The reason why I left McDonalds

in #pilipinas7 years ago

image.png


May mga pagkakataon na ang masamang insidente at pangyayari na naganap sa ating buhay ay makakatulong upang magsagip ng ating mahal sa buhay

Naging crew ako ng McDonalds Unciano sa may Antipolo year 2011, sobrang saya magtrabaho dun dahil kami ay alagang alaga kaming ng mga managers and thankful ako na ito yung naging unang working experience ko.
Kahit taga pasig ako at provincial rate doon, tinanggap ko pa din dahil gusto kong makaipon para sa pagaaral ko,

Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit ako umalis dito ?

Apat hanggang anim na oras lang ako kada shift o duty, maswerte na lang kung magkakaroon ako ng 8 hour schedule.

Isang gabi ng trabaho, almost 10 pm na nun, nagma-mop ako ng sahig ng front counter dahil malapit nang matapos ang shift ko, pero may napansin akong matandang babae sa labas ng store. Parang di nya alam kung saan sya pupunta, kung sino sino ang nilalapitan at kinakausap nya. Ultimo tricycle driver na nadhihintay ng pasahero sa labas ay kinukulit nya, pero di sya pinapansin ng mga ito

Biglang lumapit yung manager namin at tinanong ako kung pwede daw ba akong mag extend hanggang 2 am dahil di makakapasok yung isang crew namin, pumayag naman ako dahil 4 hours lang yung shift ko nung araw na yun, at gaya ng sabi ko swerte na lang kung magkakaroon ako ng 8 hour shift kaya di ko na ito pinapalampas.

10:45 pm

Saktong napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng store, nag mop ulit ako sa may front counter at napatingin sa labas. Nakita ko yung babae na lumapit dun sa lumabas naming customer pero di sya nito pinansin, binalik ko naman yung atensyon ko sa pagma-mop ng sahig, nung nasa gitna na ako ay biglang may humawak sa aking braso. Pumasok na pala sya at nilapitan na ako ng matandang babae sa labas.

Neng, nasaan ang Cr nyo dito ?

tanong sa akin ng matandang babae kaya't itinuro ko ito sa kanya, pero pinipilit nya ako na samahan ko sya papunta doon. Base sa pagkakahawak nya sa akin pakiramdam ko kailangan ko talaga syang samahan papunta doon. Bago ko siya samahan ay tumingin ulit ako sa orasan habang hinihila nya ako papunta sa CR

10:53 pm

Nasa harap na kami ng Cr, pero hawak nya pa din ang braso ko hanggang sa makapasok kami. Tiningnan nya ang bawat cubicle kung may tao pero wala syang nakita, doon ay isa-isa nyang nilabas ang laman ng kanyang bag

isang pitsel na punong puno ng dugo ang una nyang inilabas at matapos itong mailapag ay nilabas naman nya ang isang puting damit na may bahid ng dugo at pinasabit sa may pinto

Tumalikod sya habang inilalabas pa ang iba pa nyang mga gamit, dahil sa takot ay sinabi ko sa kanya na kailangan ko nang lumabas at bumalik sa trabaho, pero pinigilan nya ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking braso. Sinusubukan kong buksan ang pinto pero ang bigat ng pakiamdam ko, bigla syang nagsalita matapos syang may bunutin sa kanyang bulsa.

Inutusan nya akong buksan ang aking bibig at ilagay ang aking dila sa aking ngala ngala. Nakita ko na may hawak syang berde na binhi at inilalapit sa aking bibig habang nagbibigkas sya ng mga salitang hindi ko maintindihan, napatigil sya ng mapansin na di ako nasunod sa kanya, kaya nagalit sya at patuloy na pinipilit na ilagay ko ang aking dila sa aking ngala ngala.

Sinabi ko sa kanya na di ko iyon kayang gawin, pero di pa din sya tumigil, nagpupumiglas ako sa pagkakahawak nya sa akin, ng biglang may kumatok sa pinto.

Bumukas ito at nakita ko na madami ng tao ang nasalabas at naghihintay sa pagbukas nito, lumabas agad ako at bumalik sa pagtatrabaho

11:22 pm

11:22 pm na ng tumingin ako sa orasan, nagtaka ako dahil parang sobrang sandali lang namin sa Cr pero ang tagal ko na palang nawawala. Nilapitan ako ng isa sa mga kasamahan ko at sinabi na mop lang ako ng mop kahit di naman nalilinis yung sahig. Napansin na din ng manager namin na namumutla na ako kaya kinausap na nya ako sa crew room.
Doon ay kinuwento ko lahat ng nangyari kaya maaga na rin nila akong pinauwi, nung una ay parang wala lang sakin yung nangyari pero habang tumatagal ay parang nanlalamig na ako.
May kakaiba na akong nararamdaman sa katawan ko at napasigaw pa ako na nakita ko sya, kahit sinabi nila na pinauwi na nila yung matanda.
Nakita ko yung babae sa may parking lot na parang may hinihintay, di ako makagalaw sa kinauupuan ko.
Dahil di ko na magawang magbihis pa ay sinuot ko na lang ang jacket ko, nag out na din ang isa kong manager para ihatid lang ako. Lumabas na kami ng store, at habang naghihintay kami ng masasakyan ay may biglang humawak sa batok ko

Sya yung lalaki na nagbukas nung pinto nung nasa loob kami ng Cr

Sinabihan nya ako na magingat dahil nakaabang lang sakin yung matandang babae, nasa jeep na kami nung kasama ko ng biglang may nakita kaming babae na pumapara
Nakita ko yung matandang babae na gustong sumakay, dahil sa kaba ay sinigawan namin yung driver na wag hintuan yung matanda at nagpasalamat naman kami dahil di nga ito huminto.

Matapos ang insidenteng iyon ay maraming araw at buwan ang dumaan para bumalik ang aking dating sigla. Akala ko ay wala lang ang pangyayareg iyon, pero matapos ang gabing iyon lahat ng aking napapanaginipan ay nangyayare at nagkakatotoo.

Kung sino man ang babae na yun, nagpapasalamat ako.

Dahil sayo nailigtas ko sa aksidente ang buhay ng bestfriend ko


Lahat ng mga larawan na ginamit sa kwentong ito ay nagmula sa internet, pero inyong maaasahan na lahat ng kwento ay hango sa totoong buhay at mga pangyayari na nagmula sa Pilipinas
Ang @spookyphstory ay hindi kinukuha ang lahat ng kredito sa bawat kwento, nagkataon lang na ang mga nagpadala ay ninanais na maitago ang pagkakakilanlan

Sort:  

Source
Plagiarism is the copying & pasting of others work without giving credit to the original author or artist. Plagiarized posts are considered spam.

Spam is discouraged by the community, and may result in action from the cheetah bot.

More information and tips on sharing content.

If you believe this comment is in error, please contact us in #disputes on Discord

Congratulations @spookyphstory! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You got your First payout
Award for the number of posts published

Click on any badge to view your Board of Honor.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do you like SteemitBoard's project? Vote for its witness and get one more award!