Mga kababayan may nationwide earthquake drill po tayo ngayon 2PM Standard Phil Time. Ito ay ayon sa Office of Civil Defense. At may nag text din sakin.. si pareng NTC. Medyo natypo pa sila sa Hashtag nag kulang sa 'n' yung Handa. Di ko agad naintindihan kung ano yung #BidaAngHana. Pero Ok lang yun, ang galing pa rin kasi nag text blast sila. Kudos!
The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) through the Regional DRRM Councils will hold the 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) on 29 June 2017, Thursday, 2PM. The ceremonial venue will be at Bolton Street, Davao City.
Drop, Cover and Hold
Pag naramdaman ang lindol, wag na mag patumpik tumpik pa. Di bale nang mapahiya na nagtago ka sa lamesa kesa mapisa ka pa.
Triangle of Life
Hanapin ang pinaka safe na lugar, ang may triangle na di ka maiipit kapag bumagsak ang pader:
Image Source: http://stainonpaper.blogspot.com/2013/11/earthquake-survival-triangle-of-life-vs.html
Ang ganda ng blog nya ang daming useful info, pics at analysis. May sources citation pa. Steemian na kaya sya?
Laging mag handa
1.) Go bags, meron na sa National Bookstore nyan. Lagyan mo na ng bottled water at pagkain, at gamot.
Source: http://cnnphilippines.com/lifestyle/2015/06/05/what-to-pack-in-a-survival-kit.html
2.) Pera, mas ok mag tabi ng mga baryang papel 20s 50s 100s para may maiabot ka sa mga sakaling tutulong sayo. Walang magagawa ang #Bitcoin mo dito kahit pa sabihin mong napakadami mong bitcoin. Pag disaster, salapi pa rin ang mahalaga.
img
3.) Transpo. Balak ko mag lagay ng folding bike o kahit skateboard sa opisina. Hindi dahil cool ako. Kasi sa big one, asahan na masisira ang kalsada o mag babagsakan mga debris sa kalye... malamang walang Bus, MRT, Uber o Grab nyan. Pano ka uuwi kung sakaling nabuhay ka pa? Sakto itong image galing din sa blog ni Stain on Paper:
4.) Rendesvous Point. Sabi ko sa pamilya ko, pag may emergency at pag nag watak watak tayo or nagkataon malalayo, dapat may meet up point maliban sa bahay. Isang takdang lugar na safe, may resources. Kahit walang signal ang phone nyo, alam ng bawat myembro ng pamilya kung saan kayo magkikita kita.
5.) Magdasal. Nakapag handa ka na.. pagdasal natin ang kaligtasan nating lahat. May awa ang Diyos.
Palo me mga kababayan (at upvote kung na gustuhan itong post na ito)
Salamat!
@bearone pahingi naman ng footnote graphic :) ; @yehey makiki add naman sa roll call po.
good to stay prepared.
thanks!
This post received a 0.9% upvote from @randowhale thanks to @cryptokash! For more information, click here!
Sasali ako jan!!
parang walang nangyari sa manila. Sa Davao kasi launched yung program. haay.
Meron dito sami last week.they did an earthquake drill and fire drill in every schools
ayos. kumusta naman? sana di mangyari ang The Big One.
We hope for the best not for the worst. It was ok.they even teach the teachers how to use the fire distinguisher.and the kids patiently cooperated
wow! sana may pics!
Mag to two weeks plng ako dito si steemit so nong nag drill sila wla akong pics eh.
Nice tips bro. Ayos to para handa tayo dumating man ung sinasabing The Big One
Salamat. Sana di na matuloy yun pero overdue na daw sabi ng mga expert
@balong See. Wala magagawa ang bitcoin pag may lindol. 🤣 Kaya dapat palaging may cash. Buti nalang maganda ako, papacute lang ako may tutulong na sakin di na kelangan ng pira.
preparedness is important