Parine na! Fiesta na ng San Pablu'y!!!

in #pilipinas7 years ago (edited)

image
Source

"Mabuhay ang San Pablo! Mabuhay sa habang Panahon!"

Dumadagundong na ang awiting nilikha para lamang sa aking mahal na bayan. Fiesta na!

Magara na naman ang gayak ng plaza. Puno na naman ng tao ang bawat sulok ng bayan! Dumayo na naman ang mga manininda mula sa iba'tibang lugar. At puno na naman ng patalastas ang bawat kalye para sa mga aktibidad na gaganapin sa mahigit isang linggong pagdiriwang ng Coconut Festival ng Bayan ng San Pablo. Ang lugar kung saan ako ipinanganak at lumaki. Sya ring kilala sa taguring Lunsod ng Pitong Lawa o Siete Lagos.

image
image

Isinara ang mga daan mula sa plaza hanggang palengke upang mabigyan ng espasyo ang mga tao, tindahan at ang mga programang gaganapin. Oo nga't ang dulot nito sa mga mamamayan ay mabigat na daloy ng trapiko at pagbabago ng lugar ng ibang paradahan ng mga sasakyang pampubliko, ngunit napakaliit na bagay ito kumpara sa kasiyahang idudulot ng kaunting sakripisyo ng bawat isa.

image

image

Ang Coconut Festival ng Lunsod ng San Pablo ay nagsimula noong taong 1996 kung saan itinatampok ng buong bayan hindi lamang ang pagdiriwang ng kapistahan ni San Pablo, ang unang ermitanyo, pati na rin ang nga produktong galing sa niyog at iba na pangunahing kabuhayan ng mga San Pableños.

image

Ang selebrasyon ng kapistahan ay karaniwag tumatagal ng isang buong linggo. Ngunit madalas ay humihigit pa dahil sa dami ng mga programang inilaan hindi lang para sa mga mamamayan ng bayan, kundi pati na rin sa mga kaibigan at mga taong dumadayo upang makisaya!

image

Isa sa pinaka inaabangan sa lahat ng mga programang ito taun-taon ay ang makulay at masayang Mardi Gras! Ang mga kalahok ay mga estudyanteng galing sa mga paaralang pambribado at pampubliko ng bayan na ginaganap tuwing ika-13 ng enero. Narito ang isang video ng isa sa mga kalahok sa street dancing ngayong taon:

https://m.youtube.com/watch?v=LzIlamKr2iY

Ilang entablado ang itinayo para sa pagtatanghal ng nga banda na magbibigay aliw sa mga tao mula sa unang gabi ng selebrasyon hanggang sa huling araw at mismong pista ng bayan, ika-15 ng Enero.

image
Nagkalat din ang mga nagtitinda ng mga pagkain para tugunan ang pagkagutom ng mga manonood. May kikiam, fishballs, shawarma at kung anu-anonv pagkain sa paligid. Syempre, hindi mawawala sa pistang bayan ang Limampisong pop corn at mga cotton candies.

image

image

image

Kahit ang ilang mga naghahanap ng alak sa gabi ay malugod na pinagbigyan dahil sa ilang mga pwesto ng mga magtitinda ang may mga alak at beer na alok. Syepmre, hindi mawawala ang kanilang pulutan.

Ngayon ang huling araw ng pagdiriwang at ang mismong kapistahan ng bayan ng San Pablo. Maraming hindi nakapunta. Pero hayae na, huwag nang manghinayang dahil may mga susunod na taon nama'y!!!

Sort:  

Ganda nung kuha oh! Si Nanay Helen nahagip ng camera!

Truths! Haha

Ay waw, bongga.

Pwede pala Tagalog. Maka-post nga. Kaso wla p ko masyado followers n Pinoy. Ahihiii.

Yiz pwede naman @artgirl. Go girl! Dadami din sila... wala pa din ako masyado supporters. But I am trying to treat steemit as an avenue to express myself. Doesn't matter that much kung may bumasa or kumita. 😉. Hehe

Ehehe. Yun ang masaya.

May friend po ako sa san pablo, bondad apelyido and calabon baka you know them hehe

Hi! @gheghenrv. Yung Bondad n surname familiar ako. Merong akong schoolmate nung highschool at elem so I may know some of them. Hehe. ☺️

Pisong toyoy punoy

Hahaha kuhang kuha'y!