Ika-Siyam ng Agosto, Huwebes ng gabi, ganap na alas-onse kwarenta'y-otso..
Pasintabi po sa larawan ng ipis
Bumangon ako para magsalin ng tubig. Nakaugalian ko na ang maglagay ng isang-kapat na tubig sa bote ng mineral water at ilalagay sa freezer ng mga dalawang oras. Kapag nagyelo na ito, hahaluan ko ng hindi pinalamig na distilled water upang matunaw ang namuong yelo. Pagkatapos ay aalugin para maghalo ang yelo at tubig. Ganoong temperatura ng tubig ang aking nais inumin-- alanganing malamig, alanganing yelo.
Sa kalagitnaan ng aking pagsasalin ay bigla akong kinutuban. May tila ba isang aparisyon na naramdaman ko mula sa aking likuran. Hindi ko ito ininda dahil bukas naman ang ilaw at nakalalamang ang aking uhaw kaysa sa pakiramdam ng pagdududa.
Simbilis ng kidlat, may tila isang eroplano na naglanding sa aking chubby cheeks. Sa parteng ibaba ng tenga, sa pisngi (ung parteng madalas kinukuhanan ng taba sa sisig). Agad kong nalanghap ang nakakasulasok na nakakadiring amoy. Pinaghalo-halong amoy ng imburnal, tahong na may red tide, tilapia na walang hugas at danggit na nabilad ng isang dekada (i-exaggerate pa natin nang kaunti para sa mas makatotohanang paglalarawan). As in! Magigising pati si Sleeping Beauty kapag nalanghap iyon!
Agad na nag-react ang katawan ko (ung parang nag-manifest ung spider sense ni Spiderman) at gumapang ang isang libong boltahe sa aking kamalayan. Aaaaaaaarggggh! IPIS!!! Ginapangan ako ng ipis sa pisngi!!!
Hindi pa siya nakuntento at tila ba nasa outerspace na walang gravity, napakabagal niyang naglakbay papunta sa bandang baba (chin) ko. Sa bilis ng reflexes ko, tinabig ko agad ang pukares na insekto gamit ang aking kanang kamay. Tumilapon ang kalaban! Bagsak sa tiles!
Pakiramdam ko ay isa akong sundalo na well-trained sa mga ganitong sitwasyon. Alam ko kung saan ang lokasyon ng Baygon at mabilis kong nahagilap at nahagip ito. Parang "Quick Fire Draw" sa mga cowboy na eksena, kinalabit ko ang trigger na walang kaabog-abog. Sumirit ang pinaghalong likido na naging gas. Bumaliktad ang ulagang insekto. Hinihintay pa yata na i-pin siya at bilangan ng referee ng 1..,2..,3.
Naiwan ang bakas ng baho sa aking pisngi at kanang kamay. Diring-diri ako na tila ba ginahasa at niluray ang aking puri. Nagsabon ako, naglagay ng alcohol at hand sanitizer. Kumapit ang amoy at ang hirap makawala. Masyadong clingy, dinaig pa ang pagka-clingy ng "ex mo na pinipilit kang balikan".
Binalikan ko ang may sala. Hindi pa ako tapos sa'yo. Hindi pa ako nakakasingil sa kahayupan (ka-insektuhan) na ginawa mo sa akin. Pukanangya ka! Nananahimik akong nagsasalin ng tubig, ako pa ginambala mo?! Lintik lang ang walang ganti!!!
Dahil pinasok ng mga ALIENS 👽 ang utak ko, napagdiskitahan kong i-torture ang naghihingalong insekto. Hindi ka pa dapat mamatay. Kailangang pagdusahan mo muna ang ginawa mo. Wala sa option ko ang kunin ang mabigat na tsinelas at i-smackdown sa kumikisay-kisay mong katawan.
Kumuha ako ng SUKA. Salamat sa Datu Puti bilang opisyal na sponsor. Pinatakan ko ang katawan ng pobre. Na-imagine ko ang hitsura ng ipis na parang humigop ng paksiw na bangus. Kung gaano ang kilig nya dun, ganun din ang nangyari nang patakan ko ng suka.
Isinunod ko ang chili powder. Tatlong budbod mula sa labing-dalawang butas na garapon nito. Parang nag-snow sa paligid ng ipis. Kaso pulang snow. Pula na dulot ng galit... Ng anghang... Ng poot... Ng paghihiganti!!! Chili powder para nanunuot ang hapdi ng anghang. Magbabayad ka!!!
Eto na ang huli kong ganti. Gusto ko siyang magbagong-buhay. Gusto ko kitilin ang buhay niya sa taliwas na pamumuhay na nakasanayan niya. Buong buhay niya ay nahilig siyang sumuot sa madilim, masikip at madumi. Nag-eenjoy siya sa basura, patay na hayop, nabubulok na prutas, at mga nakakadiring bagay. Kaya para tapusin ang kanyang paghihirap, binendisyunan ko ang kanyang katawan ng patak ng alcohol. Isopropyhl 80% baka sakaling luminis ang kanyang pagkatao. At matapos ang ritwal, tahimik niyang pinagsalikop ang kanyang antenna. Tanda ng kanyang pagsuko.
Teka, sino nga ba ang biktima sa kwento? Ako na ginapangan ng ipis o ang ipis na pinatay sa brutal na pamamaraan? Simple lamang ang aral na nais kong ihatid sa inyo. Lahat ng nararanasan mo sa mundo ay katulad ng paggapang ng ipis sa iyo. Hindi ka handa, hindi mo tanggap. Hindi ka sanay, hindi ka kumportable. At hindi mo gustong mangyari.
Ang ipis bilang insekto na parte ng ating lipunan ay isang normal na bahagi ng ating mundong ginagalawan. Katulad na lamang ng mga pagsubok sa buhay mo. Normal lahat un, at parte iyon ng mundong iyong ginagalawan.
Sa isang banda, kung paano ka nag-react sa ginawa ng ipis, doon nasusukat ang kahandaan mo sa mga sitwasyon na hindi mo gusto. Maaari akong maging kalmado, hinintay ang ipis na tumigil, saka ipagpag ito palayo sa akin. Subalit bayolente at marahas ang aking ginawang pagtanggap sa sitwasyon. Mas pinili ko pa na matangay ng aking takot at "defensive nature" at nagpapanic na tinabig ang ipis at ninais pa na gumanti.
Sana ay may napulot kayong aral sa aking kwentong naibahagi. P.S. pakilagay sa comment kung ano ang pinakamabisang pantanggal ng amoy na kumapit sa pisngi at kamay ko. Eeew! Yuckness! Kadiri! 😲😲😲
Congratulations @johnpd, your post has been featured at Best of PH Featured Posts.
You may check the post here.😉
About @BestOfPH
We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.
See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.
If you want to be part of the community, join us on Discord
Ang tindi ng pagkakadescribe! Alam ko kung ano ang totoong amoy ng ipis pero parang tinalikiran ng isipan ko ang orihinal na amoy nito at naisip kong paniwalaan amg pagkakadescribe mo. Hahaha. Kaya lang wala akong alam na ibang mabisang pantanggal ng amoy nito kundi ang paliligo. Hahaha.
yan talaga amoy nun, maniwala ka sa akin.
tahong+tilapia+danggit+imburnal nyahaha! 😂
Insect cruelty! Hahahalols
Pero kung ako, hindi yan mabubuhay sa bakya ko. Wala ng torture torture. Hell agad ang diretso. Bwahahaha.
Ps. Di ko ma-take yung litratong ginamit mo. Ugh! Haha
Posted using Partiko iOS
nyahaha! naalala ko ang natutunan ko sa English Literature nung 2nd yr High School ako, ung Shintoism. lahat ng bagay na may buhay at dapat igalang at pangalagaan. kaso sa ganyang sitwasyon, parang di ko yata kaya i-apply. nyahaha! 😂
Minsan naisip mo rin ba na baka may crush lang sayo yung ipis at gusto ka nyang i-kiss? Sobrang laki ng paghanga nya sayo kaya pinag-aralan nya kung pano lumipad. Haha @johnpd
Posted using Partiko iOS
nyahaha! natawa ako dun ah. sorry ipis, hindi tayo meant to be. naka-reserve na ang aking pisngi para sa babaeng siopao. nyahaha! 😂😂😂
Boom patay! 😂😂😂
Bsta ako ung formula ng water, alcohol at dishwashing liquid gamit ko s mga yan.
Posted using Partiko Android
Hi johnpd,
Welcome to #steemph! Please find below your two footer banners made by @bearone for use in your future posts.
https://gateway.ipfs.io/ipfs/QmTYwsqXueLXBQuLw4BR7XMu3WZyPRpXAEtYyH58i4qEUQ
Brought to you by @quochuy (steem witness)https://gateway.ipfs.io/ipfs/QmWPKCHSomZQwqBPEB6UjLxmBmJRah9jBe51QUhsTn42mK