Ikalabing Anim na Edisyon ni Tagalog Trail

in #pilipinas7 years ago

Bagong araw at bagong mga Tagalog araw muli! Maraming salamat sa mga nagsusulat ng Tagalog sa steemit! Yehey bagama't maliit lamang ang aking halaga o ang halaga ng aking upvote ako ay lubos na nasisiyahan sa inyong mga likha.

Ngayong araw narito ang mga akda na aking nakita na sadyang nagbigay saya sa aking adhika.

Ang lahat na mai fi feature sa post ko po ay makakatanggap ng SBD rewards mula sa akin. Dibale 50% ng SBD reward ay ipapamahagi sa lahat ng napasama dito. Hindi naman ganun kalaki ang pa SBD ko dito heheh kaya't ayos lang swerte nang umabot ng 2 cents.

Screenshot_26.jpg

Pinagkunan ng larawan

Tula 10 : Para sa mga Binatang Nanliligaw ni @christyn

Ilang taon ka na ba?
Aba, galing mo ng mambola!
'Di ako katulad ng iba.
Na kay lambot ng baba.

Haha nako ARAL muna bago LANDI
Baka nga ikaw ay di pa nagpapatuli
Tsaka mo na ako bolahin
Kung mayroon ka nang narating

O diba nakagawa din ako ng maiksing tula hahah ang kulit lang kasi ng tula ni @christyn para mabasa ang buong tula nandun ang link sa taas.

Pagkabuhay ni @jmaeunabs1

Panahon ng pagnilay-nilay ang natapos na naman
Sa nakakarami, isa itong bagong panimula bilang mga Kristiyano
Sa iilan, pagtatapos ito ng mahabang bakasyon
Sa iba, panahon ito ng April Fools

Dahil sa kakatapos palang ng Semana Santa may mga likhang tula na alay parin sa Panginoong Hesus at isa ito sa mga naibigan kong likha. Amen!

"Buko" ni @ortorres1123

Itong bilog na prutas na may kabigatan
Paborito lalo na ng karamihan
Saktong sakto ngayong kainitan
Pantawid sa init at iyong kauhawan

Bakasyon na! Ang sarap ng ice candy na gawa sa buko. O kahit pamatid uhaw yung buko juice. Salamat @ortorres1123 sa inyong kontribusyon sa mga likhang Tagalog.


Espesyal Feature



Steemit Open Mic Week 79 - It's Not That Easy /OriginalSong/Trixia Yvonne Gabutero by trxyvn

Oo hindi siya Tagalog na kanta pero bakit ba siya nalagay sa edisyong ito? Hmmm.. kasi Likha parin sya ng isang Pilipino tapos maganda ang pagkaka-kanta nya at sympre ang mensahe. Tsaka sabi nya may ibang mga kanta din sya na Tagalog sa mga susunod na post kaya dapat ko syang abangan.

Sana may madaanan din ako na openmic na entry na Tagalog. Medyo matagal na nung may huli akong nakitang kanta na Tagalog doon. Pero gayun pa man sa ikakabatid ng lahat ang Tagalog Trail ay hindi lamang naka sentro sa Tula at Kwento na gawa sa Steemit.com ang lahat ng nakikita kong maganda sa aking panlasa ay binibigyan ko ng pansin. Pero sympre ang atensuon ko ay para sa mga likhang Tagalog parin eksempsyon lang itong mga nakalagay sa "Espesyal Feature"

Mayroon na pong FB Page si Toto! kaya't kung may oras kayong bisitahin ang aking FB Page at basahin ang ibang likha ng mga Pinoy dito sa steemit pwedeng-pwede po! Wala po akong discord kaya kung may message kayo pwede din sa FB Page nalang.

https://www.facebook.com/tagalogtrail/

Pwede nyo po iyan ilike at i-share na din sa inyong FB account para mas maraming makabasa ng inyong mga likha.

Sort:  

Wushu Ang sipag mag update hahaha

Sympre naman! Kailangan may update araw-araw. Hehe ( ehem yung cover photo ko ) at dahil may extra pa akong VP ngayong araw may upvote ka :)

Nuks hahaha ehem asan yung photo? ehem 😂 pero magttry ako mamaya pag uwi ko. Hahaha

Salamat sa pagpili sa aking tula. Mas masayang gumawa ng mga akda sa sarili nating wika. Ipagpatuloy natin ito...

Tama! Ang hirap mag ingles po. Yung Buko at yung langgam ni share ko po sa aking FB page. Humihingi din ako ng permiso para ma share ang ibang likha nyong tagalog po sa FB.