Mata ang salamin ng ating pagkatao. Sa mata marami ang pwde mo mkita-kasinungalingan o katotohanan, kapighatian o paghihirap, sakit o pagmamahal at kasiyahan o kalungkutan. Sa mundong ito wala ng totoo maliban sa sinasabi ng mga mata mo. Ang puso at ang utak mo kayang magsinungaling pero ang mata mo, kahit kelan hindi nya kayang itago ang nararamdaman mo.
Titigan mo ang isang bulag, isang tao na iniiwasan, kinaaawaan, inaapak-apakan at minsan kinadidiriian..Maaring hindi nya makita ang kanyang hitsura, subalit ikaw ang my mata at nakakakita, sana makita mo at mabasa ang nasa loob nya kahit wag mo ng tinggan ang kalagayan nya..
Marami kang pwede matuklasan sa pagtitig lamang sa mata ng bawat indibidwal. May kanya-kanyang hirap, problema at pasakit na kanya-kanya ding itinatago ng pilit..Sabi nga nila,"Sa lahat ng Kasinungalingan, Mata lang ang nagsasabi ng Katotohanan".
image source
Kimmy Vra Delincoln