Ginataang Langka with Daing na Labahita-Lutong Bahay!πŸ‡΅πŸ‡­

in #philippines β€’ 7 years ago (edited)

Hello hello guys welcome back to my blog. Kumusta po ang maghapon ninyo? Sana okey lang po at good vibes lang lage!

Eto nanaman po ako my bago nanamang ibabahagi sa inyo bagong putahi eto naman ay luto sa gata. Eto yung ulam namin kaninang tanghali sa subrang busy ko ngayon ko lang nagawa ibahagi sainyo.

Sana guys hindi kayo magsawa sa aking mga ibinabahagi sainyo palagi. Natutuwa ako kasi alam ko kahit hindi masyadong masasarap mga niluluto ko na aappreciate po ninyo kaya lubos po akong nagpapasalamat sa inyong lahat na palaging nag vovote at nagcocomment na masarap ang niluluto ko subra po nakakataba nang puso.

Sana po etong ibabahagi ko sa ngayon magustuhan ninyo ulit. Kasi ginawa ko po etong blog bukal at taus puso sa loob ko hindi lang na gusto ko na maibahagi sa inyo o para kumita ako. Masaya ako guys kasi kahit sa ganitong paraan nailalabas ko kung anu meron akong hilig at eto yung pagluluto.

Guys bago ko pala niluto ang langka inayos ko muna lahat para pag nagluto ako sunod sunod na. Yung langka pala tatlong klase guys binili ko yung 1/2 kilo yung kulay puti at yung medjo may kulay yan yung original na langka hindi pa sya nahugasan sa tubig na my chemical at yung isa hinog request nang asawa ko lagyan ko daw nang hinog na langka para matamis. Yung kulay puti guys na langka ay pinakuluan ko muna kasi nabili lang namin sa palengke at gayat na sya tapos kulay puti na ibig sabihin nun meron na nilagay na chemical para tumagal ang buhay o hindi agad agad masira. Kaya ko pinakuluan muna kasi para mawala yung inilagay na chemical at para hindi matigas ang langka. Paghindi kasi napapakuluan lalo't ganun na ang langka my lasa at matigas na. Siguro po ganun din ginawa nyo pag ganun na nabili nyo? pero yung iba po na hindi pa alam na ganun dapat gawin guys need po na hugasan po nang maayos at pakuluan nang mabuti para po hindi tayo magkasakit nilalagyan na kasi nila nang chemical. Pero kung meron naman tayong tanim no need na pakuluan at hugasan.

Tapos yung gata ginata kona rin. Ginawa ko dalawang gata. Yung unang gata eto yung ipapanghuli na ilagay sa langka at yung pangalawang gata naman yun na ipapangluto ko.

Eto na guys ang mga gagamitin ko sangkap at paraan nang pagluto siguradohin bago magluto prepare na lahat!😍

Eto na po ang finish ng "Ginataang langka with Daing na Labahita" creamy gata at masarap!πŸ˜‹
IMG_20180113_121149.jpg

Mga Sangkap:


3/4 kilong Langka ginayat
2 pirasong nyog ginata sa dalawa
1/4 Daing na Labahita
Hinog na langka
1 Sibuyas na pula hiwain
4 pirasong Bawang dinurog
5 pirasong Siling haba
1 kutsarang Luya hiniwa

Paraan ng Pagluto:


β€’ Pakuluan ang pangalawang gata bago ilagay ang mga sangkap kailangan haluhaluin para hindi mamuo ang gata.

β€’ Oras kumulo na ang gata pwede na ilagay ang mga sangkap sibuyas, bawang, luya at yung daing na labahita need pala hugasan yung daing kasi maalat subra kahit dalawang hugas lang pwede na. Halohaluin tapos ilagay na ang langka. Inuna ko nilagay yung langkang my kulay ipapanghuli kona yung pinakuluan para hindi madurog. Hayaan na kumulo bago takpan ang kawali.

β€’ Ilagay ang langka na pinakuluan wag na takpan ang kawali hayaan nalang na kumulo hanggang sa maluto pwede narin isabay yung siling haba.

β€’ Ilagay na yung pinaka unang ginata hayaan lang kumulo at maluto ang gata then timplahin kung medjo kulang sa alat pwede po maglagay nang patis or ying secret ingredients na nagpapasarap sa ating mga lutuin.

β€’ Then serve with mainit na kanin. Happy Eating!

πŸ“·Mga kuha kung picture sa pag prepare ng ingredients at pagluto!

πŸ˜πŸ˜‹
Daing na labahita, hiniwang sibuyas, dinurog na bawang, hiniwang luya, siling haba una at pangalawang gata!
IMG_20180113_212856.JPG

Ginayat na Langka at hinog!
IMG_20180113_212508.JPG

Pagluluto at paglalagay nang mga sangkap sa Ginatang Lang ka!
IMG_20180113_212704.JPG

Paglagay nang huling gata!
IMG_20180113_120056.jpg

Sana po nagustuhan ninyo!
I hope you like it!

Maraming salamat guys sa pagsuporta sa aking blog!
Thank you very much guys for supporting my blogπŸ˜πŸ˜‡πŸ˜„

Until next time...

Guys bago ko tapusin ang blog ko ngayon Please continue to support @surpassinggoogle us our voting witness!
Write: @steemgigs and others witnesses

https://steemit.com/~witnesses

❀Thank you very much❀


DQmeDka8VDGrorYwbQkWmqzttojbPGkVAFewwg6tnZV296E.png

Sort: Β 

Ang sarap naman nyan ..

Salamat ate!😍
Medjo madami lang tinik hindi ko natanggalan πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Wow sorooooppp!!!

😍❀Salamat po kabayan @hiarevalo sa appreciation! Godbless you poπŸ˜‡πŸ™

I nothing understood but I looked at your photos. Would like to try your meal.

Yes ma'am @fortunee your right!my language is tagalog from philippines! I have to share for ginataang langka with daing recipe i hope you can try it to cook ma'am @fortunee!
Thank you for stopping by my post ma'am @fortunee πŸ˜‡
Here's the link
https://recipenijuan.com/ginataang-langka-daing-recipe/

Masarap yan healthy pa. :)

Thanks sa dalaw sis @zararina!😍

Yan po ang tunay na masarap! Partner sa madaming kanin

Opo sis tama ka jan!πŸ˜πŸ˜„
Kaya nasisira na ang diet ko napapagana ako kumain pag ganito ang ulam.
Salamat sis sa appreciation!πŸ™πŸ˜

sarap naman nyan :)

Salamat po Kabayan @bigmike420 sa appreciation. Subra po nakakataba nang puso pagganito ang mga natatanggap kung comento!😍
Godbless you kabayan!πŸ™

Sarap naman, ginutom tuloy ako :)

Wow, is this spicy? I live ginataan on almost everything. Or.. Make that everything.

siiiissssss gutom nakooo pahingi akoooo

Hi sis good morning!😍
Next time nalang sis naubos naπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚
Hindi kita natirhan hehe!
😘😘😘

looking good @ashlyncurvey

Thanks sisπŸ˜πŸ˜„

Guys thank you so much sa magagandang komento at nagustuhan ninyo subra ko po na appreciate! Sana po subaybayan pa ninyo ang mga susunod ko po Lutong Bahay Godbless everyOne!πŸ˜πŸ™πŸ˜˜