Anunsyo ng mga Nagwagi at ang Ikatlong Hamon ng Dugtungang Kwento

in #philippines7 years ago

Sa inspirasyong dala ng mga Steemitserye sisters, narito po at inihahatid sa inyo ng @tagalogtrail ang kauna-unahang tagisan ng kwentong dugtungan ...


Ako po si Toto ng TagalogTrail, kasama ang aking huguterong pinsan na si Junjun, aymaghahatid ulat para sa naganap na munting patimpalak.

Para sa ikalawang hamon ng dugtungang Kwento ang napiling grupo ay ang....

Ikalawang Pangkat

na kinabibilangan nina:

@beyonddisability @ailyndelmonte @valerie15 @jemzem @itsmejayvee

Para sa kanilang mga piyesa maari mong i click ang link na ito.

TagalogSerye Ikalawang Edisyon: Unang bahagi ng Ikalawang Pangkat
TagalogSerye Ikalawang Edisyon: Ikalawang bahagi ng Ikalawang Pangkat
Tagalog Serye- Ikalawang Edisyon Pangatlong Bahagi ng Ikalawang Pangkat
Tagalog Serye- Ikalawang Edisyon Pang-apat na Bahagi ng Ikalawang Pangkat
TagalogSerye: IKALAWANG EDISYON :ANG HULING YUGTO NG IKALAWANG PANGKAT

Ang tatlong pangkat ay lubhang mahuhusay at medyo nahirapan din kami sa pagpili nang nagwagi. Ngunit isa sa mga naging batayan namin ay ang pagkaka kumpleto ng kanilang akda. Ang ikatlong grupo ay naputol sa araw ng Miyerkules at ang sa Unang Pangkat naman ay hindi pa natatapos sa ngayon.

Para sa hamon ngayong linggo ang umpisa ng dugsungan ng kwento ay sa Martes hanggang Biyernes. Ngunit maaring ma extend hanggang sa Sabado dahil sa naghihintay pa kami ng tatlong tao na sasali.

Narito na po ang prompt ngayong linggo:

Mga Karakter
  • Bida: Ang Haunted Hero: Hero na may malagim na nakaraaan (halimbawa Batman)
  • Kontrabida: Ang Corrupted Hero: Nagsimula na mabait pero naging masama (halimbawa Anakin Skywalker)
  • Maari kayong magdagdag ng tatlo pang karakter ang limit ay limang karakter lamang para hindi masyado nakakalito sa mambabasa ang mga pangalan.
Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
  • Time Machine
  • Libro
  • Pakpak
Tema ng Ikatlong TagalogSerye
  • Misteryo

Mga Alintuntunin

Ang #tagalogserye ay kaprehas lamang ng orihinal na Steemitserye na ang pangunahing layunin ay dugtungan ang gawa ng naunang manunulat. Maglalagay lamang po tayo ng mga karagdagang alituntunin upang mas mapaigting pa ang hamon 😉

  1. Ang mga kalahok ay nahati sa tatlong grupo na napili sa pamamagitan ng random na pagpapares gamit ang https://www.classtools.net/random-name-picker/

  2. Ang bawat miyembro ay magkakaroon ng bilang ng pagkakasunod-sunod (na gagawin din pong random) kung saan ang unang manunulat ay gagawin ang unang bahagi ng kwento sa araw ng Martes.

  3. Dudugtungan naman po ng sumunod na miyembro ang naunang akda sa susunod na araw hanggang sa makapagsulat na ang lahat ng miyembro sa grupo.

  4. Ang bawat bahaging isusulat ay kailangang may bilang na 300 - 1000 na salita lamang. ( kahit alam namin talaga na minsan sumusobra sya sa 1000 na salita )

  5. Huwag pong kalimutan na lagyan ng tag na tagalogserye ang inyong akda. Maari nyo rin po isama ang tagalogtrail kung inyong nais.

  6. Kung maari ay ilagay din po ang link ng naunang akda sa inyong post.

  7. Maari pong kumuha ng sub kung sakali man na hindi magagawa ang akda. Ang sub ay maaring maging import basta hindi kasali sa patimpalak na ito.



Sa pagtatapos ng #tagalogserye ngayong Linggo pagka-anunsyo ng napiling grupo ay mangyari lang po na mamili ng ating tatanghaling @Olodi-ng-Linggo

Ang magiging @Olodi ng Linggo ay makakatanggap

  • titulo dito sa server
  • tumataginting na 0.5SBD
  • pagkakataong mamili ng kaniyang grupo

Ngayong linggo mas matinding labanan ang magaganap dahil magkakaroon nadin ng daily winner sa patimpalak na dugsungan.

Ang magiging daily winner ay makakatanggap ng 0.30SBD :smiley:

Paraan ng pagpili ng magiging daily winner?

Titingin kami sa mga bituin. kaya dapat 11:00PM palang ay naipasa na ang likha para mapabilang sa round. Yung daily round lang na may SBD pero tuloy parin ang kwento kahit malate ang pasa mga alas dose ng sumunod na araw.

Medyo concerned lang kami sa eyebags ng tarsier di na masyado nakakabuti ang pagpupuyat.

Narito ang mga kasali sa patimpalak

Unang Pangkat

Username sa SteemitAraw ng Iskedyul
@jamesanity06Martes
@chinitacharmerMiyerkules
@tpkidkaiHuwebes
@twotripleowByernes

Ikalawang Pangkat

Username sa SteemitAraw ng Iskedyul
@ailyndelmonteMartes
@jazzheroMiyerkules
@johnpdHuwebes
@cheche016Byernes

Ikatlong Pangkat

Username sa SteemitAraw ng Iskedyul
@julie26Martes
@beyonddisabilityMiyerkules
@romeskieHuwebes
@jemzemByernes

Ano ang mangyayari matapos maisulat ang lahat ng mga bahagi?

Ang magwawaging akda ay itatampok ng @tagalogtrail at magagatimpalaan ang pangkat na sumulat ng 1 SBD na sya namang paghahatian ng lahat ng nakisaling miyembro. At bukod sa lahat, makakamit po ng mananalong grupo ang dangal at papuri galing sa sang-katropahan.

Sa mga kalahok ngayong linggo, nawa’y maging paraan ang #tagalogserye upang mas magkakilala ang mga kapwa manunulat ng wikang Filipino. Nawa’y mas mapukaw din ang inyong pagka-malikhain sa kolaborasyong ito.

Maari pong gamitin ng mga kalahok ang imahe sa taas sa inyong mga post.

At sa mga ngayon lang po nakadiskubre sa @tagalogtrail, pwede nyo pong basahin ang aming mga nakaraang ulat:
Lingguhang Ulat ng Tagalog Trail : Mayo 06, 2018

Kung naghahanap ka ng matatambayan sa discord na kung saan naguusap-usap ukol sa paglikha ng Tagalog na akda sa steemit.com maari mo kaming bisitahin sa Tropa ni Toto.

Maliban sa tula at kwento nakasuporta at naka-antabay din ang @tagalogtrail sa mga akdang nasa kategoryang sining, kanta atbp.

Sort:  

Batman and Two Face ang magkalaban hehe. Kapag ako ang naging weakest link sa grupo namin wala ako mukhang maihaharap hehe.

Misteryo?
Si Two face na dating mabait pero naging masama.
pwede rin si Molecula.

Aabangna ko yung nakakatawang misteryo ni @jampol haha

nag iisip ako ng pamagat ng ating akda
Hiwaga ng Singsing