Source Image
Nasan ka na? Bakit lumisan ka sa piling ko sinta? Dati'y walang pangamba - kasi ibinigay mo ang kasiguraduhang mawalay ka'y hinding-hindi mangyayari.
Nasaan na? Mga pangakong binitiwan mo sa panahon ng tamis sinta? Mahal, ang mga salita mong binitiwan bakit mo 'binitawan' na.
Puso ko'y nagkukumahog - nagwawala - sa'yong pagkawala. Ninanais na maibalik ang nakaraang nanunumbalik sa tuwing alaala'y babalik sa isipan. Isip ko'y humihinto sa pag-iisip ng mga bagay sa pag-aalala sa mga bagay na unti-unti nang nabubura nang 'di pinag-iisipan. Nakakahilo - nakakabobo. Bakit? Ang sagot ay ewan ko.
Wala kang katagang binitiwan - wala kang senyas na pinahalata. Bigla ka na lang nawala at naglahong parang bula. Kung may problema man tayo - bakit itinago mo? Hindi ba't nagsumpaan tayong dalawa na ang lahat ng sa akin at sa iyo ay ituturing na nating sa atin at pagsasaluhan mapait man o matamis - sa tawanan man o sa kalungkutan. Bakit nabura ng hangin ang mga iyon? Sa buhangin lang ba naisulat? Kinulang ba sa pundasyon?
Wala ka - hindi ko na mahagilap - ayaw mo ng magpakita. Naglalaro na tayo ng taguan. Matagal na pala tayong naglalaro ng taguan - simula nang sinarili mo lahat - at pinili mo akong ihiwalay at sa akin walang isiwalat. Nagsimula nang unti-unting nanlalamig ang yong mga yakap - at unti-unting tumatakas ang tamis mula sa 'yong mga ngiti.
Wala ka na. Pagod na akong magtanong kung nasan ka. Pagod na akong maglakad patungo sa kawalan para lang hagilapin ka. Siguro tuluyan nang nakaligtaan ang pangako nga kahapon - siguro hindi kita kinilala kaya hindi kita nakilala ng lubusan. Sumuko ka na - susuko na rin ako. Hahayaan na kitang mahanap ang tamis mula sa iba. Ang pag-ibig na pinangarap mo sinta.
Taguan na lang tayo ng sakit na nadarama.
Ang tulang ito ay naisulat sa loob ng limang minuto - walang draft na ginawa. Walang binalikan para baguhin. Pag wala kang magawa - paganahin ang pagiging makata.
I may not understand the language at which this post is written but it tells from the picture that it's nice. I therefore Upvoted it. @bob-elr
Thank you so much - I appreciate it so much!
Wala ka ngang magawa kuya.
;)
Ultra hugot? Lol
Pwedeng ganun nga. Haha.