Gaano Ba Kadali Maging isang Curator?

in #pilipinas7 years ago

Ito ang aking unang post kaya't sana ay inyong supportahan ito.

Ang @tagalogtrail ay isang proyekto na kung saan naisip namin nila @junjun-ph at @lingling-ph na bigyan ng munting parangal o awdyense ang bawat manunulat sa wikang Pilipino. Kung iisipin nyo madali lang naman talaga maging isang curator, kailangan mo lang magsuri ng mga akda o post na nasa steemit na sa tingin mo ay swak sa panlasa ng iba.

Sympre ang panlasa ng iba ay maaring iba parin sa iyo ngunit may mga bagay kaming kino-konsidera nila Junjun at Lingling bago kami mag comment o kahit na magfeature sa Tagalogtrail daily post at ito ang mga iyon.

1. Dapat ang iyong likha ay orihinal at hindi ginaya.

Toto paano nyo ginagawa iyan?

Sa pamamagitan ng FB search, kukunin namin ang isang pangungusap o kahit na isang talata mula sa post at ipe paste namin sa FB search bar. Kapag may lumabas sa FB gaya ng mga pages na ito Filipino Spoken Word, Spoken Word Poetry PH Tagalog Spoken Word Poetry at Wattpad.com binabasa parin namin ang akda ng buo at kinukumpara kung ang awtor pa sa steemit ay sya ring awtor sa nasabing site. Madalas kasi ay nakopya lang ibang akda sa mga pages na ito. Sympre bilang isang manunuring Pilipino dapat original ang akda ang meron dito. Nasisira ang reputasyon ng steemit.com kung maraming mga post na kinopya at nawawalan ng pagkakataon ang ibang gumagawa ng kanilang orihinal na likha na mas makilala pa.

Pwede ka ring gumamit ng google.com at ang paborito ng iba https://smallseotools.com/plagiarism-checker/

2. Dapat malinaw ang mensahe ng akda, minsan yung magbibigay aliw din

Sa pagsusulat ng akda ay dapat mapukaw mo ang atensyon ng iyong mambabasa. Maaring maging kwela ang iyong akda gaya ng kay @beyondisability na o kaya naman ay ang mga bentang Hugot ni @romeskie o ang mga makabagbag damdamin na likha ni @johnpd o ang mabentang nobelamapungan landi ni @jemzem. Dapat talaga ay maging malinaw ang iyong mensaheng maiparating.

Kapag nagawa mo na ang mga nabanggit at alam mo na ang "niche" ng iyong likha hindi lang curators gaya namin ang makakapansin sa iyong likha sympre pati narin ang mga mambabasa. Nga pala lahat tayo na nasa steemit ay curator din ang tawag. Hindi lamang kami o ang mga taga curie, bayanihan at best of ph. Lahat tayo ay involve basta aktibo sympre.

Sa totoo lang madali lang naman ang ginagawa namin, ang problema lang madalas ay kung sino ang mas karapat-dapat at yung pumasa sa mga standards na nilatag namin yung nag excel ba. Kasi gustuhin man naming suportahan ang mga akdang Pinoy sympre limitado lang ang powers namin nila @lingling-ph at @junjun-ph kaya minsan may concensus pa.

Basta ang maipapayo ko lang lagi ay ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat at sympre mag comment ka din sa mga nagbabasa ng iyong akda. Isang simpleng pasasalamat sa pagbabasa ay ayos na. Social media din ang steemit kaya't hangga't maari ay makipag interact ka parin sa ibang mga post yung hindi lang sa post mo lagi.

Ayun! Pwede na yan sa 1st post ko dito hehehe napag-usapan naming tatlo nila @junjun-ph at @lingling-ph na gagawa din kami ng mga post pag may oras para naman mas makilala nyo kami ng bahagya. Pag hindi kami nag cucurate at sympre sasali din kami sa mga contest kung kakayanin ng oras.


Shameless plug nga pala ayan may pa contest ang mga ka tropa namin

100th day Celebration | Writing Contest: Ang Paborito Kong Alaala

#PaboritongAlaala ang mga throwback moments nyo po ay pwede nyong i share sa wikang Tagalog ni @romeskie

At si Tropang @jassennessaj ay merong ding patimpalak

"Word Poetry Challenge #6". Tema : "Aking Ina" | Tagalog Edition

Ang topic ay tungkol sa Inay. Hmm sasasali kaya ako dito? Baka di nalang hahaha promote promote muna ako

Sort:  

Maraming salamat sa pag plug katropang @toto-ph. Sana ay marami pa tayong mahatak na katropa na magsusulat sa wikang tagalog. :-)

Yes sana nga po maraming mahatak pa ate @romeskie alam nyo yan isa ako sa mga promoter/ promotor ninyo.

Pawer! Congrats sa unang post, Toto! Swak nga para sa atin yan bilang mga newbie curators. Nawa'y mas yumabong pa ang mga akdang gawa sa wikang-Filipino dito sa Steemit.

Hahha oo nga tama tama @junjun-ph para atleast may idea sila sa mga pinag gagawa natin sa buhay.

Mukhang magpapalaboratory ako ng blood cholesterol. Tumaba kasi ang puso ko dahil nandito ako sa post na ito :)
Maraming Salamat po Ka @toto-ph
BInabati ko poang inyong unang blog at talaga naman puno ng impormasyon :)
O syempre nag upvote ang follow na rin ako

Mabuti naman @beyonddisability at may pa upvote ka hahaha. Asan si Mildred?

ewan ko dun sumama kay @lingling :). Kumain sila sa laabs kasi napasama sa arawang featured post.

Si Lenie po yung bida haha. Supporting lang si Mildred

Tama pu ang mga guidelines na nabanggit mo Kuya @toto-ph
At sa mga nais pa magsulat sa wikang Filipino, huwag niyo pu kakalimutan ang tags na Pilipinas at Tagalogtrail para madali pu namin makita ang mga akda niyo.

Tama tama huwag silang mahihiyang mag-sulat sa wikang Tagalog tatlo na tayong nakabantay sa gawa nila, Hahaha laban lang Ling!

Maraming salama tropang @toto-ph sa pag tangkilik at pag suporta ng wikang pilino..

Walang anuman @khylled24 marami na ang taga tangkilik sa wikang Tagalog kaya tuloy lang ang pag-susulat.

Haha sobrang lupit ng una mong post. Sana huwag ka na pala magka oras para hindi ka makagawa ng mga kwento haha.

Hahhaha marami kaming oras ngayong Linggo ginoong @twotripleow kaya humanda kayo.

Congratulations @toto-ph! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!

Congratulations @toto-ph! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s):

You received more than 50 upvotes.
Your next target is to reach 100 upvotes.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out the last post from @hivebuzz:

Hive Power Up Month - Feedback from day 15
Support the HiveBuzz project. Vote for our proposal!