Biyaya sa Paglayo

in #pilipinas7 years ago (edited)

Limang taon na ako dito sa Saudi
Akala nila marami na akong salapi.
Pero limpak-limpak nga ba?
O minsan lang nagiging sagana.

Iniisip nila napupulot lang ang pera
Ngunit ang totoo wala ng laman ang bulsa.
Kung sila'y kakamustahin, laging nagmamadali
Kung makahingi parang may ipinatabi.

Sa una kakamustahin ka nila
Maya-maya may ipapabili pala.
Kapag sinagot mo ng 'tsaka na'
Mawawalan na sila ng gana at isiseen kapa.

Buwan pa lang bago kaarawan nila
Iniisip na kung anong ireregalo sa kanila
Damit, sapatos, laruan o ano pa kaya?
Sagot nila, 'pera na lang kaya'?

Pero bakit hindi ko sila matiis
Walang araw na hindi sila iniisip.
Kaya kung sa pagtetext sa kanila, ako'y walang mintis
Oras-oras sila'y aking namimiss.

Kaya kahit anong hirap titiisin ko.
Gagawin lahat para sa pamilya.
Kung ang kapalit ay ang mapalayo
Tinatanggap ko at ituturing na malaking biyaya.

Sort:  

Ay talo kita, 5 yrs ka pa lang pala. What more kung 18 yrs na? Nag-uumapaw na?

inaantay kong dumaying ung time na umapaw na..

Me ginagawa ka ba para umapaw sya? Sige nga?
For it para umapaw, me masasabe kang meron kahet konti.