Iba't ibang (20) uri ng bisita sa handaan
Source
1. The Eat and run - sila yung mga bisita mong dinaig pa ang mga hero na nakasuot ng boots of speed. Pagkakain niya maya maya konti magpapaalam na aalis na daw dahil nagmamadali o may pupuntahan.
2. The Invisible - ung mga bisita mong namalayan mong dumating pero di mo namamalayang nakaalis na, walang paa paalam na akala mo naka inom ng invisibility runes kaya di mo na nakita.
3. The Handa mo, hakot ko - yung bisita mong nakakain na lahat lahat, pag labas ng bahay may take out pa. Sila yung laging nagpapa rinig na " Ang sarap ng spaghetti, paborito ng nanay ko yun." Hi bes! Hahaha
4. The loyal visitor - bisita na talaga namang buhay na buhay, na simula umagahan hanggang hapunan di naalis ng bahay niyo. Ang dahilan, tutulungan ka daw niya sa pag aasikaso.
5. Instant waiter/server - sila yung mga bisitang nakalunok ng sipag, handang maging waiter at maglipit ng pinagkainan ng kapwa niya bisita.
6. The networking group - ung bisita mong siya lang inimbita mo , pero pagdating ng celebration madaming kasama na hindi mo naman kakilala. Basta sabi niya friend niya daw. Yung mapapatanong ka nalang sa isip mo, "Hala friend, sino sila?". Sila din yung tinatawag natin "The totally stranger visitor".
7. The singer/entertainer - ung bisita mong kapag may videoke sa inyo sila nalang lagi may hawak ng mic. "Bes peram naman."
8. The walwal visitor - yung bisita mong talaga namang mangunguna na sa pag yaya ng inuman. Sila din yung mahilig magsabi ng " ok lang walang handa, walang makain, basta may alak, yun naman yung mahalaga e". Pero maya maya konti iinda yan na gutom na. -.-
9. The perfect attendance - visitor na super loyal, na kada may handaan sa inyo laging nandiyan.
10. FC(Feeling Close) - yung bisita mong dahil birthday mo at may handaan sa inyo, talaga namang todo yakap sayo. Todo greet sa family mo na mapapatanong ka na lang na "Are you my cousin?". Pero pag di mo birthday, pag nakakasalubong mo nginingitian ka lang.
11. The ordertaker - bisita mong wala naman talaga tigil ng tanong sayo ng "bes, wala ba kayong lumpia? ", "uy, meron ba kayong chicken?", "uy bes, may menudo pa?".
12. The hunter -yung mga bisita mong kaya lang pupunta ng handaan para mag boys/girls hunting.
13. The OOTD is life visitor - yung kahit sa simpleng handaan lang talaga namang mahihiya ang kpop group na tumabi sa kanila dahil sa pormahan nila.
14. Mr./Ms. Friendship - bisita mo na lahat ng nandon ay friend niya at lahat ka close niya. Sila din yung mahilig magpatawa sa lahat.
15. The statue - yung bisita mong simula dumating hanggang paguwi, dun lang naka pwesto. Aba bes galaw galaw.
16. Banyo Queen/King -yung mga bisita mong lagi nalang nasa cr, favorite line nila, "Friend, san ang cr.", "Bes, hindi ba barado ang cr niyo?".
17. The food critic - yung bisitang ang daming comment sa pagkain kesyo, " Ay dapat madaming cheese", "Walang masyadong laman yung lumpia" , " Ang sarap ng menudo, daming patatas, kaso puro taba".
18. The MVP - bisitang laging kasali sa games. Walang pinapalampas, ayaw patalo kala mo naman may 1m na prize. Very competitive!
19. The environmental friendly - si visitor na lahat ng kalat sini segregate. Kapag may nakitang nagkalat, sinasaway.
20. The scavenger/collector - yung bisitang walang tapon, pati yung mga tira tirang pagkain pinapa plastik para daw sa kanilang pet. May pabilin pa yan na "Uy bes, yung mga tira ha? Para kay doggie ko.".
Hahaha... Only a full-blooded filipino can relate to this. 😂
Congratulations, you were selected for a random upvote! Follow @resteemy and upvote this post to increase your chance of being upvoted again!
Read more about @resteemy here.
Thank you!
Wahaha dami kong tawa...made my day!! Naalala ko tuloy mga friends ko. 😂
HAHA.. typical type of people.. Ung pinakain muna tas may baon pa paguwi.. Haha