Birong Mapait, Tamis ang Kapalit

in #pilipinas7 years ago (edited)

Mapagbunying gabi, mga kababayan, kaibigan at sa lahat ng mambabasa. Itong aking akda ay magsisilbing piyesang ilalakip ko para sa patimpalak ni @tagalogtrail na pinamagatang "Patimpalak sa Biglaang Kolaborasyon Ika-Anim na Araw". Kung nais ninyong suportahan siya, ay maaari lamang na puntahan ninyo ang kanyang akdang patimpalak at samahan natin sya sa pag supporta sa ating sariling wika.




Image source: pixabay.com


Birong Mapait, Tamis ang Kapalit


Sa hinaba-haba man daw ng prosisyon, sa simbahan parin ang tuloy.
Tulad ng batis, sapa at ilog, na sa dagat dumadaloy.
Pag-ibig ko sayo'y 'di matatapos, bagkus pa'y lalong lumago.
Wala akong balak iwaksi, o kahit man lang itago.

Tuwing babalikan ko ang mga panahong lumipas.
Mga araw na gusto kong hilahin bawat minuto at pabilisin ang oras.
Kilig at ngiti sa mukha ko'y tiyak mababakas.
Sapagkat di ko inaasahan sa altar tayo mag wawakas.

Panahon ng kamusmusan nang tayo unang magtagpo.
Mga batang paslit, nagkakila sa ngalan ng laro.
Ipinakilala ka sa akin ng kaibigan kong, kaibigan mo rin.
Di ko sukat akalaing kalaunan ika'y aking mamahalin.

Nang lumalim ang pagkakaibigan, ako sa iyo'y nabighani.
Waring ang puso ko'y yari sa bakal, at ikaw ang bato balani
Bawat sandali ay nais kitang kasama at kapiling.
Kulang ang araw pag 'di ka nakikita't marinig boses mong malambing.

Ngunit, subalit, datapwat, di ko sukat akalain.
Mga magulang mo giliw ay ilalayo ka sa akin.
Doon sa malayong lugar ng Maynila, balak ka nilang patirahin.
Pag-uugnayan natin ay kanilang binalak patirin.

Sadyang mapait mag biro ang tadhana.
Maramdaman ang ganitong sakit, ay di ko alintana.
Batid ko'ng pareho tayong nasasaktan at nag durusa.
Wag kang mag-alala sinta, di ako susuko, ika'y makakaasa.

Ngunit sa ating dalaway naging mabait ang kapalaran.
Mga hiling at dasal nati'y nabigyan ng katuparan.
Nag-bunga lahat ng ating pag-sisikap at pag pupunyagi.
Sa birong mapait, pag-mamahalan parin natin ang nag wagi.

Ngayon tuwing binabalikan ko ang nakaraan.
Masaya kong maibabahagi at mailalarawan kanino man.
Na sa pag tulog sa gabi, ikaw ang katabi sa higaan.
At pag gising sa umaga'y unang nasisilayan, mukha mong walang kapares ang kagandahan...


Maraming salamat sa pag basa ng aking munting akda, naway nagustuhan ninyo ang tulang aking ibinahagi at isunulat sa abot ng aking makakaya. Lubos akong nag papasalamat kay @mallowfitt sa pag-bibigay nya ng pahintulot na gamitin ko ang kanyang akdang pinamagatang "Pag-ibig na Wagas ay Itinadhana" na siyang tema ng patimpalak.

© @jamesanity06, 2018


jamesanity06.png
Damo nga Salamat! Maraming Salamat po! Thank you Very Much!

New Siggy.png

Sort:  

Ang galing niyo po sir @jamesanity06. Yung simula na wakas at wakas na simula. Naibigan ko po sya.
Sana'y maibigan din ni @mallowfitt ang inyong gawa.

Maraming salamat @tagalogtrail.tayong mga pilipino ay likas na matalino!

Sang ayon po ako dito, mabuhay ang sariling atin.

Maraming salamat po sa inyong papuri. Natuwa ako sa pag sulat ng tulang ito, dahil sa kabila ng pag hihiwalay ng mag kasintahan na ngayon ay magka biyak na, sila parin hanggang sa huli. Sana magtagal kayo ng iyong kabiyak @mallowfitt at dumami pa ang inyong lahi. Mabuhay!

Hehehe nakakatuwa na @jamesanity06 may iba pang mga patimpalak kang maaring salihan. Ine enganyo kong tignan mo rin ang iba gaya ng kay @fherdz, @aboutart, @jayparagat, @tpkidkai at @sunnylife.

Maraming salamat kaibigan sa iyong mungkahi, mamaya pagkatapos ng trabaho sisilipin ko lahat ng patimpalak na iyong nabanggit. Muli, salamat.

Mahusay Ang iyong gawa.
Ako ay iyong pinahanga.
Mga linya sa puso ko ay nadarama.
Maraming salamat!Isa kang makata!👍

Salamat po sa papuri at ako'y nagagalak at inyong nagustuhan ang aking adkang hango sa inyong karanasan sa buhay, at sana magustuhan din po ito ng inyong kabiyak.

Galing ng pag kagawa makatang makata. salamat kabayang @jamesanity06 sa pagbabahagi ng likha mong tula.
@mallowfitt, maghanda ka na. hehehe

Maraming salamat kabayang @fherdz sa iyong papuri. Pero masasabi ko ngayon lang ako sumulat ng tula gamit ang sarili nating wika, at sa temang masaya, kadalasan ng aking akda puro sa wikang ingles, at ang tema ay pasakit at pighati. Kaya masaya ako at umani itong aking akda ng papuri.

Tuloy lang kabayan ng pagsulat hehehe. mabuhay kayo at ang wikang Filipino

To add icing on the cake.

Congratulations! You’ve been featured to our 93rd STEEMIT FAMILY PH DAILY FEATURED POST 🇵🇭👍🏼

P.S.: Wag masyadong mahaba yung sa feedback session nauubos ang Tagalog ko. Hahaha

Tp

Thanks sa feature folks.

sobrang ganda ng tguon na ito @jamesanity06.. Bagay na bagay sa unang tula ni @mallowfitt

Congratulations @jamesanity06! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!