Magandang Umaga sa lahat ng mga kababayan ko, hayaan nyo ako ang unang bumati sa inyo ng Maligayang Araw ng Kalayaan.
Sinadya kong gumamit ng ating sariling wika ngayon bilang kontribyusyon at pag alala sa ating araw ng Kalayaan, ika-12 ng Hunyo taong 2018 ang bansang Pilipinas ay ating ipagdiriwang ang ating ika 120 taong araw ng kalayaan. Noong Hunyo 12, 1898 isang makasaysayang kaganapan ang nangyari sa ating mga ninuno noong tayo ay dineklarang isang bansang malaya.
Mula ng araw na yaon, masasabi kong isa ito sa naging dahilan kung bakit ang mga Pilipino ay kinilala sa ibang bansa bilang isang bansa na nagtagumpay sa mga mananakop na dayuhan. Ako din ay mapalad dahil hindi pa ako nabubuhay nung mga taon na iyon
May isang matanda sa aming baranggay noon na aking kinausap patungkol sa kanilang naging buhay noong araw. Sya ay nabuhay noong Panahon ng mga Hapon kinuwento nya sa amin na noon nagtatago ang mga babae kung saan saan para hindi sila makita ng mga ito dahil kung hindi sila ay pagsasamantalahan ang kanilang puri. Samantala daw ngayon baliktad na, di na nagtatago ang mga Pilipina sa mga Hapon.
(ito ay base sa kanyang kwento, si Lola Idad ay pumanaw na.)
Alam naman natin na ibang iba na ngayon ang mga sitwasyon sa mga bansa na sumakop sa atin. At madami na ding mga Pililino ang nagtatrabaho sa mga ito.
imagesource
Nais kong magbigay pugay sa ating mga bayani na naging dahilan ng ating kalayaan. Noong ako ay isang estudyante pa, naging aktibo ako sa mga paligsahan sa pag awit. At madalas na kabilang sa aming mga inaawit ay ang mga awiting ito;
• Dakilang Lahi
-ito ay may lirikong, Kayumanggi ang kulay ko,dugo't pawis inalay mo.
Di ka na maaapi, ngayon o kailanman,pag-ibig ko sa'yo, Inang Bayan• Isang Lahi
-ito ay may lirikong,
Iisa lang ang ating lahi,iisa lang ang ating lipi.
Bakit di pagmamahal ang ialay mo pangunawang tunay ang siyang nais ko, ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo.
Hindi ba't napakagda ng mensahe ng mga awiting ito?
Ngunit gaano nga ba kahalaga ang isang kalayaan ng isang bansa?
Para sa akin ako ay nakikinabang sa kalayaang ito.
• Una, kalayaang bumoto.
• Pangalawa, kalayaan sa pagpili ng relihiyon.
• Pangatlo, kalayaang pumunta kahit saang lugar.
• Pang apat, kalayaang ipahayag ang sariling opinyon.
• Pang lima, kalayaang mabuhay ng payapa.
Ang lahat ng ito ay aking nagagawa ng malaya sa ngayon. Kung ihahambing sa ibang bansa mas madali ang ating buhay sa Pilipinas pero ang nakakalungkot lang, naaabuso na natin ang ating pagiging malaya sa maling kaparaanan.
Aminin natin na kapag tayo ay nasa ibang mga bansa, tayo ay sumusunod ng kusa sa mga ito dahil alam naman natin na ito ay may kaukulang kaparusahan. Ngunit bakit pagdating natin sa ating bansa, simpleng mga batas lamang tulad ng bawal tumawid dito, may namatay na o kaya bawal magtapon ng basura dito at bawal umuhi dito* di pa natin magawang sumunod tama ba?
Ako rin naman ay aminado na minsan ay nakakalabag sa batas lalo na sa tamang tawiran hehe, ngunit naisip ko, na kung sa ibang bansa titino ka bakit di mo gawin dito sa Pilipinas ng malaya.
Sa mga bansa na nakararanas ng mga giyera at tag gutom di rin nila siguro maramdaman ang sarap ng buhay na maging malaya. Tayong mga Pinoy mapalad tayo at natapos na ang kaguluhan na nangyari sa Marawi at maraming mga bagong bayani ang nagbuwis ng buhay, ngunit ang mga tao na nakatira doon ay nakakaawa.
imagesource
Humantong pa ang pagkakataon na may mga bahay pa pala na nanakawan ang kanilang tirahan habang mga giyera. Nakakalungkot lang na sa kabila ng kaguluhan may mga tao pa din na nananamantala ng sitwasyon.
Sana sa araw ng Hunyo 12, 2018; ay mag alay tayo ng isang maikling pag bubulay sa kalayaan na meron tayo ngayon. Salamat sa mga tao na nagbuwis ng kanilang buhay para makamit natin ang tinatamasa nating kalayaan.
Pictures Are amazing.
I also created my first post with a lot of pictures.