Kamusta mga Katropa!
Ngayong araw ay wala po muna kaming arawang pag-uulat dahil may isa kaming munting anunsyo. Kung inyo pong mapapansin ang aming logo ay isang tarsier na nakuha sa pixabay.com dahil sa nais naming mas mabigyan ng personalidad ang proyektong ito, kami ni Junjun ay nakaisip na naman ng bagong ikaka-tumbling ng mga kapwa nating Filipino at ito ay ang patimpalak ng #tagaloglogo.
Sinubukan naman naming gumawa ng logo ni Junjun pero ang visual arts ay hindi talaga namin forte. Tanging ka artehan lang at hugot sa buhay ang meron kami kaya't ito mag ho host nalang kami ng patimpalak.
Simpleng logo lang naman ang aming nais para sa TagalogTrail.
- Isang logo na magpapakita ng pangalan ng proyekto (Tagalog Trail)
- Mga kulay at simbolismo na naglalarawan sa pagka Pilipino
- Simbolo at mga katangian na iyong naiisip na pinakanaglalarawan sa TagalogTrail
Naniniwala kami na may mga mahuhusay na artist na makakagawa ng logo na naaangkop para sa TagalogTrail dahil sa napakaraming utopian contributor na gumagawa ng logo noon. Ang aming mapipiling logo ay ang aming gagamitin bilang Opisyal na logo para sa proyektong nabanggit.
Maliban diyan ay naisipan din naming magpa-patimpalak para sa aming Abatar ni Junjun. Ito ang mga nais naming makita sa mga abatar. Depende na ito sa kung paano ma interpret ng artist
Para sa aking abatar na si Toto
- Isang binatang pabebe ( dahil sabi nila pabebe daw ako) na may hawak hawak na potato chips. Naka sando at shorts lang ang suot. ( *Ako po yung laging nag ko komento ng walang ka susta sustansyang mensahe sa mga post na nadadaanan ko minsan *)
Para sa abatar ni Junjun
- Isang binatang hugutero na may hawak na ruler (minsan pangsukat minsan pamalo na din). Bahala na kayo sa suot ng pinsan ko. Basta lagi akong may pektus sa kaniya pag nawiwili akong mambwisit ng ibang tao sa comment box. (Madalas ni cu curate nya ay yung mga #wasakan at #hugot na tema na kwento at tula, siya din ang may hawak sa mga reports reports namin yung English)
Palugit:
- Ang patimpalak ay magtatapos sa araw ng Linggo ika-20 ng Mayo 2018 sa ganap na ika 12 ng tanghali
Papremyo:
Likhang obra | Pabuya |
Opisyal na Logo | 7 SBD |
2 Abatar na Aming Napili | 8SBD |
Isang taga guhit lamang ang aming pipiliin para sa abatar, sa kadahilanang mas magandang isang estilo lamang ng nag guhit ang aming gagamitin para dito.
Mga Dapat Tandaan:
- Gamitin ang tag na #tagaloglogo
- Ipaliwanang ang kahulugan ng nilikhang disenyo at ang mga detalye nito.
- I resteem ang akdang ito para mas makita ng kapwa Pilipino.
- Maaring gumawa ng hanggang 3 na magkakaibang logo at hanggang 3 din na magkakaiba na pares na abatar.
- Para maging opisyal ang inyong entry dapat ito ay nasa wikang Tagalog.
- Gawin ang mga likha logo man o abatar sa mataas na resolusyon ( high-res image)
- Sa pagsali sa patimpalak, nauunawaan ng kalahok na ang mga likha ay malaya at ganap na magagamit ng @tagalogtrail
Magandang araw sa inyo @tagalogtrail ito ang aking entry
maari nyo ding bisitahin ang "full blog post" ko dito;
https://steemit.com/tagaloglogo/@jeeuuzz/ang-aking-obra-para-sa-patimpalak-ng-tagalogtrail-patimpalak-para-sa-kanilang-bagong-logo
ang kulit nito promise.
Heto Po entry ko. Sana magustuhan nyo.
Link: https://steemit.com/tagaloglogo/@badzkie123/tagaloglogo-patimpalak-or-ang-aking-likha-sa-logo-at-mga-avatar-para-tagalogtrail
salamat @badzkie123 sa entry. Bangis oh ang gwapo ko dyan.
Parang mababaliw ako kakabasa. Hahaha. Pero anlupet mga bro.
Keep it @tagalogtrail! I will try to make one of it.
https://steemit.com/tagaloglogo/@greatestbastard/tagaloglogo-patimpalak-or-ang-aking-obra-para-sa-tagalogtrail-logo
Salamat po @greatestbard!
Hehehw ganun talaga panay tumbling ang mga naiisip naming hamon. Kawili wili at talagang mapapasisip ng bahagya.
Sasali ako :)
Aasahan po namin ang inyong entry! @joeysison
Nice . hope I can join this contest
Sali ka po 2 linggo naman po ang deadline kaya't medyo mahaba ng bahagya ang oras π
Ayun din naman po. Malamang madami kayonf mapagpipilian jan toto at junjun hahahaha
Sana nga Dy maraming sumali at nang makapili na kami ng avatar namin at logo. Medyo pagod narin akong maging tarsier π
Hahahahaha madami yan tiwala lang. Bakit napapagod ka ma maging ikaw?hahahaha jk
Nyahahaha nakakapagod talaga minsang maging ako Dy kaya sana naging kami para nag iba naman. π
Sympre tiwala lungs tayo na maraming makikisali π
Hahahaha teka si toto ba to? Di ko na mawari sino si toto at sino si junjun πππ
Si Toto to Dy pag walang pangalan ako yun. Hahahaha
Sasali sana ako kaso di ako artist, maarte lang... sayang...
Oo nga kami din @jamesanity maarte lang. Kaya nagpa contest nalang kami.
Hehehe pasensya na ka tropa hindi ako sanay sa pag gawa ng logo ..i resteem ko at upvote para makatulong at makadagdag sa makakakita...π
Haha kami din ate @reginecruz hindi rin sanay o wala talaga kaming talento sa logo at drowing drowing. Mga plano lang ang kaya naming i drawing π kaya nag pa kontes nalang kami para iwas stress ππ
Sasali po ako sa patimpalak na ito. Ako po ay may maliit na kaalaman tungkol sa illustrator at Photoshop. At mahilig din ako gumuhit. Abangan nyo po ako .. haha
Wow! Sige po abangan po namin iyan @badzkie123
Kunting kembot nalang po
wow magiging tao na kami ni Junjun! Excited na kaming makita ang final result nito π
P.S. yung Logo din sali ka po π grabe di na kami tarsier ππ
Opo. Sali din ako sa logo. Meron akong naisip na bagay na desinyo
https://steemit.com/pilipinas/@tagalogtrail/tagaloglogo-patimpalak-para-paglikha-ng-logo-at-avatar-ni-toto-at-junjun
maari po bang gumawa gamit ang tradisyunal na pag guhit at hindi digital na pag guhit? natutuwa ako at may ganitong patimpalak ^_^
Opo ginoong @ishanvirtue maari po. Gamitin nyo po ang medium kung saan po kayo mahusay.
maraming salamat po sa inyong pag tugon. Yeeeey! mabuhay tayong mga pilipino. HEHE
Kay gandang gawan ng litrato nitong samahang namumuo.
Ngunit sa pag likha ng sining ay wala akong talento. Nais kong mag ambag gamit ang natatanging kakayahan ko,
Mag edit ng litrato at gumawa ng simbolo. <3
Mabuhay Pilipinas! Mabuhay @tagalogtrail!
Heheh salamat @neihy05 sa totoo lang kami din ni Junjun wala talagang maisip na logo at hirap na hirap kami sa pag do drawing. Kaya ipinaubaya na namin sa mga may talento talaga.
Tumbling pa more @tagalogtrail, hehehe
Yes tumbling pa more talaga @fherdz hehehe
Ay magpinsan pala. Aba eh... Resteem ko n lang muna. Haha. Pero parang trip ko gumawa ng avatar... Wahaha. Drowing ko lang kau anime style. π ewan bahala na if makasali. π
Kelangan tlga kumpleto hanggang paa avatar? Ndi b pwedeng half body lang? Gagawin ko kaung manananggal. πππWahaha.
Ui asahan namin ang entry mo @artgirl hehehe salamat sa suporta at sa resteem.
Wag ka umasa... Masasaktan ka lang toto. Bwahahaha.
Nyahahaha sanay na ako masaktan @artgirl π may 2 weeks pa naman halos para paghandaan to.
Ah 2 weeks pala, keribels. π
Mahusay!π
https://steemit.com/tagaloglogo/@beyonddisability/ang-aking-panukalang-logo-para-kay-tagalogtrail
Bahala ka na Ka TOTO kung ano man ito