#Pilipino Blog: "My Homemade Nilagang Baka with Gulay🍲."🇵🇭

in #philippines7 years ago (edited)

Hello steemians:)....


Magandang gabi po mga mahal kung kaibigan. Na miss ko magbahagi sainyo ng pagkain. Kaya ngayon paglulutuan ko kayo ng bagong lutong bahay at tawagin nating Nilagang Baka with Gulay. Ang Nilagang baka eto ay isang popular dish nang mga pilipino at isa sa mga gusto kung ulam bukod sa masarap masustansya pa yun nga lang medjo mahal ang kilo ng baka nasa 320 pesos isang kilo pero mas maigi na yun kesa sa labas ka kakain magkano ang order nasa 500 pesos ang isang order bukod sa pareho lang ang lasa luto ka nalang buong pamilya mo makakain at naka unli rice pa hehe. Karaniwang hinahalo sa nilagang baka ay mais, chinesse pechay, greenbeans or mas kilala sa tawag na baguio beans, at hinog na saging na saba.
Mas masarap kumain ng nilagang baka pag medjo malamig ang panahon ika nga pang painit daw ng sikmura at katawan Lol😅... Naririnig ko lang po yun sa matatanda share ko lang sainyo baka hindi ninyo pa alam Lol😅😅...

IMG_20170917_133726.jpg

Ang dami kona na sabi Lol...magsimula na po tayo magluto eto po mga kailangan natin.

Sangkap:


IMG_20170917_121221.jpg
1 kilo Laman ng Baka. Pero pwede din po yung may buto kung ayaw ninyo ng purong laman.

IMG_20170917_125727.jpg
1 Buo ng chinesse pechay. Pero pwede din po yung repolyo at pechay lang kung ayaw po ninyo ng chinesse pechay.

IMG_20170917_125739.jpg
2 Buong piraso ng Mais at hiwain ng mga tatlo o higit pa kung medjo malaki ang inyong mais.

3 piraso ng Sibuyas na pula. Hiwain ng apat na hiwa ang bawat isa.

6 na Buto ng Bawang at durogin eto. Wag masyadong durog isang diin lang ng palad ok na;D.

1/8 kilo lang ng Baguio beans. Tangalin lang po natin yung nasa dulo na parang matulis.

1/2 kutsara ng buong Paminta.

1 kutsara ng Asin. Mas maganda po na gamitin na klase ng asin ay yung rock salt.

2 Beef knorr cubes.

2 tasa ng tubig o kung meron po kayong naibukod ng hugas ng bigas mas maigi po yun ipang sabaw.

Patis or fish souce para sa pang timpla.

IMG_20170917_121304.jpg

Madali at simple lang po lutuin ang nilagang baka mas maganda po kung meron po tayo ng pressure cooker para mabilis lumambot ang karne ng baka. Kailangan bago po nating lutuin hugasan nating maigi ang mga gagamiting sa pagluto para mas safe po tayo sa mikrobyo o germs. Habang po pinapakuluan ang karne ng baka dapat po ibabad po muna natin sa Asin yung chinesse pechay. Para mamatay yung maliliit na insect na naninirahan sa dahon masama daw po kasi paghindi na wawala yun sa gulay at masama sa pagluto. Ganun po ang ginagawa ko kahit anung klaseng dahon ng gulay ibinababad ko sa Asin bago ko lutuin.

Paraan ng Pagluto:


Una ilagay natin sa pressure cooker yung karne, sibuyas, bawang, asin, pamintang buo at tubig. Takpan ng maigi.

Pangalawa ipressure cooker po ng 25 to 30 minutes. Para sure na malambot ang karne.

Pangatlo wag muna nating bubuksan yung takip kasi sumasabog yun baka masabugan kayo sa mukha Lol. Antayin po nating medjo hindi na masyado mainit yung takip ng pressure cooker. At unti-unting buksan para yung pressure ng init makasingaw pa unti-onti.

Pang-apat ilagay na yung mais at beef cubes. Hintayin hanggang maluto yung mais. Pakatapos ihalo narin po natin ang green beans wag po iovercooked, at ihalo narin natin yung chinesse pechay. Isang kulo lang timplahan nanatin ng patis.

Pinakahuli serve po natin ng mainit at samahan ng maraming kanin. Para maging masaya ang kainan ng ating pamilya.
IMG_20170917_133747.jpg

Masarap sa pakiramdam kapag ang ating pamilya ay ating napagsisilbihan ng pagluto. Lalona't makita nating busog matapos kumain at makita natin sa mga mukha nila yung saya dahil masarap at na enjoy nila ang bawat hinahanda nating pagkain.😅😄😍

Hanggang sa muli mahal kung mga kaibigan. Sana inyong naibigan ang binahagi kung pagkaing lutong bahay sainyo sa araw na eto. Magkita-kita po tayo ulit sa susunod kung blog...😊 mag-iingat po tayo parati sa araw araw. Ako ay magpapaalam na at akoy matutulog na. Mula po saaking puso maraming maraming salamat po sainyong walang sawang pagsuporta sa aking blog.

"Good night po sainyong lahat.."

received_1422094957910537.gif

images (2).jpg

Ang inyong lingkod...
@ashlyncurvey

Sort:  

Sarap naman nyan. :)

Salamat sis @zararina...tara kain tayo hehe

i like this post

Thank you very much @brajesh😇🙏.

Congratulations @ashlyncurvey! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You published a post every day of the week

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Looking delicious 😋 @ashlyncurvey

Thank you my friend🙏😘😇.