Ikalimang Hamon ng Tagalog-Serye

in #philippines7 years ago

Sa inspirasyong dala ng mga Steemitserye sisters, narito po at inihahatid sa inyo ng @tagalogtrail ang kauna-unahang tagisan ng kwentong dugtungan ...


Kami ay nagbabalik para na naman pa tumblingin ang mga tambay sa aming munting tambayan Ako pong muli si @toto-ph kasama ang aking pinsan na si Junjun at syempre ang aming kapitbahay na si @linling-ph para sa bagong hamon ng Tagalog-serye. ( Sa wakas nagka oras din kami na ma post ito)

Dahil sa maraming naka miss kasama na kami doon ni push talaga namin na maisingit ito unang-una ay pasensorryCheret kay @chinitacharmer dahil sa di pa tapos ang iyong personalized na banner medyo abala pa si Junjun sa ngayon pero magagawa iyan sa tamang panahon.

Narito ang prompt para sa linggong ito.

Mga Karakter
  • Bida : The Siren: Alluring highly feminine character that lures men. (Cleopatra, Poison Ivy from Batman)
  • Kontra-bida : The Pied Piper: A character that lures innocent victims (Pied Piper of Hamelin; Witch in Hansel & Gretel)
  • Maari kayong magdagdag ng tatlo pang karakter ang limit ay limang karakter lamang para hindi masyado nakakalito sa mambabasa ang mga pangalan. ( Ang lumagpas sa 5 characters may poknat kay Junjun sa ruler tsaka minus points sa buong team)
Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
  • Cat
  • Body Painting/Tattoo
  • Revenge
Tema ng Ika-Limang Serye
  • Pantasya

Mga Alintuntunin

Ang #tagalogserye ay kaprehas lamang ng orihinal na Steemitserye na ang pangunahing layunin ay dugtungan ang gawa ng naunang manunulat. Maglalagay lamang po tayo ng mga karagdagang alituntunin upang mas mapaigting pa ang hamon 😉

  • Ang bawat miyembro ay magkakaroon ng bilang ng pagkakasunod-sunod (na gagawin din pong random) kung saan ang unang manunulat ay gagawin ang unang bahagi ng kwento sa araw ng Martes.
  • Dudugtungan naman po ng sumunod na miyembro ang naunang akda sa susunod na araw hanggang sa makapagsulat na ang lahat ng miyembro sa grupo.
  • Ang bawat bahaging isusulat ay kailangang may bilang na 300 - 1000 na salita lamang. ( kahit alam namin talaga na minsan sumusobra sya sa 1000 na salita )
  • Huwag pong kalimutan na lagyan ng tag na tagalogserye ang inyong akda. Maari nyo rin po isama ang tagalogtrail kung inyong nais.
  • Kung maari ay ilagay din po ang link ng naunang akda sa inyong post.
  • Maari pong kumuha ng sub kung sakali man na hindi magagawa ang akda. Ang sub ay maaring maging import basta hindi kasali sa patimpalak na ito.

*Pinaka-importanteng bahagi ay mapanatili ang emosyon ng akdang nabanggit. Bagama't may kaniya-kaniyang estilo ang mga kasali sa pagsulat mas malaki ang puntos ng maipapakita na parang isa lamang ang may akda nito.

Sa pagtatapos ng #tagalogserye ngayong Linggo pagka-anunsyo ng napiling grupo ay mangyari lang po na mamili ng ating tatanghaling @Olodi-ng-Linggo

Unang Pangkat

Username sa SteemitAraw ng Iskedyul
@cheche016Huwebes
@jamesanity06Byernes
@johnpdSabado
@romeskieLinggo

Ikalawang Pangkat

Username sa SteemitAraw ng Iskedyul
@twotripleowHuwebes
@chinitacharmerByernes
@jemzemSabado
@jazzheroLinggo

Mayroon paring daily winner nga pala ha same rule parin 11:00 PM dapat ay mayroon nang naipasa :)

Maari pong gamitin ng mga kalahok ang imahe sa taas sa inyong mga post.

Kung naghahanap ka ng matatambayan sa discord na kung saan naguusap-usap ukol sa paglikha ng Tagalog na akda sa steemit.com maari mo kaming bisitahin sa Tropa ni Toto.

Maliban sa tula at kwento nakasuporta at naka-antabay din ang @tagalogtrail sa mga akdang nasa kategoryang sining, kanta atbp.

Sort:  

Ok lang Toto haha. No problem sakin :) salamat hehe

hi~yesss! nagbalik na sila 😄😄😄

Hi! I am a robot. I just upvoted you! Readers might be interested in similar content by the same author:
https://steemit.com/philippines/@tagalogtrail/anunsyo-ng-mga-nagwagi-at-ang-ikatlong-hamon-ng-dugtungang-kwento

nagbalik din si cheetah

@toto-ph ano na nga ulit yung prize ng daily winner? Bahay at lupa diba?