Ganitong oras noong isang taon kinukuha ka sa tyan ni mommy, 1 year old ka na anak! Happy first Birthday in heaven! Kwento ka naman kay mommy, maganda ba dyan? Masaya ba ang pa birthday celebration sayo ni papa God? Ano ba yan nak, tatlong sentence palang laglagan na ang luha ni mommy. Naalala ko kasi yung first meeting natin eh nagpakiss ka pa sakin, yun nga lang yung kaisa isang bonding moment natin, ang gwapo gwapo mo. Malaki ka na siguro nak ano? Tumutubo na ba yung angel wings mo? Sorry ha hindi ka mapuntahan ni mommy pero alam kong alam mo na lagi ka nasa ala ala at puso ni mommy, wala kang kapalit anak, ikaw yung first love ko kaya lang iniwan mo agad si mommy hindi manlang tayo nagkasama ng matagal, sabik na sabik pa naman ako sayo, pinagkahintay hintay kita.
Anak sorry ha, kung may mali mang nagawa si mommy o kung may pagkukulang man ako nung ipinag bubuntis kita, sorry anak ha kung naging mahina ang loob ko nung panahong lumalaban ka… Sorry anak kung dumating sa point na isinuko na kita kay Papa God, kasi anak hindi ko na matiis makitang nahihirapan ka eh.
Anak ko salamat ha kasi nung panahon na lumalaban ka, ipinarinig mo pa sa akin ang iyak mo, ipinakita mo pa rin samin ng daddy mo ang mga ngiti at luha mo, pinagtibay mo kami ni daddy mo. Ang bigat sa dibdib na sa pagsulat ko lang nailalabas lahat lahat ito, kasi sana nagpaparty tayo ngayon, dami mo sana gifts at toys. Anak, miss na miss na miss ka ni mommy, hirap na hirap pa rin ako hanggang ngayon kasi ang tagal natin nagkasama sa tyan ko eh.. Tapos ganon lang, anak sorry kung may mga mali man kaming desisyon ni daddy mo, kung nagkulang man kami o nagging sanhi man kami ng pagkawala mo, hindi ganun yun, we always wanted what’s best for you.
Anak alam ko ang bait bait mong bata kasi nagmana ka sa daddy mo, pagpe pray mo kami lagi kay Papa God ha, ikaw na backer namin sakanya. Magiging kuya ka na, pag pray mo malusog baby brother mo, hayaan mong makasama namin sya ni daddy mo.
Lucas anak, oo Lucas… ang ganda gandang pangalan, Lucas Roman, iniimagine ko noon kapag nag school ka na ayan ang name na isusulat mo sa paper, kaso hindi eh, hindi ka pala pang earth, kaya pala ang ganda ganda ng pangalan mo, kaya pala ang gwapo gwapo mo kasi pang heaven ka. Napakasakit pa rin anak pero alam ko na mas masaya dyan, dyan walang pain, dyan walang kaguluhan, dyan walang sakit, dyan puro pagmamahal at ligaya, nasasaktan ako pero masaya akong nasa piling ka ni Papa God.
Anak pag pray mo din si daddy at mommy ha, pag pray mo na lumakas pa ang loob namin, na hindi na iiyak si mommy. Simula nawala ka lumambot na ko anak eh, ikaw nga pala ang lakas ko… Wala naman akong magagawa, nandyan ka na kahit umiyak ako ng umiyak hindi ka naman babalik na sa akin, kasi pinahiram ka lang sa akin, 1 buwan nga lang. Anak pakisabi naman kay Papa God, forgive na nya si mommy, pakisabi kay God, gamutin na nya heart ko kasi nasasaktan pa rin ako.
Happy birthday dyan sa langit anak ko, payakap naman si mommy, yung yakap na mahigpit na mahigpit, dalawin mo naman ako kahit sa panaginip kasi miss na miss na kita eh gusto ko na makita ano na itsura mo ngayon, pa kiss naman si mommy, pa gigil si mommy. Ang dami dami nating hindi nagawa together at yun yung mga bagay na masakit pero kailangan nalang tanggapin.
Lucas anak, mahal na mahal ka ni mommy at daddy, there will always be a hole in our hearts pero kakayanin namin ni daddy eto. Ipagdasal mo kami anak, kailangan namin ng lakas para ituloy ang buhay, hinding hindi ka mawawala sa puso namin, you will always be my Lucas.
Mahal na mahal kita, enjoy jan anak, play ka lang, enjoy God’s gift to you, kay Mama Mary ka muna magpa kandong, mas higit ang pagmamahal ng Diyos kesa sa pagmamahal na maibibigay ko sayo.
I love you anak ko, Happy first birthday in heaven.
Photo source: https://pixabay.com/photo-2885746/
Thank you for dropping by!
let us all continue voting
@surpassinggoogle as proxy for witness or by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
Let us also take part in spreading and supporting #teardrops #untalented and #untalented-adjustments
naiyak naman ako dito mam :-( i am so sorry for your loss :-(
sorry sis ha kailangan ko ilabas eh... masikip kc sa dibdib
don't be sorry sis...i understand and it's ok to cry...give yourself time to grieve...that is part of your healing process...masakit tlga ang mawalan ng minamahal sa buhay...ramdam kita kahit hindi anak ang nawala sa akin (my tatay died June,2016)...God will comfort you and your family sis...be strong for them...
sorry to hear that
upvoted
thank you sir
:( nakakalungkot naman po.
sorry bhe ha, i needed to write this down
Upvoted.
thanks for the support
sad nman po..:)
oo nga po e
nakakasad naman sis. He's safe with God's paradise :)
thank you po
We love you Baby Lucas. I know you are in a better place. Jean, he will always be your angel...virtual hug
thank you besh
Aww. Yung luha ko po diko mapigilan. 💔 I know the pain. I once was there. I am praying for you and your husband's continuous healing.
salamat sis
Walang anuman sis. Pakatatag kang palagi.
tungkol sakanya halos mga sinusulat ko
nakakaiyak. naalala ko 'yong time na nakunan ako ang sakit sakit. iyak din ako ng iyak kasi matagal ko nang gustong magkaroon ng baby. :'(
hugs sis
:(