Una sa lahat, ito'y mga bagay na sa tingin ko ay maiging gawin ng isang steemian para umasenso sa steemit. Sa tagal ko na sa lugar na ito, marami na ang nagbago at marami narin ang puwedeng gawin para umusbong ang iyong stado, ang iyong impluwensya at mapalawak ang iyong kaalaman sa crytocurrency, sa mga nilalaman at marami pang iba.
Ang mga bagay na tatalakayin ko ay mga bagay na ginawa ko para ako ay makalikom ng suporta sa ibang steemians at ito ay palagi ko paring ginagawa. May mga bagay din ako na dinagdag sa aking mga aktibidadis sa steemit. Sana'y mapagtuunan ninyo ito ng pansin ang bigyang halaga. Hindi lang ito isang simpleng tip o gabay para kayo ay umasenso sa steemit, ginagawa din nitong maganda ang imahe ng iyong mga personal na account at magkaroon ng respeto sa ibang steemians, Pilipino man o banyaga.
Una kong tatalakayin ang kahalagan ng pagkakaroon ng mga taga-sunod(followers) o maging isang taga-sunod sa iba at ang mga paraan para magkaroon ng mga taga-sunod.
Alam na alam natin na isa sa mga mahalagang aspeto sa pagusbong sa steemit ang pagkaroon ng mga taga-sunod o mga followers. Dahil sa mga taga-sunod nagkakaroon tayo ng mga madla na bumabasa o bumibisita sa ating mga gawang nilalaman o artikulo at nagagawa nitong magkaroon ng mga upvotes ang ating mga likha. Ang pagkakaroon ng mga taga-sunod ay isang magandang halimbawa ng isang kumunidad na pinamumunuan ng isa, at yun ay ang may-akda.
Ngunit paano nga ba magkaroon ng mga taga-sunod?
Kung may bagong steemian na napupunta sa steemit, isa sa mga unang gagawin para magkaroon ng mga taga-sunod ay ang paggawa ng unang likha na nagpapakita ng iyong pagpapakilala sa sarili sa steemit at sa mga taong pumapaloob nito. Isa yan sa mga magandang gawin at isa sa mga gawain na nagbibigay interaksyon sa ibang steemian, sa mga bago at mga may katagalan na. Karamihan sa mga bago sa lugar na ito ay lumalaan sa mga bago ring steemian na sumasali. Sila yung mga gustong may makilala muna at magkaroon ng mga kaibigan sa halip na maglathala ng mga artikulo. Ginawa ko rin niyan noon. Naging isang welcome user ako. Gumawa ako ng mga mensahe na handa na para i-komento sa mga likha ng mga bagong steemian. Ngunit di ito nagtagal dahil naging isyu ang pagkomento ko ng paulit ulit na mga salita kahit na ginagawa ko ito na hindi automatic. Maaari mo ring gawin yan ngunit mas maiging magkomento ng galing sa isipan mo na gusto mong ipahiwatig sa may-akda ng kuwento o nilalaman.
Ito ang komento kong ginawa noon na gumawa rin ng malaking kaibihan sa aking sarili bilang isang steemian. Dahil diyan, nagdagdagan ang aking mga taga-sunod at naging aktibo sa mga nilalaman na maliit lang ang atensyon na nakukuha.
Reveal spoiler
Hi @
I would like to congratulate you first for posting your introductory post. Rest assured you will be followed by many active steemians here. There is no doubt that you made one of the best decision of your life, signing up and joining the community.
The community will be very happy for your contributions. I hope you enjoy being a steemian!
Every steemian plays very important things on steemit.I look at them as rights. Aside from creating good content and posting them, one of the rights that a steemian should exercise is the right to vote for a witness/s.
Witnesses are considered as the core members of the steemit blockchain. If you want to know more about them, these posts will help you:
I recommend that you should vote now for the witnesses, your vote means a lot for them and for the community. Every steemian has 30 votes to cast on.VOTE HERE
I also suggest that you should vote for the following witnesses that I voted on.
Take this as an advice. You still have the right to choose to what you really like and what you consider that fits the most on your standards.
Again, I welcome you to steemit.com!
Happy Steeming!
PS: I'm not a bot. This is part of my goal to help steemit go further than what we expected. You can also follow me @themanualbot. I make memes and everything that promotes diversity.
Natatandaan ko pa na may isang steemian ako na binigyan ng komentong ganyan at nag-trending yung kometo ko dahil sumikat din kasi yung bagong steemian sa kanyang ginawang pagpapakilala.
spam daw ako ng komento. Pero hinayaan ko nalang kaysa lumaki pa ang isyu at nagpatuloy ako sa pagiging aktibo sa pagbibigay atensyon sa mga bagong steemians.Nahinto lang ang ginawa kong stilo para makalikom ng mga taga-sunod ng nagmensahe sa akin si @neoxian dahil mali daw yung ginagawa ko, at dahil nag-ii
At sa ating pagpapatuloy...
Ano ang kahalagahan ng pagiging isang taga-sunod?
Oo, di lang ibang tao ang magiging taga-sunod, mismong ikaw na steemian o lider ay isang taga-sunod rin. Ang kahalagahan nito ay ikaw ang una sa mga taong makakakita ng mga nilathalang likha o akda ng iyong sinusundan na steemian. Ikaw ang unang makakabasa sa mga importanteng bagay, balita ukol sa cryptocurrency o simpleng impormasyon lang na importanteng malaman ng tao. Kabilang nito, kung ikaw ay isang curator, ikaw yung unang makakaboto sa mga artikulong magaganda na ginawa ng iyong sinusundan.
Ang pagiging taga-sunod ay madali lang. Maghahanap ka lang ng mga mabubuti o ma-impluwensyang steemian na susundan at ayos na. Ngunit di lahat ng sinusundan mo ay may mabuting epekto sa iyo, may mga steemian din na hindi mabuti at dapat na ibalewala sa iyong listahan na susundin.
Isang napaka importanteng tandaan
Na mas mabuting maliit lang na steemian ang dapat sundin at yun ay dapat mga kakilala mo o may magandang implikasyon sa iyong account. Kung marami kang susundan, maraming artikulo ang lalabas sa iyong profile feed. Ito ay hindi maganda lalo na kung ang mga mababasa mo ay hindi ganun ka importante kaysa sa mga nilalaman na nilalaanan mo ng oras. Isipin kong sino dapat ang sundan at piliing mabuti.
Mga paraan para makakuha ng mga taga-sunod
Ito ay karaniwan na sa steemit ngunit marami parin ang hindi maintindihan ang kahalagahan at paraan para makakuha ng mga taga-sunod sa plataporma. Kaya ito ang mga bagay o paraan para makatulong sa inyo:
- Magkomento- Magkomento ng magkomento ng magkomento. Ngunit hindi ibig sabihin na magkokomento ka lang ng kung anu-ano. Intindihin ang iyong binbasa at magkomento ng mga parilala o mga salitang iyong gustong ipahiwatig sa may likha ng ilalaman. Kunin ang kanilang atensyon sa paraan ng pagtatanong, pagbibigay puri o simpleng pagpapaliwanag lang kung ano ang iyong naiintindihan sa iyong binabasa. Hindi ko na kailangan isali pa ang mga bagay na hindi dapat gawin dahil alam kong alam niyong makakasira ito sa inyong reputasyon kung inyong gagawin.
Tandaan- Tandaan na hindi kasiguraduhan na makakakuha ka ng taga sunod sa pagkokomento at lalo na hindi kasiguraduhan ang makakuha ng magandang boto. Kaya dito na pumapasok ang sipag at tiyaga sa iyong ginagawa. Sundan ang mga ma-impluwensyang steemian at gumawa ng interaksyon sa bawat lathala o likha nilang gawa.
- Kumunidadupvotes dahil sa mga komento mo.- Pumasok sa mga magagandang kumunidad at sumali sa kanilang mga ideya para kabutihan ng buong kumunidad. Sa Pilipinas, may discord channel tayo para sa mga pinoy, gaya rin sa ibang bansa na may kanya-kanyang kumunidad. May mga kumunidad rin na nasa loob ng steemit. Sa Pilipinas, mayroon tayong @steemph at mga kaakibat na kumunindad nito na @steemph.cebu, @steemph.manila, @steemph.davao at @steemph.iligan. Sumali sa mga kumunidad na ito at magkaroon ng mga tagasunod sa ginagawang interaksyon sa ibang myembro. Sundin rin ang unang paraan na binigay ko sa mga kumunidad na iyong sasalihan. Piliin ang mga mabubuting steemian at sundan ang mga ito para ikaw ay magkaroon ng importansya sa plataporma, magkaroon ng atensyon na gusto at magantimpalaan ng
Pangwakas
Makikita mong may mga magagandang epekto ang pagkakaroon ng mga tagasunod o ang pagiging tagasunod sa ibang tao. Ngunit wag nating kalimutang bigyang respeto ang ating sarili at hindi yong maging sunod sunuran nalang tayo sa iba. Ang steemit ay isang plataporma na kung saan may makukuha ka at may maibibigay ka sa iba.
Madaling maging tagasunod kaysa maging isang lider na may maraming taga-sunod. Kahit ano man ang piliin mo sa dalawa, ang reputasyon mo ang nakataya sa sistema.
Isa lang yan sa mga mabuting gawain na sa tingin ko ay makakatulong sa pag-asenso ng isang steemian sa steemit, lalo na sa mga Pilipino. Sa susunod, itatalakay ko ang iba pang mabubuting gawain na nagawa ko na sa steemit at nagbunga ng magagandang epekto sa akin bilang isang steemian. Antabayanan!
Personal na Mensahe
Samahan niyo ako sa pagpapalaganap ng ating sariling wikang Filipino sa steemit. Ito ay magbibigay sa atin ng marka sa steemit, na tayo ay naiiba sa iilan at sa ating gamit na linggwahe. Magsimula ng gumawa ng mga artikulo na magbibigay ng pangalan sa ating bansa.
Palaganapin ang Sariling atin!
May mga panahong humihingi ako ng tulong sa mga kabayan dito sa steemit pero wala. Ayos lang, naiintindihan ko naman. Ang ayaw ko lang maging kagaya nila na abi nimog sikinsa. At the end of the day, you have yourself when all else fails. That is sad but true.
Nung bagong pasok nga ako dito sa Steemit, mainit yung salubong nila saakin pero nung tumagal, halos wala nang pumapansin. Di ko naman sinisisi ang komunidad pero kailangan nating iangkop ang sarili natin sa pabago bagong panahon
Yun nga. iaangkop natin. Marami din namang ibang komunidad na pwedeng pakihalubihan.
Tama ka po @soylent1. Dapat marunong tayong makihalobilo sa ibang tao dito. :)
salamat ng marami sa iyong ginawang mensahe.. sanay magawa ko ang mga eto
Mahimo jud na nimo maam. Keep it up!, :)
matsalams sir!
Salamat sa pagbabahagi ng post mo . Tatandaan ko ang mga payo mo . :)
Walang anuman. Batid kong dapat may maibahagi ako na maganda para sa mga kababayan ko. May marami pa. Salamat sa iyong oras :)
I am very interested in your post.
Can you help vote on posts in my account?
I always upvote your post.
@themanualbot....bro plz post in english for your english only known fallowers....
Salamat sa mga tips! Im a new steemian as well, who just started a week ago :)
Napakalaking tulong po ng artikulo n ito pra s mbaguhan n katulad ko. 2 linggo n ako dito pero prang s tingin ko,khit isa wla p akong napopost n blog n my kpupulutang aral ang iba. Isang inspirasyon po ito pra sken. Kasi hndi ko alm kung pano mag umpisa o kung ano ang ggwin ko para lumago dito. Naghahanap po talaga ako ng mga blog n pwedeng mktulong s akin, nung nagsearch ako ng pilipinas n hastag. Ito ang unang lumabas. Title plng naexcite n ako bshin. nakakaproud din isipin na khit s gnitong platform n puro english ang nakikita ko, may mga pinoy prin na tinatangkilik ang srili nting wika. Salamat po kasi binahagi mo samin yung mga ganitong impormasyon.
Thank you for this @themanualbot! Mas naliwanagan ako kung bakit ang "follow for follow" ay hindi aplikado dto sa Steemit. Mas naappreciate ko na genuine talaga ang approach sa platform na to dahil kailangan mag effort sa pagbasa sa content bago magbigay ng kahit anong komento. Thank you!
Upvoted and resteemed. I'll keep these tips in mind. Thank you po.
Salamat sa tips. Malaking tulong nato sa aming mga bago.