Yellow Lane (Part1)

27935217_2021462227869801_16133699_n.jpg

Alas Otso yan ang nakita ko sa orasan, isang senaryo na nakikita araw-araw habang naghahantay ng parating na tren nakikipagunahan sa mga kasabayang pasahero simula lunes hangang biyernes.Paulit ulit lang nakakapagod ang ganitong tanawin kahit sarili ko napapagod na din, nakakapagod ang araw araw na pakikipaglaban sa mundong kahit kelan hindi naging tahimik. Nabibingi ako sa parating na tren hanggang sa tumulo na lang ang luha ko.

Ako si Gabrielle, 27 hindi ko alam kung paano naging ganito ang buhay ko nilalalamon ako ng mundong kahit kelan hindi ko pinangarap. Kasalukuyang nasa relasyon 6 years na din kami.Nagumpisa ang lahat sa isang gitara, tumugtog siya sinabayan ang musika hangang sa pareho na pla kaming umaawit. Nangako na habang buhay sasabayan umawit at kahit na anong manyare walang iwanan. Oo , masaya sobrang saya nakakalunod,nakakatanga, hindi ko namamalayan nakakalunod na pala at sa sobrang saya mo ayaw mo ng umalis sa mundong iyon. Nasanay sa mundong hindi pinapaikot ng Diyos kundi ng taong naging mundo mo. Marami akong kakilalang katulad ko hahahaha hindi pala ako nag iisa.

Madami kaming pinagdaanan pangarap na binubuo at higit sa lahat yung pundasyon "Tiwala" . Ang sarap pag usapan ng mga pangarap lalo na kapag alam mong kasama ka pala sa mga pangarap nya. Bibili ng bahay,magpapakasal,pupunta sa ganitong lugar... Tumagal, hanggang sa nagkasanayan na, walang bago paulit-ulit. Pero para sakin ok lang masaya ako dito bakit pa ako maghahanap ng iba.

2016 nagbago lahat naiba ata ang takbo di ko maintindihan kung bakit at paano. Basta ang alam ko mahal ko siya .
Nagumpisa sa isang gabing sasabihan nya ako ng "goodnight,tulog na tayo,iloveyou", at ako naman maniniwala at nagreply pa na "Cge gudnyt na din I loveu too" Magugulat ka na lang madaling araw 2 am gising pa. hahahaha s yempre maniniwala ka nagisip nalang ako na baka nakaligtaan mag patay ng wifi, kaso bakit ganun araw-araw na atang ganun. Hanggang sa nasundan ng mga panlalamig nabawasan ang pagtawag at pagtetext busy may gagawin lang mga palusot na oo cge ok lang kasi mahal nga kaya kahit cguro nakakabobong dahilan ok lang maniniwala na ako.

Hangang isang araw habang nasa bahay nila ako nabuksan ko ang fb account naiwan nyang bukas sa laptop nya. Nabasa ko lahat gusto kong lumubog sa kinauupuan ko gusto kong hilain nalang akong pababa,. "Bakit ,Bakit nya ako niloloko?"Mga salitang umiikot sa utak ko. Hangang sa naabutan nya ako na nabuksan ko ang accnt nya. Nakatayo na lang siya hindi maipinta ang mukha nya. tumakbo ako palabas nanginginig ang tuhod ko hanggang sa tumulo ng luha ko lahat ng nakakasalubong ko parang ang tingin sa akin ang laki ng problema ko. Nakasakay na ako ng bus nag bukas ako ng phone nagulat ako nag message sya magpapakamatay sya pag di ko babalikan nakita ko ng puro laslas ang kanyang kamay.Hindi ko na alam parang huminto yung mundo, ayokong humantong sa ganito ang lahat dali dali akong pumara at bumalik sa kanila totoo nga umiiyak sya at nakikiusap na wag ko syang iwan.

Sort:  

Congratulations @january22secret! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You published your First Post
You made your First Vote
You got a First Vote

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Thanks sis.. Good wright up

Ur welcome.thanks

Welcome to Steemit Family. 😊