Paano gumawa ng paypal

in #philippines6 years ago

Maraming mga pinoy ang gumagamit ng Paypal bilang paraan upang makapag padala at makapagwithdraw ng pera. Ang paypal ang pinaka magandang paraan para sa mga ganitong transactions.

Hindi lang sa Pilipinas popular ang Paypal sa kadahilanan na ito ang kadalasan na hinihingi ng mga kumpanya dahil sa napakadali nitong gamitin at napakaligtas sa pera mo. Mas safe pa ito kumpara sa mga bangko mo.

Ako, bilang isang home based worker sobrang laking tulong ng paypal. Eto ang paraan para makuha ko ang mga bayad ng mga online works ko. Napaka ganda gamitin ng paypal para sa mga online transactions mo.

Ang paypal ay magagamit mo kahit saan. Ibat ibang bansa ang gumagamit nito. Magagamit mo sa mga online shopping mo, online jobs mo, o kahit anong online transactions mo. Mapa Pilipinas, America at kung ano-anong bansa gumagamit nito. Halos 250 million katao na ang gumagamit ng paypal at parami sila ng parami. Kadalasan paypal na din ang requirement ng mga ibat ibang kumpanya sa loob at labas ng Pilipinas.

Wag na tayong mag paligoy-goy pa simulan na natin kung paano gumawa ng paypal account. Sundan nyo lang ang mga steps ko

  1. Pumunta sa paypal website o i-Click mo lang ito https://www.paypal.com/ph/home. At i-Click ang Log-in at iclick ang Sign-up button. Papipiliin ka kung Personal o Business .
    Ang pag kakaiba lang nilang dalawa ay ang personal ay para sa basic transactions lang at business is more on business na talaga puro receive lang. Ang irerecomenda ko sa inyo ay mag personal na lang kayo dahil basic lang naman ang gagagamitin natin sa paypal.

2.Ilagay ang email address mo (paka tandaan na ang email address mo ay yung permanente mong email address para di ka na mag kaproblema sa susunod) at ilagay na din ang password mo. Ilagay na din ang mahahalagang impormasyon name, address, at phone number mo, ID at iba pa. At i-click na ang Angree and Create account. Siguraduhin mo na ang mga nilagay mo na impormasyon ay tama para di ka na magka problema sa future.

  1. Pagkatapos nito ay lalabas ang fifill-up-pan mo na impormasyon tungkol sa iyo. Pagkatapos nito ay hihingin na nila ang credit card infos mo upang iverify ang account mo o kapag wala pa kayong credit card i-click nyl lang ang "I'll do it later". Kung wala pa kayong credit card iffollow nyo lang ako at may blog ako kung paano kayo maveverified ng kapag wala kayong credit card or i-Click nyo lang ito http://pilipinashacks.blogspot.com/2018/08/paano-maverified-sa-paypal.html or yung isa ko pang post dito sa steemit.

Pagkatapos ng mga ito ay may marereceive kang email mula sa paypal bilang confirmation.

At iyon na, may paypal account ka na. Maari ka ng mamili online or bumili ng credits sa mga laro mo kahit ano basta natanggap ng paypal sa mode of payment. Pwede din kayo magsend ng pera sa iba pang paypal users na verified na din.

Kung may katanungan pa kayo wag kayong mahihiyang mag comment.

P.S. Hindi po ako endorser ng Paypal. Salamat