Minsan hinabol ko si umaga.

in #philippines7 years ago

images.jpg
Source

Sa sobrang dilim ng aking paligid lagi kong naiisip ganito ba talaga ang aking daigdig?
Didilat pero parang nakapikit, Nakapikit pero damdamin ay para ding manhid.

Aking narinig hindi daw ganito ang mundo
Mas maganda pa ito sa inaasahan ko
Pero sadya ba tong totoo kung panay kadiliman lang ang nararanasan ko?
Sabi sa akin darating din si umaga pero ang tagal ko nang dito ay nakatungaga, ni walang pag-asa na darating siya.
Napapagod din ako.

Kaya sa aking pagkainip aking hinabol si Umaga. Hinabol ko siya kahit di ko naman alam kung saan sya nanggaling at kung saan sya papunta.

Sa aking paghahabol nakilala ko si Hangin, bulong nya sa akin wag na akong tumuloy si Umaga daw ay isa lamang malaking paasa.

Humihip ng humuhip si hangin sa aking daan, malamig, napakalamig unti-unti kinakawalan na ako ng lakas pero nasabi ko sa sarili mas malamig parin sa dilim.

Kaya’t ako’y tumuloy sa paglalakad hanggang sa nakilala ko naman si Ulan, si ulan na laging sambit “Di ko kaya yan".

Sa bawat usal nya ng paulit-ulit na “Hindi ko kaya yan.” Agos ng luha ay unti-unting nagiging lawa. Nilangoy ko ang maalat na dagat ng kanyang luha, sinisid ko din ang kaibuturan nito at doon ko natanto isa lamang syang bigo katulad ko. Hinabol din si Umaga pero biglang sumuko nung nakilala si Bagyo.

Binigyan ako ng payo ni Ulan, wag na wag ko daw syang tularan kaya’t sa aming paghihiwalay isang matamis na ngiti ang aking ipinabaon sabi ko sa kaniya pag nahanap ko na si Umaga ikaw ay aking ipakikilala.

Si Bagyo na di ko mawari ay biglang umeksena bigla nya akong sinuntok at tinadyakan ng walang dahilan.
Ako ay bumaluktot sa sobrang takot.
Ang laki nya di mo aakalain na siya ay isang tao. Ang aking takot ay naging pangangamba iba ito sa mga naramdaman kong pambubuyo ni Hangin at sa pang mamaliit ni Ulan.

Pero isang mahiwagang salita ang kaniyang nasambit, si Umaga daw ay sadya lamang nakamasid sa paligid-ligid.

Masidhing damdamin ang aking nadama, dahil pinaimbabawan na ako ng pagnanais na makilala si Umaga.
Ako ay tumayo, inayos ang sarili at naghanda. Itinaas ang kanang kamao at sinalag ang suntok ni Bagyo.
Alam ko mahina, nangangatog parin ang aking tuhod pero kailangan kong lumaban sa kanya dahil ang plano ko talaga ay makita si Umaga.

Hindi ko na namalayan si Hangin at si Ulan ay nasa aking tabi hinawakan si Bagyo sa magkabilang braso at sinabi nila ng sabay.
“Ikaw ! Galingan mo at lakasan mo pa ang loob mo! Hindi laging malakas si Bagyo, unti-untiin mo ang suntok hanggang sa lakas nya’y dumaupdop.”

Kaya ayun ang aking ginawa. Sinuntok ko sya sa tiyan, marahan lamang iyon ngunit imbis na ako’y manghina parang unti-unting ang aking lakas ay dumagdag. Paulit-ulit ang aking ginawa hanggang sa nararamdaman kong ako ay eksperto na.

At si Bagyo unti-unti nang namutla, umiiyak na parang bata. Napansin ko nalang na mas malaki na pala ako sa kanya.
Ngayong nalupig ko na si Bagyo, aking natanto na ako nga pala si Umaga, o kami pala si Umaga nalimutan na lamang dahil sa kami ay nadala ni Hangin at inanod ni Ulan. Natakot kay Bagyo at ayun nagtago sa kawalan ng walang hanggang kadiliman.

==============================================================================

Isang magandang umaga sa lahat since wala akong maisip na ipost ngayong araw naisip ko nalang na gumawa ng isang maiksing kwento na parang tula. Actually di ko alam kung ano ang tawag sa estilong ito kasi di naman ako expert o wala akong pormal na aral tungkol dito. Basta ang nasa isip ko lang ay magsusulat ako ng something na pwede kong i share sa steemit araw-araw.

Isa itong motivational post kaya't naway nadeliver ko nang maayos ang nais kong ipahiwatig sa munting akdang ito.
DQmSeLb1YWa5LzPq2XpbcbGciGtfdrZCjGmscgqWaXo6gef.png

Sort:  

Ako ay nagalak na makatanaw ng isang mensahe na inilimbag sa ating sariling wika sa kabila nang buong mundo ang ating madla.

Haha kapatid talagang may ganyang post. Grabehan din.

Salamat sa iyong pagtugon sa aking munting pagkukuwento.

Ako lamang ay nagagalak kapatid. haha.. ipagpatuloy mo yan! (keep it up)

Hahaha salamat! Salamat talaga ng marami.

Sobrang Ganda ng post mo kapatid :) @tpkidkai

Salamat sa pag daan @jaycee7viral sobrang appreciated iyan :)

Great job kabayan! ☺

Nako salamat po sa pagdaan sa aking munting post. Sobrang na appreciate ko ito.

Makatang-makata! Haha. :))

Hahaha salamat sa pag drop by Nico. Nakapag recharge na me ng voting power makadaan sa blog mo 😂

Hanep, full energy na si koya. Gary V, isdatyu? Hahaha! Thanks! :)

Nice post👍

thanks a lot for dropping by :)

Ang galing mo naman @tpkidkai Keep it up :)

Salamat po ng marami ate @ligaya everyday po may ni popost ako nawa'y ma enjoy nyo po ang pagtambay sa aking munting blog.

walang anuman :) nabasa ko nga yung siyang hindi na sinikatan ng araw hanggang sa huling bahagi, inabangan ko talaga e hehehe

Oh my! Na missed out ko tong comment na ito.

Salamat ng marami Ate @ligaya at na enjoy nyo po yung series na yun. Every week nag uumpisa ako ng kwento at nawa'y ma enjoy nyo po ang iba kong likha.