Hindi Mahal si Mahal

in #pilipinas7 years ago

Ako si John ang kabiyak ni Tessa sa loob ng pitong taon, masasabi ko sa aking sarili na sa loob ng mga panahong iyon ako ay naging tapat sa aking sinisinta.

Ang aking naging buhay ay trabaho tapos bahay minsan gumagala pero sympre kasama ko ang aking maybahay. Wala pa kaming anak , siguro dahil narin sa mahirap talagang maka buo kapag stress lagi sa trabaho. Kailangan din naming makaipon dahil sa habang wala pa kaming anak ay dapat nakahanda na ang lahat.

Dahil sa sobrang pag-aabuso sa aking katawan, humina ang aking resistensya at tinamaan ako ng sakit na kung tawagin ay tuberculosis, napilitan akong mag resign sa trabaho. Hindi pumayag ang aking employer na mag leave ng mahaba para magpagaling kahit na kumpleto ang mga papeles gaya ng "medical certificate" at mga "forms" sa SSS.

Ngayon ako ay nasa bahay na lamang at nagpapagaling, mas napagtuunan ko ng pansin ang aking Misis at sa hindi ko maipaliwanag unti-unti kong naramdaman na tila ba may pagbabago sa kaniya. O siguro masyado lang akong abala sa trabaho noon.

Palagi niyang hawak ang kanyang cellphone, ang aking pinagtataka ay narito naman ako sa bahay kaya't sino naman ang kaniyang kausap kung ganoon? Dahil sa hindi ako mapakali tinanong ko siya kung sino ang kaniyang kausap sa cellphone at kaniyang sinabi na sila Mama daw at nangangamusta. Matagal ko naring hindi nakakausap si Mama ( nanay ni Tessa) kaya sinabi kong gusto ko din siyang makausap at kamustahin ng personal. Ngunit pinatay nya na ang cellphone at nagpa alam na aalis muna.

Dito na nagsimula akong magduda lalo sa kaniya, tahimik lang akong nagmasid sa mga kilos at gawi nya ng mga nakaraang araw. At ng nagkaroon ng pagkakataon ay binuksan ko ang kanyang cellphone at ito ang tumambad sa akin.

Hindi ko siya kinumpronta sa aking nabasa, dahil mas gusto kong marinig ito mula sa kaniya mismo. Nagpatuloy akong magmasid sa kinikilos ni Tessa at muli ako ay may nabasang text galing kay Daniel .

Pagkatapos niyang maligo ay agad akong nag tulog-tulugan para hindi sya makahalata na alam ko ang kaniyang balak. Pagkaalis niya ay ako naman ay nagbihis din at nagsuot ng facemask, para hindi parin ako makahawa sa ibang tao. Ngayon ay ang ika limang buwan ng gamutan. Mabuti na ang aking lagay ngunit ayon sa doktor ay kailangan kong tapusin ang anim na buwa.

Sa may SM nagtagpo ang mga walang hiya! At hindi pa sila nakuntento sa unang pagkikita nila sila agad ay naghalikan at ang yapos ni Tessa ay sobrang higpit. Pagkatapos nilang kumain ay naglakad sila patungo sa isang motel. Poot ang aking naramdaman gusto ko silang sugurin sa mga pagkakataong iyon ngunit napanatili ko parin ang aking kahinahunan. Umuwi ako ng bahay ng mabigat ang buong kalooban dahil sa hindi ko napigil ang aking galit, lahat ng nakita kong gamit sa bahay ay aking pinaghahagis at pinagwawasak.

Ilang oras ang lumipas at narito na si Tessa, gulat na gulat siya sa nakita sa bahay kung anong ayos nito noong kanyang iniwan ay syang gulo naman ng kaniyang dinatnan. Sumigaw kagad siya pagdating at sinabing;

"Anong kalokohan na naman ito! Wala ka na ngang pakinabang ito pa ang ginagawa mo!"

Nagpintig ang aking pandinig at sa sobrang inis ay bigla ko siyang nasampal sa pisngi na kaniyang ikinagulat. Oo ni kahit kailan ay hindi ko iyon nagawa sa kaniya ni hibla ng kanyang buhok ay hindi masasaktan. Dito na dumaloy ang emosyon na pilit kong itinago sa kanya ang lahat ng aking galit at nandon sa sampal na iyon. Gusto ko pang ituloy ngunit ng makita ko ang kanyang mukha na parang maluha agad akong natauhan.

Ipinagtapat ko sa kanya na alam ko na ang lahat ngunit hindi ako nagsalita at tumahimik nalang dahil mas gusto ko na magsalita siya sa akin at humingi ng tawad sa kaniyang nagawa ngunit malabo ito naging malabo na ang lahat lalo pa noong nakita ko kung gaaano siya kasiya sa mall at sa pagpasok nila sa motel. Sinubukan niyang magpaliwanag ngunit wala na akong narinig. Mas umalingawngaw ang aking mga sigaw sa apat na sulok ng bahay at siya ay akin nang pinagtabuyan sa aming tahanan.

Lumuluha siya pero hindi mababakas ang pagsisisi sa kanya. Doon ko nasabi sa sarili ko na tama nga ang aking hinala, ako lang talaga ang nagmamahal. Ngayon sa paggising ko, sa bawat umaga bagama't masakit dahil nakikita ko parin siya sa mga ala-ala ng aking mga gamit unti-unti sana ang sakit na nadarama ay aking malagpasan.


Ito ang naisip kong pangyayari bago ang tulang nilikha ni @aboutart para sa Biglaang Kolaborasyon ni @tagalogtrail.

Ang mga text messages ay hindi totoo ay nagawa sa website na kung tawagin ay https://ifaketextmessage.com/
Heheh mukhang magandang gumawa ng kwento gamit itong app na to. Parang Vince and Kath lang hahahh pero wag nalang walang originality pag ganun.


Sort:  

Sir @tpkidkai ibang estilo na naman ito ah! Maganda po ang inyong likha walang masyadong larawan pero okay na din.

Lubos ko po itong naibigan at salamat sa paglikha sa wikang Tagalog.

Salamat Toto!

Pagkatapos niyang maligo ay agad akong nag tulog-tulugan para hindi sya makahalata na alam ko ang kaniyang balak. Pagkaalis niya ay ako naman ay nagbihis din at nagsuot ng facemask, para hindi parin ako makahawa sa ibang tao. Ngayon ay ang ika limang buwan ng gamutan. Mabuti na ang aking lagay ngunit ayon sa doktor ay kailangan kong tapusin ang anim na buwa.

Maraming salamat sa iyong entry @tpkidkai :)

Walang anuman @aboutart. Maganda ang iyong tula kaya naman naisipan ko ang ganitong tema. Lugaw na talaga ako sa mga idea hahaha.

As always idol ka talaga @tpkidkai! 👏👌👍 Ang galing tlga..😊

Heheh salamat @leahlei. Nako kailangan mag level-up kasi ang daming magagaling ng writer sa steemit sa Tagalog kailangan sumabay sa kanila.

aray ko po! sakit naman. (".)

Oo bro. Di lang naman mga babae ang nasasaktan tayo din.

Wow! Ang cool nung mga text messages ahh. Parang totoo talaga. At ang ganda nung storya. Nadadala ako sa emosyon. HAHA :D Two thumbs up para sayo :) :)

Salamat @creyestxsa94! Hehe wala akong makitang pwedeng picture sa pixabay. Tapos naisip ko tong mga text convo na nauso way back. Good thing may app! Salamat at nadala ka din sa emosyon, ibig sabihin naging epektib akong manunulat.

Yep. Hehehe :) Ang galing galing mo eh :) :) Patuloy lang sa pagsusulat :)

Tama si Toto, naiba nga ng pagkakasulat. Parang pang dramahan sa radyo ang dating :) Nakaka aliw pa rin at nagustuhan ko talaga ang props na SMS convo screenshots. Nice post~ hehe.

Wahehehe.. Nako gusto ko yang dramahan sa radyo na yan. Nag recording kami dati ni @ellebravo ng una kong gawa kaso di na nag materialize hahah nabusy na. Pero tinatarget ko parin talaga yan bro.

Ang galing! feel na feel ko yung emotions! Haha iba ka talaga @tpkidkai!

Salamat bes. Yung part 2 nung kwento asan na?

Haha di ko alam kung pano ko isusulat ehhhh masakit pa 😂😂😂