
marami na ngang pagbabago sa kanilang pagtitinginan,
pati facebook niya'y "EGAT YBARLEY" na ang alternative na pangalan.

Hindi ko lang maintindihan itong si binata.
Bakit ba pamantayan sa babae ay mayroon siya?
wala namang problema itong si dalagita,
maliban na lang sa pagkatao niyang napakamoderna.

Sabi nga na si binata ay konserbatibo,
lumaking masunurin sa kanyang lola at lolo,
kaya kung umasta ay para ring sinaunang tao
tuloy itong si maganda'y nahihirapan ng todo-todo.

Kaya ipinangako ng dalaga na siya'y magpapakabait,
kung nanaisin nitong magbago'y kanyang ipipilit,
masunod lang ang nais ng pusong iginigiit,
"Lemuel Ybarley at Greatchie Mabala" ay magkalapit.

Wika nga ng mga matatanda'y " Ang pag-ibig ay walang pamantayan"
Kusa mo nalang itong mararanasan at mararamdaman,
at kung anong mayroon ka na pinagbabatayan,
tiyak kong lahat ng iyon ay iyong kakalimutan.

Kaya ikaw binata ay tanggapon mo si dalaga,
yakapin ang buhay kung anong mayroon siya,
kalimutan mo ang pagkakonserbatibo nila
dahil mismong siya'y babagay din sa kanila.

Nais kong sa takdang panahon kayo'y magkatuluyan,
haharap sa altar sa loob ng simbahan.
mangangako sa isa't isa at magsusumpaan
na magmamahalan hanggang sa katapusan.

Sa inyong mga anak ay inyong ihahabilin,
mga aral na ito na hindi dapat limutin,
iyong umibig ka na walang ibang nanaisin,
kundi ang mahal mo lamang ang iibigin.

Nawa'y magsama kayo at mag-iibigan,
'pagkat hangad ng mga "ADIKZ" ang inyong kaligayahan,
makita kayong masaya at naglalambingan,
hanggang sa tumanda at hanggang kamatayan...LOVE STORY.jpg

Sort:  

nice post kabayan

salamat sa iyo kabayan!

Congratulations @jepthybenocilla! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Congratulations @jepthybenocilla! You have received a personal award!

1 Year on Steemit
Click on the badge to view your Board of Honor.

Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - The results, the winners and the prizes

Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Congratulations @jepthybenocilla! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 2 years!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!