Tula 26: Para sa Aming Tiya na Lumisan na sa Mundong Ito

in #philippines7 years ago (edited)

Logopit_1525175000250.jpg

Paglisan

@christyn


Masakit isipin na wala ka na
Na iniwan mo na kami sa tuwina
At hindi kana aming kapiling
Wala ng saysay kung kami pa'y humiling

Ngunit iyon na ang dapat mangyari
Na ikaw ay lumisan sa aming tabi
Kaysa nakikita ka naming naghihirap
Sa sakit mong kinakaharap.

Napasakit na iniwan mo
Ngunit mas masakit na ikaw ay nandito
Nagdurusa at naghihingalo
Dulot ng malubhang sakit mo

*Panay ang iyong nakaawang iyak
Naguguluhan kami, gaawin ay 'di matiyak
Nagdarasal na sana'y sakit mo ay mapawi
Ng luha namin at pusong naming sawi

Humayo ka aking kaibigan
Paglisan mo'y aking pagmamasdan
Sundo ka na ng liwanag na banal
Baonin mo ang alaala't pagmamahal.


Inspirasyon

Kalimitan ng mga sinusulat kong tula ay pawang kathang isip lamang. Ngunit iba at espesyal itong tulang ito dahil ito ay alay sa tiyahin kong namatay dahil sa malubhang sakit. Sana siya ay nasa mabuting lagay ngayon o di kayay kasama na ang Panginoon.

Logopit_1525053437335.jpg

Recent Filipino-Poetry


Logopit_1520179937546.jpg

Sort:  

Condolence po kapatid na @christyn lubhang nakakalungkot po na mayroong ganitong pangyayari ngunit ang lagi nating isipin ay siya ay nasa mas mabuti nang kalagayan sa piling ng Maykapal.

Marami pong salamat sa iyong pagdadalamhati.😢😢😢

Condolence kabayanang @christyn, May God's love comfort you all.