Silence is just Another word for MY PAIN

in #philippines5 years ago

I wrote it in Tagalog so I could say everything I wanted to say and the feelings inside my heart.

Noong mga bata pa lang kami di na talaga kami magkasundo magkapatid , hindi ko alam kung bakit palagi kaming nag-away mula noon hanggang ngayon hindi ko maintindahan. Pag nagtatagpo kaming dalawa nauuwi sa away, dahil ba sa hindi kami parehas ng ugali? Minsan nga mas gusto ko na lang magkulong sa kwarto kaysa makihalubilo sakanila, mas gugustohin ko siguro mapag isa kaysa maki join sakanila. Wala lang ayoko lang, ayoko kasi ma misinterpret nila lahat ng sinasabi ko e lalo na kapag biro lang medyo mabigat kasi mga words na lumalabas sa mouth ko. Mas gusto ko na mapag isa kaysa naman makapag bigkas lang ako ng salita at bandang huli ako lang naman ang talo kasi ako ang mali. Hanggang sa magka anak ako mas gugustuhin ko nalang nakakulong sa kwarto ayoko kasing masaktan lalo na pag hindi naman talaga ganun dapat yung pagkakaintindi sa mga sinasabi ko, may times na harsh ako magsalita aminado ako pero totoo, hindi mo nga makikita ang totoong tawa ko yung as in halakhak yung tipong mawawalan ka ng hininga kapag tumatawa di mo makikita yun sa bahay smile smile lang hanggang dun lang. Hindi ko sinasabaing hindi ako masaya sa pamilya ko huh? Masaya naman ako yung sayang tama lang na nakikita nila pero sa loob ko masayang masaya ako. Naisulat ko to kasi ang sama lang ng loob ko, parang kasi yung lahat ng sinasabi ko masama? Kaya ayoko mag voice out kasi ako lang din naman yung masasaktan tama lang yung nasa loob ko lang yung nasa utak ko lang para kung may masaktan man utak ko lang. Haha napaka siraulo ko minsan nga sarili ko na lang kinakausap ko e, pag nagiisa ilalabas ko lang yung mga sama ng loob ko kausap ko sarili ko haha
Pero totoo nagaaway man kami ng ate ko, at kung minsan naiinis ako sakanya mahal ko yun bilang kapatid nandiyan siya kapag may sakit ako isa din sa taong nag aalala sakin, kasama ko ko kapag pumupunta ng hospital nagbabantay at nag aalaga sa anak ko. Siguro nga minsan hindi kami nagkakaintindihan pero mahal ko siya mahal na mahal ni hindi ko nga sila matiis e lahat sila lahat silang pamilya ko okay na na mawalan ako ng pera basta meron sila miuulam araw araw okay lang magpatong patong bayarin ko basta maibili ko lang sila na msarap na ulam okay lang kahit walang kapalit o kahit hindi na bayaran basta ang importante sakin pamilya ko hindi ko lang alam kung nakikita nila yung mga ginagawa ko para sakanila.may nasasabi man ako minsan pero hindi ko kayo matiis na walang uulamin. Yung pagmamahal ko sa pamilya ko nakatago pero sa mga kinikilos ko ginagawa kng paano ko maiexpress yung pag mamahal ko sainyo. Pamilyado na ako at marami ng binabayaran pero kayo pa rin inuuna ko. Hindi ko ito sinasabi dahil sinusumbatan ko kayo, nasasabi ko ang mga bagay na ito dahil yun ang nasa loob ko at sana kung mabasa man ninyo ito huwag sumama ang loob niyo sa akin ginawa ko lahat ito dahil ito ang gusto ko at ito ang nararapat bilang kayo ang pamilya ko.

Hanggang dito na lang dahil magang maga na ang aking mata kakaiyak.

Maraming Salamat sa nagbigay ng oras para mabasa ang blog na ito.