Ito ang mga mahahalagang kaganapan sa mundo ng Cryptocurrency at mga importanteng balita na puwedeng gawing basehan sa mga darating na pagbabago sa halaga ng mga digital na pera. Tuloy kayo at ating pag-usapan.
Ang Kodak, KodakOne at ang KodakCoin
Ang Kodak ang isa sa mga matagal na sa industriya ng teknolohiya at sa larangan ng paggawa ng makinarya pang potograpiya. Baka marahil nahuhuli na sa stado ang Kodak sa kanyang mga kakompetensya kaya lumunsad ito ng bagong teknolohiya na naayon sa kapanahonan ngayon. Ang tinutukoy kong teknolohiya ay ang Blockchain.
Ang Kodak ay maglulunsad ng bagong teknolohiya na kanilang gagawing bagong plataporma at tatawagin itong KodakOne. Ito ang magsisilbing blockchain ng Kodak at sabay nito gagawa sila ng kanilang sariling cryptocurrency o token na tatawaging KodakCoin.
Ang layunin ng Kodak ay ang mabigyan ng importansya ang mga potograper at pahalagahan ang kanilang karapat ukol sa kanilang larangan. Ito ay magsisilbi ring token nila para mabigyang halaga ang kanilang mga pagmamay-ari lalo na ang mga larawan na kanilang kinukuha. May gagawing ICO o Initial Coin Offering ang Kodak ngayong Enero 31, 2018.
Sa tingin ko, isa itong magandang hakbang na ginawa ng Kodak dahil dito naipapakita na ang maganda o ang kahalagahan ng blockchain sa panahon ngayon lalo na ang teknolohiya natin ay umuusbong. Aaminin ko, isa ako sa sasali sa ICO na gagawin nila. Antabayanan natin ang kanila susunod na gagawin.
Negatibong Pananaw ni Warren Buffet sa Bitcoin
Kamakaylan lang may sinabing hindi maganda si Jamie Dimon, ang tagapangasiwa ng JP Morgan. Isa siya sa mga mayayamang investor na tumutuligsa sa cryptocurrency lalo na ang bitcoin. Sinabi pa niya na hindi magtatagal at mapapalitan pa ang bitcoin ng bagong digital na pera at tinawag na ito Dollar coin. Hindi natin makukumbinsing maniwala ang isang tao pag negatibo ang kanyang pananaw sa isang bagay.
At ngayon taon lang din, may isang ma impluwensyang negosyante na naman ang may negatibong pananaw sa bitcoin. Si Warren Buffet, ang may ari ng Berkshire Hathaway ay may naging panayam sa CNBC. Sinabi niyang hindi maganda ang kalabasan ng bitcoin o anu mang cryptocurrency sa huli, ito ay walang patutunguhan, ika ni Warren.
"Wala kaming pagmamay-ari niyan, hindi kami pumapatol sa short term investment, at wala kaming pinanghahawakan sa kanila,"
Yan ang dagdag ni Warren sa panayam niya. Dahil diyan, bumaba ng 8 porsyento ang halaga ng bitcoin kasama na ang ibang cryptocurrency na bumaba rin sa kani kanilang halaga.
Ang masasabi ko lang na ang kanilang mga taktika para mamanipula ang isang bagay ay alam na alam na ng ibang mga investor o mga negosyante na nagbibigay ng halaga sa mga digital na pera. Isa itong paraan para mapababa ang kahalaga ng bitcoin at gawin itong paraan para makabili sila o magkaroon ng pagmamay-ari sa kahit anong digital na token.
At isa pa, hinding hindi mawawalan ng suporta ang cryptocurrency sa mundo dahil nakikita ng iilan ang importansya nito lalo na sa teknolohiya. Ang epekto ng mga salita ng mga malalaking negosyante sa mundo ay hindi magtatagal at mawawala rin. Malaking oportonidad ang bumili ng bitcoin ngayon dahil sa baba ng halaga nito. Ngunit wag niyo itong gawin investment advice, ito ay opinyon ko lamang.
ICO para sa Telegram
Maglulunsad ng ICO o Initial Coin Offering ang Telegram, isang messaging app na sikat ngayon dahil sa desentralisado nitong teknolohiya at karamihan ng mga investor sa cryptocurrency ay ito ang gamit. Mas maganda pa nga daw ito kaysa sa Skype na ginagamit ng mga tao sa mga nagdaang taon.
Ang target na halagang gusto makuha ng Telegram sa kanilang ICO ay $1.2 billion. Isa itong napaka-ambisyosong desisyon ng Telegram dahil ito ay tinuturing na pinakamalaking ICO na mangyayari sa kasaysayan kung mangyayari man.
Ang gustong mangyari ng telegram ay pagandahin ang kanilang plataporma sa mga serbisyong inaalok nila. Ang kanilang TON o Telegram Open Network na naglalayun ng magaganda at secure na serbisyo, gaya ng file sharing at anonymous browsing na mabibili nga mga gumagamit nito gamit ang grams o kanilang digital na pera.
Gusto rin na Telegram na gawing may seguridad ang ICO. Sa tulong ng SAFT structure o Simple Agreement for Future Tokens na ang ibig sabihin ay ang malilikom na pera ang dapat manggaling sa mga respetado at malalaking investor para maiwasan ang mga problema sa loob at labas ng plataporma at sa oras na gagawin ang sistema. Ang grams ay maibabahagi sa mga investors at mabebenta sa mga consumers.
Isa itong napalaking proyektong gustong gawin ng Telegram na maihahalintulad sa gusto o proyekto ni Elon Musk. Ang lawak ng gustong mangyari ng telegram at may posibilidad na mauungusan nito ang kasalukuyang blockchain.
Personal na Mensahe
Samahan niyo ako sa pagpapalaganap ng ating sariling wikang Filipino sa steemit. Ito ay magbibigay sa atin ng marka sa steemit, na tayo ay naiiba sa iilan at sa ating gamit na linggwahe. Magsimula ng gumawa ng mga artikulo na magbibigay ng pangalan sa ating bansa.
Palaganapin ang Sariling atin!
Web Sources & Images:
- https://www.cnbc.com/amp/2018/01/10/buffetts-cryptocurrency-predictions-are-scary-heres-how-to-cope.html
- https://www.coindesk.com/telegrams-1-2-billion-ico-ambitious-token-sale-yet/
- https://technology.inquirer.net/71216/kodak-creates-kodakcoin-cryptocurrency-for-photographers/amp
thanks for that information sir
you're welcome @jbeguna04, thanks for dropping by
Maraming salamat sa impormasyong iyong binahagi @manualbot !
Thank you @brokemancode. :)
Maraming salamat sa impormasyong ibinahagi mo dito sa steemit. Nawa'y maibahagi din natin sa ibang bansa o ibang nasyonalidad ang ating sariling wika. Isa po ako sa mga sumusuporta sa ganitong gawain. Gabayan ka sana ng ating Poong Maykapal. Maari din po sanang madalaw ninyo ang akong mga sulat at maiksing tula tungkol sa pag-ibig at buhay. Ang inyo pong pagboto, kumento o pagbahagi sa iyong mga kaibigan sa steemit ang aking mga gawa ay mahigit na ipagpapasalamat ko sa inyo. Marami pong salamat!
Maraming salamat sa iyong mahabang komento. Bibisitahin po ang lahat ng mga posts na may tag na #philippines ng @bayanihan account kaya lahat po ang mabibigyan ng halaga sa kanilang ginagawa. :)