Walang mawawala kung susubok ka, at walang mangyayari kung di ka susubok. Kilalanin si James o @jamesanity06

in #philippines7 years ago


*Para mas lalo nating makilala ang mga awtor o bahagi ng tambayan ni Toto sa discord ay naisip namin ni Junjun na magkaroon sila ng hiwalay na artikulo at ito ay tatawagin naming Olodi ng Tambayan na kung saan sa mga unang bahagi ay sila ay na nominate ng mga kasamahan sa tambayan. Ngayong Linggo kilalanin natin ang isa sa mga miyembro ng #Team Mabusisi at Madetalye na mahilig sa mga kwentong pang misteryo si James o sa iba ay @jamesanity.


Pangalan : John James Insigne

Nickname : James, Jay, JJ, Jaime, Ghie-ghie(waray mga magulang ko, kaya ganyan yan, haha)

Lugar : Olongapo City

Impluwensiya sa pagsusulat : Edgar Allan Poe, Agatha Christie, Bob Ong, Raymond Hawkey and Roger Bingham

Genre ng sulatin : Mystery, detective, crime, atbp. (Basta dark, di ako mahilig sa nakakakilig, mas gusto kong napapatay yung kasintahan, hehehe.)

Paboritong kulay : Pula, puti, itim.

Paboritong pagkain : Kahit anong luto ng asawa ko.

Paboritong inumin : Tubig na saktong lamig lang at kape, kape, at kape.

Paboritong hayop : chismosa, este pusa na lang pala, pero hayop talaga mga chismosa.

Kung magiging hayop ka, ano ito at bakit? : kahit anong nasa dagat, mahal ko ang dagat.

Paboritong superhero : Ironman, astig at may sense of humor at malakas ang sex appeal.

Paboritong musika : walang specific, masyadong wide interest ko sa music eh, maliban sa mga makabagong tugtugin ngayon.

Paboritong puntahan kapag summer : Dagat, dagat at dagat. At kwarto din pala(malamig eh)

Paboritong puntahan kapag tag-ulan : Higaan, tapos burito mode.

Kung isasapelikula ang buhay mo, sino ang gusto mong gumanap? : Robert Downey Jr. or Hugh Jackman.

Ano’ng pamagat ng pelikula ng buhay mo?: "Patayin mo na ang ilaw, at kakainin ko na yan."

Paboritong flavor ng sorbetes : Mangga

Paboritong cartoon character : Masyadong marami, pero kung kailangan mamili ng isa siguro si Roronoa Zoro ng Onepiece.

Kung makakapunta ka saan mang panig ng mundo, saan ito at bakit? : Japan. Aalis na kasi master ko, babalik na sa Japan, gusto ko pa sya makatrabaho T_T

Pangarap na trabaho : Detective, astig sila eh, at brainy.

Paboritong libangan : Magbasa ng mystery novels, gumawa ng walang kakwenta kwentang poems, at makipag harutan sa mga anak at asawa ko, at higit sa lahat kumain (di nga lang halata sa katawan.)

Magbanggit ng isang bagay na kinaiinisan mo : Chismis at mga chismosa (Isa lang daw James, makulit ka rin eh)

Pinaka-kakaibang pagkain na natikman : Hipon na niluto sa sapal ng niyog (lutong muslim, niluluto ng biyanan ko ang sarap XD)

Magbanggit ng isang normal na bagay na wirdo sa pananaw mo : Cross dressing.

Gusto mong matulad ang buhay mo kay : Bill Gates

Pinakaunang ginagawa mo sa umaga : Dumilat syempre, anebenemen!

Lugar na pinaka-ayaw mong mapuntahan : Kulungan.

Paboritong gulay : Ampalaya.

Paboritong prutas : Lahat sila paborito ko.

Magbigay ng isang sitwasyon na kinatatakutan mo : Yung tahimik kang naglalakad sa kalye, tapos may makakasalubong kang ipis na lumilipad papalapit sa mukha mo.

Magbigay ng isang bagay na kinaaadikan mo : Mag-computer.

Larangan na gusto mong sumikat : Pagsusulat ng nobela.

Pinaka-ayaw mong trabaho : Taga-sipsip ng poso negro.

Pinakamasakit na salita na kaya mong bitawan : Wala kang kwenta (medyo harsh ako, aminado ako dun.)

Magbanggit ng isang bagay na pinapangarap mo : Yumaman!

Menasahe sa kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas : Alisin ang provincial rate sa sahod, wahahaha.

Larangan na masasabi mong hindi mo kaya : Gumuhit, seryoso, pinagtatawanan ng mga anak ko drawing ko.

Kung magkakaroon ka ng tindahan, ano ibebenta mo at bakit? : Asin, maraming gamit ang asin.

Gamit sa makabagong teknolohiya na gusto mong magkaroon : Drone, wala ako nun eh.

Paboritong iluto : Adobong tuyo, paborito ng mga anak ko eh.

Kung mapapadpad ka sa isang isla, magbigay ng isang bagay na kailangang-kailangan mo : supply ng tubig.

Kung tatakbo ka sa eleksyon, ano ang slogan mo? : Wala akong balak maging pulitiko, pero kung kailangan talaga, ito malamang: "Wala akong maipapangako, para walang mapapako."

Magbigay ng isang produkto na gusto mong gawan ng patalastas : Shave, tamad ako mag ahit eh. Para may supply ako ng pang-ahit, di na ako tamarin.

Pambihirang talento na kaya mong gawin : Lumamon ng hindi tumataba.

Kinatatakutan na costume kapag halloween : Wala, di naman nakakatakot mga costume eh. Hahaha (wala lang talga ako maisip)

Paksa na pwede mong ituro : Buhay pamilyado, para sa mga mag uumpisa pa lang, hahaha, at kung paano maging yaya. Halos 2 taon akong yaya eh.

Paboritong suotin : muscle sleeve (yung t-shirt na ginupit ang manggas.)

Bansa na nais sakupin : Singapore, maliit pero maunlad.

Kung magiging superhero ka, anong kapangyarihan ang nais mo?: Time Manipulation.
Pangyayari sa nakaraan na gusto mong balikan : Yung panahon bago ipapatay si Supremo Bonifacio, para yung nag papatay ang papatayin ko.

Award na gustong mapanalunan : Olodi award syempre. PARA SA BANNER!!! (Nakuha mo na ngayon! )

Mensahe sa mga nais magsulat :

Walang mawawala kung susubok ka, at walang mangyayari kung di ka susubok.

Subukan mo, hindi ka man mahusay sa umpisa, dadating din ang panahon na mahuhubog ka. Walang taong pinanganak na nakakalakad ng tuwid, lahat galing sa pagkadapa at natutong mag lakad dahil sa paulit-ulit na pag eensayo, maraming hindi makakapansin sa gawa mo sa umpisa, normal lang yun, pero habang paulit-ulit kang sumusulat, lalo kang gagaling katagalan, at makikilala ka rin ng nakararami, kaya kung nais mong magsulat, sige lang, walang taong gagawa nun para sayo, ikaw dapat mismo. Kahit ako, di ako magaling sa palagay ko, pero nagpupursige parin akong sumulat dahil gusto kong maging magaling. Kung ayaw may dahilan, kung gusto palaging merong paraan.

Sort:  

haahahahaha
natatawa ako sa sagot ni OLODI.

Hahahah yung mga OLODI na yan kwela talaga.

lupit ng mga binitawan mong mensahe sa huli lodi @jamesanity
bagay na bagay din ang banner mo sa pagkagusto mo sa mystery at detective themes 😊

Hehehe binabagay namin ang mga banner ayon sa mga impormasyong makukuha namin sa slam note para talagang personalized.

yung ngayon ko lang ito nabasa