Isang Bukas na Liham (tula) para sa lahat ng Nang-Iwan :-D

in #pilipinas6 years ago (edited)

Marahil ay maraming makakarelate sa makakabasa sa liham na ito na sadyang binuksan ng may-akda. Matagal na itong naglulumikot sa kanyang isipan at napagdesisyonan niyang ngayon na ito ibahagi upang mabasa ng mga kinauukulan at maantig ang kanilang damdamin sa makabagbag libag na liham na isinaayos sa anyo ng tula mula sa kaibuturan ng kanyang puso.

Sa Iyo Aming Ama:

Mula nong kami'y iyong lisanin, hindi na naibsan
Luha ng aming ina, mula sa kanyang mga mata
Magang maga sa kakaiyak sa gabi bago siya humiga
Dahil ang pag-iyak lang tanging alam nyang paraan
Upang sandaling mabawasan bigat sa damdamin

Hindi man niya inalintana ang sakit na dinulot mo
Sa buong buhay niya, siya'y naging tapat sa iyo
Hangad niya na pamilya natin ay manatiling buo
Ngunit ikaw naman ay napasama sa daang liko
Ngayon ay nananatili kang walang ipinagbago

Hindi namamalayan, paglipas ng maraming taon
Si inay ay nagpatuloy sa pagharap at pagbangon
Ng bagong hamon sa kanyang buhay ngayon
Hindi matatawaran ang kanyang paghihirap
At mga sakripisyo para sa aming kinabukasan

Ramdam ko bawat himutok ng kanyang damdamin
Mga nakatagong pait at kirot sa kanyang wasak na puso
Hindi niya maiwasan minsan galit ay ibunton sa amin
Naiintindihan ko siya at damang dama ko sa puso ko
Ang inay ko ay tao lamang, napapagod at napupuno din

Kaya naman ako ay patuloy na siya'y inintindi
Sa abot ng aking kakayahan bilang isang bata
Ginawa ko lahat upang pag-aaral ko'y mapagbuti
At patuloy ko siyang mabigyan ng kasiyahan
Sa kabila ng kanyang mapait na karanasan

Hindi kalauna'y nasagot ang kanyang dasal
Matagal na niya itong hinihingi sa Maykapal
Taon din ang kanyang binilang bago ang kasagutan
Muli ang ngiti sa kanyang mga labi aking nasilayan
Si inay ko ay may isa na namang napagtagumpayan

Akala ko'y tuluy-tuloy na ang pagbabago
Na hinangad ko mula sa kanyang pagkatao
Dahil alam kong masaya na sya sa trabaho
Ngunit ako pala'y nagkamali sa aking inakala
Ako'y bigo at nananatiling umaasa lang pala

Naging mas madalang kaming magkausap
Naging mas madalas ang aming bangayan
Naging mas matapang siya sa lahat ng bagay
Naging mas malakas siya sa aming tahanan
Naging mas ina at ama siya sa bawat pagkakataon

Hindi ko na alam kung saan ako lulugar
Minsan naisipan kong buhay ko'y wakasan
Dahil hindi ko na rin kilala ang aking sarili
O ama ko nasaan ka na? Babalik ka pa ba?
Kailan ka magiging ama sa amin ng kapatid ko?

Ang akala mo si inay lamang nasaktan mo?
Maling-mali ka po doon aming ama
Dahil ako ang lubhang nagdurusa ngayon
Hindi mo ito alam at pano mo malalaman?
Hindi mo nga kami magawang dalawin

Alam mo ama, si inay naging matigas na
Sing tigas na ng bato ang kanyang puso
Sarado na rin ang kanyang isipan
Kaya ako nawawalan na ng pag-asa
Sana, dasal ko naman ay pakinggan ni Lord

Ubos na ubos na rin kasi ako, ama ko
Sana kahit kaunting oras lamang ilaan mo
Sa akin at sa aking kapatid upang makita mo
Kung gaano ka namin kinasasabikan makita
At makasama kahit sandali kahit isang saglit

Tama naman si inay sa puntong ito, ama ko
Kaya nakikinig ako sa kanyang mga payo
Wala naman na siyang ibang hinihingi sa iyo
Kundi panindigan mo ang pagiging ama mo
Sa aming dalawa, ng aking mahal na kapatid

Lahat na ginawa na ni inay,
Nanahimik na siya ng tuluyan
Pagod na rin siya sabi niya
Bahala ka na kung ano ang gusto mo
Basta sana magpakaama ka sa amin

Hindi kailan man matutugunan ni inay
Ang pagiging ama mo sa amin ng aking kapatid
Oo nga't naging ina at ama namin siya noon
Ngunit kahit anong gawin niya, ikaw at ikaw lang
Ang aming ama sa mata ng Diyos at sa mata ng tao

Mapagpakumbaba niyang inamin sa kanyang sarili
Na hinding hindi siya makakahanap ng kapalit mo
Sa buhay namin ng kapatid ko bilang ama
Ngunit bilang asawa niya, sabi niya'y malabo na
Sa akin wala namang problema dahil tanggap ko na

Na ikaw ay mananatiling ama na lang namin
Hindi na mananatiling kabiyak ni inay
Tanggap na rin ni inay na wala ka na sa kanya
Na ikaw ay tuluyan ng pag-aari na ng iba
At malugod ka niyang pinalaya noon pa man

Isa lamang ang tanging hiling niya sa iyo, ama
Sana manindigan ka bilang ama namin
Ipagpatuloy mo sana ang iyong tungkulin
Sa amin bilang aming ginagalang na ama
Kahit wala ka na sa aming tahanan.

At kahit wala na rin kami sa iyong sistema
Muli at muli akong kakatok sa iyong pusong ama
Sana pagbigyan mo ang isang kahilingan namin
Ako, si inay at ang aking mahal na kapatid
Ipagpatuloy mong maging ama sa amin

Patuloy akong nananalangin sa Diyos
Na isarado na Niyang tuluyan ang puso ni inay
Sarado sa lahat ng lalaki maliban lamang sa iyo, ama
Masaya ako dahil wala siyang ibang minamahal ngayon
Kundi kami lamang at ang kanyang bagong trabaho

Masaya na rin po kami para sa inyo, ama
Dahil kahit papano, natutunan ko mula sa'yo
Ang ipagpatuloy ang laban sa buhay sa mundo
Kahit gaano katinding dagok ang dumaan sa'yo
Babangon ka dahil ang Diyos ay sumasaiyo

Masaya din ako para sa iyo inay
Dahil kahit papano, natutunan ko mula sa'yo
Ang hindi bumitaw sa pangarap at ipagdasal
Kahit gaano katagal ang aabutin ng kasagutan
Ibibigay ito ng Diyos sa tamang kaparaanan

Mahal na mahal namin kayong pareho
At dahil mga magulang namin kayo
Meron kaming natutunan sa inyo
Yon ay ang ipagdasal kayong pareho
Upang pamilya natin ay muling mabuo

Nagmamahal, anak

Ang mga katagang namutawi at naisatitik sa pamamagitan ng panulat na ito ay hango sa pinagsama samang hugot ng may akda at sa nabasa (pahapyaw) niyang testimonya ng kanyang anak. Lihim ito at lingid sa kaalaman ng bata. Hindi naman ito sinasadya ng may akda dahil salitan lamang sila sa paggamit ng laptop. Ang iba pang idea dito ay hango din sa tulang likha ng kanyang anak na muli sa pangalawang pagkakataon ay lihim at lingid (na naman) sa kaalaman ng kanyang anak. Humahanap pa ng tamang tyempo ang may akda na ipaalam sa anak niya ang permiso upang maipost din sana niya dito sa steemit ang kanyang likhang tula sa wikang Filipino.

I am @sashley a.k.a. shirleynpenalosa, a recipient of God's love, mercy and grace. ❤️

Have a blessed rainy month of July 2018 everyone :-)❤️

I am forever grateful to God every day of my life for giving me everything that I need and praise Him all the more for not giving me everything I want. To God be all the honor, praise and glory ❤️ :-)

@surpassinggoogle is such a generous person and has a very big heart for all of us here. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.


(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

@paradise-found is a wonderful person, a very humble and generous encourager, let us also support him by voting and typing in "gratefulvibes" at the search box and check papa bear's post for the great announcement

(Photo credits: mam @sunnylife)

Please check this link and join our prayer warriors here in steemit https://steemit.com/christian-trail/@wilx/christians-on-steemit-let-us-follow-and-support-each-other-pt-7-join-the-christian-trail

Other good witnesses to recommend:

@yabapmatt
@teamsteem
@jerrybanfield
@hr1
@acidyo
@blocktrades
@curie
@beanz
@arcange
@yehey

They need our support

Follow us on #gratefulvibes discord channel (positive and uplifting attitude)
https://discord.gg/7bvvJG


(credits to @bloghound)

https://steemitimages.com/0x0/https://cdn.steemitimages.com/0x0/https://cdn.steemitimages.com/0x0/https://cdn.steemitimages.com/0x0/https://cdn.steemitimages.com/0x0/https://cdn.steemitimages.com/0x0/https://cdn.steemitimages.com/0x0/https://cdn.steemitimages.com/0x0/https://cdn.steemitimages.com/0x0/https://cdn.steemitimages.com/0x0/https://cdn.steemitimages.com/0x0/https://cdn.steemitimages.com/0x0/https://ipfs.busy.org/ipfs/QmX1qsfziNuthrDvNoXUqnKHESqyNZyFiNiuYPK3Q32QSA
(credits @jhunbaniqued)

Sort:  

Sa pananaw po ng isang bata ay lumalabas ang mas malalim na pakahulugan niya sa responsibilidad na naiwan ng ama. Hindi lang po bilang tagapagtaguyod ng pamilya kundi pati na rin po katuwang ng ina sa buhay at mga kakaharapin nito. Natangay po ang aking damdamin sa mensahe ng tula.

maraming salamat po @lingling-ph sa paglaan ng oras para basahin ang aking post. :-) God bless po. :-)

This comment was made from https://ulogs.org

Mahaba at puno ng pighati at pagmamahal ng isang anak sa ama. Ang aking puso'y naantig mula simula hanggang sa huling salita.

This comment was made from https://ulogs.org

agyamanak unay sis <3

This comment was made from https://ulogs.org

aniya data Gm gawa ni Daughter C.?

pinagtipon ko sir ajay nabasak nga testimony na ken ajay tula nga inaramid na. Ajay tula na han ko pay naipost ta damagek pay no kayat na...maymayat dijay a hahahaha ni sumali ka sir pangarap ti tema ajay word poetry challenge :-)

hahaha sika met hurado hahaha
adda pay jay haan ko malmalpas nga tulak.