#magmoveontayo - Ikaw at Ako, Wala ng Tayo

in #magmoveontayo7 years ago (edited)

Anim..

Anim na taon na, simula nang tayo ay maghiwalay, naaalala ko pa ang mga panahon na tayo ay masaya, nagmamahalan na para bang ang mundo ay para sa ating dalawa lamang. Unang halik, yakap at minahal ko ay ikaw, pero bakit ganoon? sa dinami rami ng ating pinagdaanan sa ating halos tatlong taon na pagsasama, ako nalang pala mag isa ang kumakapit, ako ay bigla mo nalang iniwan at ipinagpalit.

35051626_1921792827838977_7768777398086008832_n.jpg

Nobyembre taong 2011, naaalala ko pa na sa isang mensahe lang galing sa iyong telepono nagtapos ang lahat ng ito. Mas nagalit ka pa sa akin noon at sinabi mo pa na ito ay wala lang at naglolokohan lang kayo. Pero bakit? tanong ng paulit ulit, mensahe ng iyong unang minahal ang aking nabasa na nagsabi ng katagang " Kung wala ka lang Girlfriend, edi sana tayo na ulit ".

Napakasakit, sobrang pait , puno ng galit ang dib dib, naisip ko paano pa kita pagkakatiwalaan ulit? kung sa dalawang taon nating pagsasama ilang beses mo na akong ipinagpalit. Ngunit ang pinakamasakit, kahit paulit ulit, etong manhid at tanga kong puso patuloy na nagtitiwala sayo at sarili ay lagi nalang winawaglit.

Hindi ko kasi matanggap na kapalit palit ba ko? kaloko loko ba ako? Hindi pa ba ako sapat? Siguro noon, OO ang lahat ng sagot, kasi nagawa mo, ano ba naman ang laban ko mas una mo siyang minahal kesa ako.

35077598_1921792774505649_8510539810841034752_n.jpg

Pagkatapos natin maghiwalay ay paulit ulit kang humingi ng paumanhin pero sarado na ang isip ko, nabasag na ata ang helmet na nilagay mo at nauntog na ako. Naisip ko habang nasa byahe ako palayo sa bahay ninyo, "Tama na, ayoko na at tigilan na natin ito. Hindi siguro talaga ako para sayo kasi hindi mo naman nakikita ang halaga ko."

Ngunit paano nga ba kita nakalimutan? Ilang taon ang lumipas, hindi na tayo nag usap, binura ko lahat ng mga bagay na magpapaalala sa ating dalawa, wala na akong balita sayo at napatawad na din kita. Pero hirap nako magtiwala sa iba, na tila ba naging bato na tong puso ko at wala na ako magustuhan kahit isa. Buong taon ko sa kolehiyo wala ako ginawa kung hindi ang mag-aral ng mag-aral, nagpakasubsob ako sa gawain sa eskwelahan at nangako sa sarili na pakikipag relasyon muna ay iiwasan.

Natapos ko ang apat na taon sa kolehiyo ng may karangalan na ang tanging naging inspirasyon ko sa pag aaral ay ang Panginoon at pamilya ko. Noon naisip ko eto yung mga bagay na sabay natin pinangarap noon at unti unti ng natutupad ngunit wala ng tayo kundi ikaw na lamang at ako.

Simula ng maghiwalay tayo, noon ko naranasan na sakin lang iikot ang mundo ko, masaya naman din palang mag isa, unang ginawa ko para mabura ang ala ala mo, tinanggap ko... tinanggap ko na wala na, na hindi na ulit magiging tayo. Oo sobrang masakit at mahirap pero kinaya ko kasi siguro panahon na, para mahalin ko naman ang sarili ko.

Sa panahon na mag isa ako, nakilala ko ang mga taong hinding hindi ako iiwan kahit pa wasak na wasak ako. Ang pamilya ko na hindi nagsawang mag paalala sa akin na mahalin ko muna ang sarili ko at dadating rin ang tamang tao na magtutumbas ng lahat na pagmamahal na binibigay ko.

Mga kaibigan na isang tawag ko lang sasamahan ako kahit pa saan, mapa gala man o kainan. Kaya simula noon, naisip ko ang swerte ko pala kasi andaming taong nagpapatunay na karapat dapat akong mahalin at kaya ko naman pala maging masaya kahit na wala ka na.

Unti unti kong minahal ulit ang sarili ko, tinupad kong mag isa ang mga pangarap na binuo natin noon ng magkasama at pinakamahalaga sa lahat ng natutunan ko, hindi ako nakalimot magdasal sa Panginoon na sana ibigay Niya ang tamang tao na mamahalin ako sa tamang panahon at pagkakataon.

35026496_1921808024504124_248298269904470016_n.jpg

At.. dumating na siya, pinagdasal ko ng matagal ay ibinigay na, pagkatapos kong hanapin ang sarili ko, ipinadala Niya ang taong magpapatunay na kahit ano pang pag susungit, toyo at topak ko. Kahit gaano ko pa siya balewalain noong mga panahon nililigawan niya ako. Kahit ilang beses na "Hindi" at "Ayoko" ang sagot ko, patuloy pa rin siya at hindi sumusuko.

Salamat sa Panginoon, dumating na ang pinagdasal ko, ang taong nagpalambot ng pusong bato ko at nakatanggap ulit ng matamis kong "OO".

Noon ko napagtanto, ang sarap palang magmahal at mahalin ulit kapag siya ang taong karapat dapat sayo. Yung taong magpapatunay na kaya pala hindi kayo para sa isa't isa ng nakaraan mo noon, dahil may dadating na tamang tao na magpapaniwalang kamahal mahal ka at hindi ka kapalit palit sa lahat ng pagkakataon.

34963108_1921793237838936_1361789440703332352_n.jpg

35053477_1921793277838932_3093842596041064448_n.jpg

34963224_1921792851172308_4851857235250249728_n.jpg

Thank you for Reading! 🙂 HUGS AND KISSES! ❤️

28872845_1821938514491076_364609128196210688_n.png

border.png

Have you voted your witness?
Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @cloh76.witness, @ausbitbank, @teamsteem, and @curie who have been adding an invaluable contribution to the community.

And don't forget @blocktrades, @jerrybanfield, and @themarkymark!!!
Hey! especially @sircork and the entrepreneur @enginewitty from the @thealliance

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

judy.jpg

29451509_1898997023452877_5579278391426678784_n.gif

steemachievers.png

Sort:  

wow.... a story of love, betrayal, failure, but along the way there is perseverance , forgiveness and patience...

you are worth more than anyone else to "him" . keep loving!

:)

huhuhu. kaiyak magkwento hahahaha! wag mo na basahin lahat, hiya ako :p Thank you po.

Ps, nag Sagada ako kaya ako nakamove on LOL! Hahahahhaha

hahaha....dun pla ang puntahan ng broken hearts ..heheh

Relate na relate ako rito. 😭
Kaya gustong-gusto ko rin talagang makarinig at makabasa ng kwentong pagmo-move on kasi ang sarap sa pakiramdam na pagkatapos ng sakit na naranasan, may kumaya pa ring bumangon. At mas natutuwa ako kapag pinili pa ring magmahal sa kabila ng mga sakit na idinulot ng pagmamahal. Masaya ako para sa 'yo, sis. Buti na lang at naging bukas ulit ang puso mong magmahal. ❤❤❤
At sana tuloy-tuloy na rin talaga. Mas masarap talaga kasing magmahal at mahalin. ❤
Maraming salamat nga pala sa pagsali sa patimpalak ko, sis. 😊

Thanks sis, first time ko mag open about sa past, thank you sa napakaganda mong contest. :*


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Thank you so much! :*

Sis ok lang yan, moving-on is not easy talaga. Mahirap, masakit pero we need to do things right. Idol ko mga tao nakamove after the pain. Kasi bihira lang kayo na magbigay ng 2nd chance to be love again. Happy heart sis.😍😍

Thank you sis. Worth it naman ang pain at paghihintay. 😊

Congratulations! Your post has been chosen for the SteemPH UAE : Daily Featured Posts | 11 June 2018.

Much love @steemph.uae fam. You are such an inspiration :)

Congratulations @judeeey03! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard!


Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes


Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!