Ano nga ba ang hirap na pinagdaraan ng mga kagaya nating OFW?
Ang malayo sa mga mahal natin sa buhay
Ay ang isa sa pinakamabigat na desisyon sa ating buhay ngunit kaylangang panindigan upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating pamilya.
Araw araw kailangan nating paglabanan ang kalungkutan at pagnanais na makasama sa bawat oras ang pamilya natin ngunit itoy hindi magawa sapagkat nakasalalay sa atin ang kaginhawaan ng kanilang buhay sa hinaharap.
Sa panahong hindi natin nakakasama ang mga pamilya natin ay ibayong paghihirap at pighati ang hatid nito sa atin gayunpaman ang lahat ng iyo ay may kapalit sa tamang panahon ika nga nila'y kapag walang tiyaga walang nilaga. tatag ng loob at pagmamahal sa pamilya ang mga bagay na laging pinanghahawakan ng isang kagaya kong OFW upang mapagtagumpayan ang ilang taong kontrata sa ibang bansa para sa magandang kinabukasan.
Sort: Trending