BITTER NO MORE
Ang Nakaraan...
“Annie, I want to tell you something.” Biglang sumeryoso ang mukha ni Mia. “Please take good care of Ariel. Kung kukunin na ako ng Diyos, gusto ko pa ring maging masaya siya, at kayong lahat na iiwanan ko. I already accepted my fate. My borrowed time is about to end, but despite that, I’m still happy.” Kumawala sa mga mata nito ang masaganang luha, ngunit pilit pa rin itong ngumingiti.
Tumango lang siya at pinisil ang palad ng pinsan habang panay pa rin sa pagbagsak ang kaniyang luha. Sumisikip ang puso niya lalo na at tila namamaalam na ito sa kanila at sinasabi na nito ang huling habilin bago pumanaw.
“Can I talk to, Ariel? Puwede bang iwan n’yo muna kami saglit?” tanong nito sa kanila.
“Sure,” malungkot niyang sagot at niyakap ang pinsan niya.
Niyakap din ng Mama niya si Mia at hinalikan ito sa noo. “Your parents are coming, Mia. Kaya magpakatatag ka, Anak. Ipagdarasal naming gumaling ka.”
Sabay sila ng Mama niya na lumabas ng kuwato at iniwan sina Ariel at Mia sa loob. Pagkalabas nila ng kuwarto ay agad niyang niyakap nang mahigpit ang Mama niya habang walang tigil sa paghagulgol ng iyak. Mahal na mahal niya ang kaniyang pinsan, at ayaw niyang mawala ito sa buhay nila.
Dalawang taon na ang lumipas simula nang magbago ang kaniyang pananaw sa buhay. Sa nakalipas na dalawang taon ay nasabi niyang nakalaya na siya mula sa pait at galit na dulot ng pag-ibig. Malaki ang naitulong ni Ariel sa kaniya at napakalaki ng pasasalamat niya sa kaibigan. Kung hindi ito nagpursige na tulungan siyang makabangon mula sa pagkakadapa ay malamang na nilamon na ng pait ang buong pagkatao niya.
Ngunit sa kabila ng kalayaang natatamasa niya ay siyang pagkakulong naman ng matalik niyang kaibigan sa mundo na puno ng lungkot at pagdadalamhati.
Hindi siya sinukuan ng kaibigan sa panahong mabigat ang kaniyang kalooban. Kaya ngayong nasa baliktad sila na sitwasyon ay gagawin niya rin ang lahat para palayain ito sa malungkot nitong mundo.
Maaga siyang umalis sa kanila dahil may dadalawin siya. Alam niya ring nandoon si Ariel sa lugar na pupuntahan niya kahit hindi nito sinabing pupunta ito roon.
Nang makarating na siya sa lugar ay agad siyang pumasok habang may bitbit na bulaklak. Agad siyang nagtungo sa pakay niya sa lugar. Hindi pa man siya nakarating sa kaniyang sadya ay natanaw na niya sa hindi kalayuan si Ariel. Tama nga siya, pupunta nga rito ang binata ngayon.
Nasa likuran na siya ng binata nang matigilan siya sa paglalakad dahil bigla itong nagsalita.
"Mia, sorry kung hindi ko nasunod ang gusto mo. Sorry kung hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ako sa pagkawala mo. Patawarin mo rin sana ako sa ginawa ko," buong pagdadalamhating wika ni Ariel sa harap ng puntod ni Mia.
Lumapit siya sa kaibigan at binigyan niya ito nang mahigpit na yakap. Nasasaktan siyang makitang ganito ang kaibigan. Ngunit gaya ng ginawa nitong pagtulong sa kaniya dati, buong puso niya rin itong tutulungang makabangon at hindi niya rin ito susukuan.
"It's been two years, An An. Pero nasasaktan pa rin talaga ako sa pagkawala niya. Sa tuwing gumigising ako sa araw-araw, naaalala ko ang araw na nalagutan siya ng hininga. Masakit isiping hinintay niya lang ang mga magulang niyang makita siya bago siya bumitiw," hinaing nito sa kaniya.
Kumawala siya sa pagkakayakap sa kaibigan at hinarap ito. Tinitigan niya ang namumugto nitong mga mata at saka hinawakan ang palad nito at bahagya iyong pinisil.
"Tama ka, Ariel. Masakit ang biglaang pagkawala ni Mia sa atin. Pero kung nasaan man siya ngayon, hindi siya matutuwa na makita tayong nalulungkot. Bago siya nagpaalam, sinabi niyang gusto niyang maging masaya tayong lahat. Moving on is difficult, kasi masakit ang kalimutan siya. But let's move forward at muling bumangon. Ikaw ang nagturo sa 'kin ng salitang 'yan, kaya alam kong kayang-kaya mo ring bumangon." Naiiyak man ay hindi niya hinayaang magpadala sa lungkot na bumabalot sa kanila.
Binigyan niya ng ngiti ang kaibigan at umaasang balang araw ay makikita na niya ulit ang ngiti nitong nakapagpapagaan ng loob.
"I'll try..." matipid nitong sagot at sinuklian siya ng pilit na ngiti.
Lumingon ito sa lapida ni Mia at yumuko para kunin ang litrato nito.
Hinalikan nito ang nakangiting litrato ni Mia at saka nagsalita, "I'll try to do what you want me to do, Mia. I'll be happy..."
Ibinalik na nito ang larawan ng kaniyang pinsan at muli itong humarap sa kaniya.
"Samahan mo ako, An An. May nakalimutan akong ibigay sa 'yo." Hinila siya ng binata paaalis sa sementeryo.
Naguguluhan man ay sumunod na lang siya rito.
Nakarating sila sa bahay nina Ariel at dumiretso sila sa kuwarto nito. Nagtataka man ay nanatili na lang siyang tahimik habang hinihintay kung anong ibibigay nito sa kaniya.
Isang notebook ang iniabot ni Ariel sa kaniya at agad niya naman iyong binuklat.
"The Dos and Don'ts of Moving on..." binasa niya ang pamagat na nakalagay sa harap ng notebook na ibinigay ni Ariel sa kaniya.
Tumingin siya sa kaibigan at binigyan ito ng naguguluhang tingin. "Is this..."
Hindi pa man siya tapos sa pagsasalita ay agad na itong sumagot, "I was hurt when Mia went to States. At nasaktan din ako noong inamin kong may gusto ako sa kaniya pero ni-reject niya lang ako. Pero kahit na nasaktan ako noon, pinili ko na lang na mag-move on kahit na umaasa pa rin akong magkakatuluyan din kami." Napangiti ito habang isinasalaysay ang nakaraan.
Tumingin ito sa kaniya at itinuro ang hawak niyang notebook. "I wrote a move on story as a way of helping myself in moving on. Pero noong nasaktan ka dahil kay Jade, naisipan kong subukan sa 'yo ang mga naisulat ko sa notebook na 'yan. Na kapag naka-move on ka na nang tuluyan kay Jade, ibig sabihin ay effective ang dos and don'ts of moving on ko at puwede ko nang ipasa ang manuscript kong 'yan sa mga publisher. Pero kung hindi naman effective, wala talaga akong future sa writing career ko," paliwanag pa nito.
"So, that means na subject ako sa experiment mo?" Nakanguso niyang tanong sa kaibigan.
Tumango ang binata bilang sagot. "I'm sorry kung 'yan ang first intention ko, An An. Pero as the time goes by, hindi na iyon ang naging intensyon ko sa pagtulong sa 'yong maka-move on. I just want you to know that you're worth to be loved." Walang kurap na tumitig si Ariel sa kaniya.
"Maraming salamat, Ariel! Kung ano man ako ngayon, dahil iyon sa tulong mo."
"I'm so happy that you're totally fine. Hindi ko man lang nasabi sa 'yo ang huling dalawang rule sa dos of moving on," natatawa nitong sambit.
Masaya siya at nakita na niyang tumatawa ang kaibigan. Dalawang taon din itong nabuhay sa pighati. Nais niyang tuluyang bumalik sa dati ang sigla at saya nito kaya hangga't maaari ay mananatili siya sa tabi nito.
"Bakit? Ano sana 'yang last two rules mong 'yan?" Nakangiting tanong niya sa kaibigan.
"Rule two point nine, get healthy from inside and outside. Ika nga nila, self-improvement is the best revenge. But I don't think you need that quote. You don't need revenge, but you need self-improvement. We must love ourselves so that we can give love to others."
Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan. Nami-miss na rin kasi niya ang pagiging Love Guru nito. Pero heto at unti-unti nang bumabalik ang dating Ariel.
"And the last rule?" nasasabik niyang tanong.
"You need this one, An An," anito at saka tumikhim bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Rule two point ten, reflect on what didn't work in the relationship. You need that para sa susunod na pagtibok ng iyong puso at muli kang papasok sa isang relasyon, alam mo na kung paano iwo-work out ang relationship n'yo."
Lalo siyang napangiti sa tinuran ng binata. "But I think there's one thing that helped me move on. And it's my prayer. Everynight before I go to sleep, I keep on praying and talking to Him with all my heart. I always pray that my heartaches will be gone. At malaki ang paniniwala ko na dininig niya ang mga dasal ko. God gave me this freedom from hate and anger. And now, ang gaan-gaan na ng pakiramdam ko. At saka naniniwala rin ako that time will heal all wounds."
Ngumiti rin ang binata sa kaniya. Ngunit bigla na lang nitong hinawakan ang kaniyang palad at binigyan siya ng isang nakatutunaw na titig. "Ako rin, I always pray na sana'y maging maayos na ang lahat para masabi ko na sa 'yo ang totoo kong nararamdaman."
Nagulat siya sa sinabi ng kaibigan. Napalunok na lang siya at nakaramdam ng biglaang pagkailang sa kaharap.
"God knows how sorry I am for not telling Mia na nag-iba na ang feelings ko sa kaniya at nabaling na ang pagmamahal ko sa iba. I still love her, pero bilang kaibigan na lang. Gusto kong aminin iyon kay Mia, pero nakakaramdam ako ng guilt every time I wanted to tell her the truth. I know that Mia is sick kaya noong dumating siya rito ay sinubukan kong maibalik ang pagtingin ko sa kaniya. But my heart is always beating for the woman I truly loved. Kaya nga labis akong nasaktan noong nawala si Mia. Intense guilt is eating my conscience for not telling her the truth." Nakapinta sa mukha ng binata ang labis na konsensya habang inaamin ang ginawa nito.
Naguguluhan siya sa sinasabi ni Ariel. Ayaw ma-proseso ng kaniyang utak ang mga sinabi nito.
"An An, hindi ko sinasadya pero may nararamdaman na ako sa 'yo. Sa tinagal-tagal ng pagpapaka-Love Guru ko sa 'yo ay hindi ko namalayang nahuhulog na pala ako sa kaibigan ko. I love you, An An." Walang kurap nitong pag-amin sa kaniya.
Biglang uminit ang pisngi niya dahil sa inamin ng binata. Hindi niya alam ang sasabihin. Biglaan kasi ang pag-amin nito sa kaniya. Ni hindi niya nahalata na may pagtingin pala sa kaniya ang kaibigan. Buong akala niya ay si Mia talaga ang mahal nito. Kaya naman sa tuwing nakakaramdam siya ng paghanga kay Ariel noon ay pinipilit niyang paniwalain ang sarili na kaibigan lang ang turing niya rito, at hindi na sila hihigit pa roon.
Ngunit ngayong umamin si Ariel na may kakaibang pagtingin ito sa kaniya, tila lumulundag sa saya ang kaniyang puso. Ngunit sa kabilang banda naman ay ang pag-usig ng kaniyang konsensya.
"P-pero, I can't betray Mia..." Nalulungkot na tugon niya.
Hinawakan ni Ariel ang kaniyang mukha at nilulusaw siya ng binata sa titig nito. "Remember when Mia wanted to talk to me alone?"
Umiwas siya ng tingin sa kaharap at tumango.
"She wanted me to take good care of you. She wanted us to be happy. Ang sabi niya'y kung mawala man siya, gusto niyang ikaw rin ang mag-alaga sa akin. Hindi ko man naamin sa kaniyang ikaw na ang laman ng puso ko, ngunit parang nararamdaman niya rin namang may kakaiba na akong pagtingin sa 'yo. Bago siya nagpaalam, binigay na niya ang basbas sa pagmamahalan nating dalawa. I know Mia will understand us at sinusuportahan niya tayo."
Tumingin siya kay Ariel at binigyan niya rin ito nang makahulugang titig. "Ariel, I want you and me to move on."
Rumihestro sa mukha ni Ariel ang pagtataka at bigla rin itong nakaramdam ng lungkot dahil sa sinabi niya.
Pero bigla siyang napaluha at saka niyakap si Ariel nang mahigpit. "I want us to move on from pain and let's move forward to loving each other."
Nagulat si Ariel sa tinuran niya. Hindi ito makapaniwala kaya nabato ito sa kinatatayuan. At nang maproseso na ng utak nito ang sinabi niya ay biglaan siya nitong hinalikan at niyakap siya nang mahigpit at saka humarap sa kaniya.
"I-ibig sabihin..."
Hindi na niya pinatapos si Ariel at tumango-tango siya habang nakapaskil sa kaniyang mukha ang labis na saya.
"Nahulog na rin ako sa best friend ko. Mahal ko rin siya. Pero gusto kong ligawan niya muna ako."
"Yes!" Napatalon ito sa saya na tila nakuha na nito ang matamis niyang Oo.
"Thank you, An An! I love you so much! At siyempre naman, liligawan kita!"
Hinaplos ni Ariel ang mala-anghel niyang mukha at nagtitigan silang dalawa bago nagdikit ang kanilang mga labi.
Hindi madali ang pagmo-move on. Hindi tamang lumaban lang nang lumaban kahit alam nating wala na itong patutunguhan. Ang pagsuko ay hindi nangangahulugan ng pagkatalo. Minsan ay kailangan nating matutong sumuko sa mga bagay na makapagdudulot sa atin ng pighati at kasamaan. Ngunit sa lahat ng matatamasa nating kabiguan, huwag natin itong hayaan ikulong tayo sa mundong puno ng poot at pagdadalamhati. Sa halip, gawin natin itong aral at inspirasyon sa ating muling pagbangon. Dahil sa bawat pagkakadapa, ito ang magtuturo sa atin kung paanong ang mali ay maitatama.
Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!
Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
Owmaygaaaaasssshhhh!!!! Andami kong kilig!!! mga piptiseben and wan hap!!!! I'm so happy ! AnYel forever!!! Hahaha
Hahahahh. Buti na lang sila pa rin ang nagkatuluyan sa huli.
Maganda at mapayapa ang ending, nagustuhan ko ang mga aral ng iyong kwento. Babasahin ko silang lahat para masubaybayan kung paano humantong sa ginintuang aral! :)
Maraming salamat at nagustuhan mo ang aral na ibinahagi ko sa kuwentong ito.
At maraming salamat sa paglaan ng oras sa pagbabasa nito. :)
Narito na po ang katapusan ng kwento na minahal natin nang sobra. Sana sa susunod ay ibang tema naman ang isulat mo. Ang kwento ay maganda, matalinhaga at maraming aral na matutunan.
Kung hindi niyo pa nabasa, aba'y basahin niyo na!
Naku naman! Maraming maraming salamat, boss @twitripleow! Kung sisipagin ako, baka nga susubukan kong magsulat ng nobela sa ibang genre. :)