[TAGALOG] Walang cheke? Walang problema. Alamin papaano mag issue ng Manager's Cheque sa Pilipinas

in #money8 years ago

Noong Mayo, inenroll ni Mrs. Reyes ang kanyang anak sa playschool na Children of Tomorrow, katabi ng mababang paaralang ng Bgy. Mataas. (Meron talagang barangay na ganyan, pero kathang isip lang si Mrs. Reyes at yung eskwelahan). Gusto nyang mag-donate sa eskwelahan ng bagong science lab pero ayaw nya mag bigay ng cash (baka mawala) at naubos na pala yung kanyang personal cheques.


Kunwari Sya Yan


Si Richard naman na isang fresh graduate ay nag tatrabaho sa Convergris, isang BPO. Kumuha sya ng insurance policy sa kaibigan nya na nag-aahente naman sa Lunar-Life. Ang initial premium nya ay 20k ngunit ayaw nyang mag bayad ng cash (baka rin mawala). Tumatangap naman ng cheke yung kumpanya ngunit wala pa palang checking account si Richard.


src

Anong gagawin nila?


Ang Manager's Cheque

Sa dalawang halimbawa na ito, maaring silang mag-isyu ng Manager's cheque. Ano nga ba muna ang manager's cheque? Ito ay katulad din ng personal check na iniisyu ng mga tao ngunit ang kaibahan ay sa tinatawag na signatory. Ang manager's check ay iniisyu ng isang banko at ang pumipirma o signatory ay ang mismong bank manager. (Kaya nga manager's check, kuha mo?).

IMG_4352.JPG

(Kumuha kasi ako kanina ng manager's check kaya naisipan ko mag post tungkol dito. Binlackout ko na lang yung mga details para di naman risky para sakin.)


Kaibahan ng Personal sa Manager's check

Ang personal cheque ay isang papel at pangako na iniisyu ng mga taong may Checking o tinatawag din na Current account. Sinusulat nila dito kung sino ang tagapag tanggap (pay to the order of), kung magkano (the amount of) at saka pinipirmahan (ng signatory). Kailangan may sapat na pondo sa kanyang sariling account para ang checke na inisyu ay ma-encash o mapalit sa totoong pera. (Kapag kulang ang pondo, kahit sentimo lang ay tatalbog ang cheke at mabubuwisit talaga yung nag eencash. Maari syang mag sampa ng Estafa sa piskal laban sa nag isyu ng cheke kung gusto nya. Pero pwede rin nya munang tawagan at sabihan yung nag issue na tumalbog nga yung cheke.)

Ang manager's cheque naman ay may tagapag tanggap at halaga din at sabi nga kanina, ang pumipirma ay ang Manager ng banko. Siguro tinatanong mo "bakit naman mag iisyu ng cheke ang banko para sa yo, tapos gagamitin nila yung pera nila"? Mali. Pera mo pa rin yung gagamitin. Dapat ay may aktibong account ka (savings o checking) sa banko na iyong hihingan ng Manager's check.

Mula sa pondo ng account mo, mag iisyu ang banko ng cheke ng eksaktong halaga na pinili mo at kung para kanino. Bago pa magawa ang cheke mo, naibawas na yung halaga mula sa account mo papunta sa account ng branch. Kaya dahil dito, mas gusto ng mga merkado o merchant ang Manager's cheque kasi ~siguradong~ may pondo ito at hindi maaring tumalbog. Kahit magbago pa ang isip mo at naisin mong withdrahin muna ang pera, hindi mo na ito magagawa kasi wala na yung halaga sa account mo nailipat o na-allocate na.


Papaano Kumuha?

1.) Pumunta sa kahit anong branch ng banko mo kung saan meron kang aktibong account.
2.) Pumila ng matagal sa Customer Service at sabihin ang iyong pakay.. "Manager's check po.", alam na nila yun.
3.) Sulatan ang form ng mga impormasyon gaya ng iyong pangalan, account number, pangalan ng taga tanggap at halaga.

IMG_4350.JPG

(Standard ang proseso na ito kahit sa ibang banko. Nagkataon BPI lang yung sample ko. )

4.) Pirmahan at hintayin ibigay sayo ang cheke. May bayad pala ito mula 50 hangang 100 pesos.
(Kahit ilang cheke at kahit magkano ang ipagawa mo ayos lang basta may sapat na pondo.)
5.) Kumpirmahin na tama ang lahat ng impormasyon na nakasulat sa cheke. Valid ang cheke hangang 60 araw (ang alam ko.)


Salamat sa pag-basa at pag-unawa at munting panawagan.

Mga kababayan lalung lalo na sa mga minnow kagaya ko, aasenso tayo dito sa Steem kung tayu-tayo ay mag tutulungan. Bumoto, mag comment at tingin ko higit sa lahat, mag resteem ng mga post na inyong nagugustuhan dahil dun lamang kakalat ang mga post at tataas ang visibility at tyansa na ma upvote ng iba.

Ako mismo pangako ko na aabangan ko ang mga post sa #teamphilippines at #philippines at boboto at mag resteem.

Salamat po.

Sort:  

Nice post po kabayan abangan ko mga post mo paconnect po @donaldbein bago lng po kc ako dito sa steemit.

welcome kabayan! thanks sa reply. taga sunod mo na rin ako.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by cryptokash from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, and someguy123. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you like what we're doing please upvote this comment so we can continue to build the community account that's supporting all members.

Congratulations @cryptokash! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

This post has been upvoted & resteemed by @teamphilippines . Thank you for supporting our TeamPhilippines Movement by upvoting, resteeming, delegating, or donating to this account to allow us to support our growing team more and more each day!

Hay..ang hirap basahin. Salamat po sa donasyon nyo sa ken, but just so u know..natanggap din po ako ng manager's check :)

sorry late reply no steem on weekends ako. hehe bakit hirap basahin?? ang gulo no? parang utak ko.

So tagalog? ;)

Lol sorry will post translations next time :) :)

lolsss no, gets naman din.

Salamat kabayan sa post mo. At support sa blogs qo godbless kabayan. And gudluck saating mga pinoy dito sa steemit.

thanks! sensya na late reply di kasi ako nag Steem pag weekend :) oo suportahan tayo mga pinoy..

Ang galing ng paliwanag mo. Dagdag kaalaman

salamat bossing!! auto follow ako sa mga kapwa pinoy, nice to meet you.

This post has received a 5.49 % upvote from @booster thanks to: @cryptokash.

Hehe "pumila ng matagal" talaga kabayan. Good yan! Matagal naman kasi talaga ang pila. Salamat sa kaalaman!