Ang pelikulang ito'y tungkol sa isang rebolusyonaryo at isang bayaning Pilipino na si Macario Sakay.
Na kung saan idineklarang isang tulisan at kriminal habang pinagpapatuloy ang pakikibaka laban sa Estados Unidos pagkatapos ng “opisyal” na pagtatapos ng “Philippine Insurrection”. Isang barber at mananahi mula Tondo, Manila na nakisapi kay Andres Bonifacio sa lihim na rebolusyon ng Katipunan. Siya'y nanatili sa kanyang lugar kahit natagpuan na si Emilio Aguinaldo sa pagtatago nito at ang pagkabagsak ng unang Republika ng Pilipinas. Siya ay nahuli, pagkatapos ay nakalaya rin nang bigyan ito ng amnestiya. Siya ay bumalik sa kanyang gawain sa Katipunan at namundok siya hanggang sa pamunuan kalaunan ang mga gerilya bilang isang heneral at Presidenteng Republika ng Katagalugan at makisanib sa pwersa ng mga sundalong Amerikano at Konstabularya ng Pilipinas sa lugar ng Rizal-Cavite-Laguna-Batangas kasama si Francisco Carreon, Julian Montalan, Cornelio Felizario at iba pang rebeldeng lider.Sa kalagitnaan ng taong 1905, binigyan ng awtorisasyon ni Gobernandor Heneral Henry C. Ide si Dr. Dominador Gomez, lider ng Union Obrera Democratica de Filipinas, upang makipagnegosasyon kay Sakay para sa pagsuko nito ng kanyang mga opisyal at mga tauhan.
Sa pakikipag-usap kay Sakay sa kampo nito sa bundok, ikinatwiran ni Gomez na tanging ang pagmamatigas ni Sakay ang bumabalam sa pagtatag ng isang pambansang asembleya. Ang asembleyang magsisilbing sanayan sa nagsasariling gobyerno ng ma Pilipino at unang hakbang patungo sa pagkamit ng kasarinlan. Pumayag si Sakay na wakasan ang kanyang paglaban sa kondiyong isang pangkalahatang amnestiya ang ipagkaloob sa kanyang mga tauhan, pahayagan silang makapagdala ng baril at pahintulutan siya at kanyang mga tauhan na makalabas ng bansa nang matiyak ang personal na kaligtasan.
Tiniyak ni Gomez kay Sakay na ang kanyang kondisyones ay tatanggapin ng mga Amerikano. Ipinabatid naman ng gobernador-heneral ang kanyang pagpayag sa kondisyones na makipag-usap sa emisaryo ni Sakay na si Hen. Leon Villafuerte. Kaya nagtungo na sila sa Maynila at sinalubong naman ng mga mamamayan, inimbitahan sa isang pagtitipon at isang imbitasyon na nagmula kay Kor. Bangholtz na kasama ni Gomez sa pakikipagnegosasyon at iniimbita sa isang handaan sa tirahan ni Gob. Van Schaik ng Cavite.
Habang nagaganap ang pagtitipon, isang kapitang Amerikano ang sumunggab kay Sakay at dinisarmahan siya. Inalisan ng sandata ang opisyal nito at napaligiran na sila ng sandatahan. Dinala sila sa bilangguan ng Maynila ay inakusahan ng maraming krimen gaya ng pagnanakaw, panggagahasa, pag-kidnap at pamamaslang at pinarusahan ng kamatayan ayon sa Batas Panunulisan ng 1902. Sa toang 1907 ay hinatulan ng bitay sina Sakay at De Vera. Sa araw ng Biyernes Santo ay inilabas sila mula sa piitang Bilibid. Habang nakatayo sa binibitayan sa palsa ng bilangguan, buong lakas na isinigaw ni Heneral Sakay:
Pagkaraan nito’y humarap na si Sakay sa berdugong Amerikano. Isang maliit na grupo lamang ng mga gwardiya at kawani ng bilangguan ang sumaksi sa huling sandali ng isang matapang na bayani. Kasama sa naging saksi ay isang reporter ng Manila Times. Ayon sa ilan pang ulat, bago sila bitayin, nagrali sa harap ng Malacanang ang mga taga-Maynila upang i-protesta ang pagbitay sa dalawa. Ngunit hindi nakinig ang Amerikanong Gobernador Heneral. Nagtangka silang muli sa Bilibid na kunin ang bangkay ng dalawa upang takpan ang watawat ng Katipunan, ngunit muli silang hinarang ng mga awtoridad ng Bilibid.
More info about the Film: https://en.wikipedia.org/wiki/Sakay_