Bagong araw at bagong mga Tagalog araw muli! Maraming salamat sa mga nagsusulat ng Tagalog sa steemit! Yehey bagama't maliit lamang ang aking halaga o ang halaga ng aking upvote ako ay lubos na nasisiyahan sa inyong mga likha.
Ngayong araw narito ang mga akda na aking nakita na sadyang nagbigay saya sa aking adhika.
Mag steemit Ka na lang by ankarlie Class Steem
Ito na ang masasabi kong pinaka patok na jingle para sa steemit. Hanggang sa ngayon ay nasa ulo ko parin ang chorus part na ito. Tamang timpla lang ng kulit at impormasyon ukol sa steemit. Samahan mo pa ng trending na tugtog na hiniram sa sikat na kantang "Hayaan Mo Sila" ng Ex-B! uwian na may nanalo na. Salamat @ankarlie sa isang napakagandang likha.
Magsulat nga Ako in Filipino
Isang munting mensahe mula kay @artgirl na susubukan niya daw magsulat ng Tagalog. Para naman ma-enganyo siya ay naisip kong i feature sya dito :)
Ama : A Filipino Short Story in Prose
Isa lang ang masasabi ko dito. Huwag mo siyang basahin na kinikritiko ang format ng pagkakasulat. Para sa akin, ang likha niya ay isang malinaw na mensahe na ng pagbabago mula sa pagiging musmos hanggang sa pagiging isang ama. Basta naalala ko si tatay sa kaniyang mga paghihirap. Lubos na maganda ang likha niya linis nalang ng format at nako perpekto na ito @johnpd!
Filipino dish "Pagkaing pinoy UKOY"
Simplehan lang natin, paborito ko ang Okoy at okey na okay ang okoy para sa akin. Mapa okoy na gulay pa iyan o okoy na hipon atbp.
"Kasagutan sa Likod ng Katotohanan"
Mula sa tulang patungkol sa pag-ibig at kabiguan ngayon ay isang tula tungkol sa realidad ng buhay ang hatid ng isa sa mga suki ko dito sa arawang curation. Nakakapanghinayang lang na hindi ito napapansin ng iba dahil magaganda talaga ang likha niya. Hayaan mo @ortorres mayroon kang munting tagasubaybay sa steemit habang ako ay naririto.
"Pilipino Ako"
At dahil mahal ko ang Pilipinas at Pilipino ako ang pinaka huling parte ng aking arawang curation ay mula kay @racheleecious na isang tula na tumatalakay sa pagiging isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagbabasa ng aking munting lathala. Para mas madali kong makita ang inyong likha mangyari lamang na gumamit ng mga tags na #tula, #pilipinas, #kwento, #literaturang-filipino o kung mayroon kayong link o kahit hindi sa inyo na nakita nyong likhang Tagalog. Maliban sa kontribusyon sa utopian mangyari lamang po na i komento nyo po ang link sa post na ito.
Mayroon na po akong account sa steemauto.com.
Piliin nyo lang po ang Curation Trail
At itype po ang aking pangalan tagalogtrail sa "trail name"
At pagkatapos po ay i click ang follow pag lumabas na po ang resulta
Pag inyo na pong nagawa iyan, awtomatiko na pong mag-a upvote ang inyong account sa sandaling ako ay nag-upvote na po ng mga likhang Tagalog dito sa steemit, ito po ay isang paraan para makita ng mga Tagalog na awtor na mayroon din siyang suportang nakukuha mula sa iba.
Ay ang galing... Salamat. Magpo-post n b ako in Filipino? Hahaha, abangan...
Baka dapat sali rin kau s ibang mga malalaking group like @steemitfamilyph? Para may sponsor kau. haha.
Hahaha aabangan ko iyan kung sakali man.
Malaking tulong ang sponsor hehe pag-isipan ko po iyan.
Salamat po tagalog trail at napansin mo ung tula ko para sa ating maykapal, may bgo po ako ngayon na tungkol nman sa nanay ko na pumanaw na sana maibigan nyo po ulit.
Sige po mamaya ay babasahin ko po sya 😍 salamat po!
Maraming salamat sa pagbilang ng aking akda sa iyong ika sampung edisyon. Bagamat kakaunti lamang talaga ang nakakapansin sa aking mga gawa ay patuloy pa din naman ako sa pagsusulat at paggawa... Maraming salamat sa iyong suporta sa ating wika...
You got a 8.52% upvote from @upmewhale courtesy of @tagalogtrail!
Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!