Walang Tayo, Walang Magiging Tayo

in #pilipinas7 years ago (edited)

Ang tulang ito ay para sa patimpalak ni @tagalogtrail na ang layon ay dugtungan ang tulang ginawa ni @llivrazav. Hindi ako masyadong nagsusulat sa ating lengwahe kaya sana ay masayahan kayo sa aking akda.


Photo source

Natatawa akong maalala
Kung paano ko sinambit
Ang pangakong hihintayin kita
At kung paanong hanggang ngayon dama ko pa rin ang pait
Sa tuwing nakikita ang ngiti sa 'yong mga mata

Sa mga panahong hinintay kita
Hanggang ngayon, di ko pa rin mawari
Kung paano mo kami pinagsabay dalawa.
Totoo nga, ang mahalin ka at umasa ay isang malaking pagkakamali.

Ang sumbatan ka sa lahat ng sakit
O pakiusapan ka na sa akin ay manatili,
Ay mga bagay na sa akin ay iyong ipinagkait.
Dahil sa simula pa lang, "walang tayo" ang lagi mong sambit.

"Walang tayo", mga salitang umaalingawngaw at tumatagos sa aking isip at puso.
"Walang tayo", dalawang salitang nagpaguho ng aking mundo.
Oo, walang tayo. Kahit na sana'y sapat na ang kunting oras na masaya ako sayo.
Sa akin ang buong araw mo habang kapiling mo sya at kayakap sa tuwing pagtulog mo.

Nung sinabi mong mahal mo ako
Para akong nasa duyan, abot langit ang saya ko.
D ko man maintindihan kung bakit ako'y naniwala sayo
Pero, anong magagawa ko kung siya ang nauna sayo?

Ako ay humuhugot din sa wikang Ingles. Maari ninyong basahin ang aking tula at fiction story dito at dito.

Maraming salamat sa pagbisita sa aking pahina!

Sort:  

Grabeng hugot besh! Hahaha.

Magaling ang pagkagawa
Ako'y napangiti sa iyong likha
Sapagkat...
minsan narin akong umibig,
at naranasan ko na ring lumuha

Tunay ngang may dalang pait ang pag-ibig
Ngunit pangamba ay dapat iwaglit
Dahil sa huli, ang sarap paring umibig!

Hahahaha! Good luck besh!

Sali din po kayo @chinitacharmer! Masaya po ang patimpalak na ito.

Susubukan ko @tagalogtrail. Hindi kasi ako bihasa sa salitang Filipino. Pero maganda ang tema ng patimpalak na ito, marami akong hugot na mailalahad sa inyo. 😃

Madami pong prompt na kasali @chinitacharmer

Bakasyon ni @tpkidkai
Pagbangon ni @aboutart
Pangarap ni @jayparagat
Pag-ibig na tinadhana ni @mallowfitt
Byaherong Walang Dalang Mapa ni @sunnylife

ayan po ang ibang prompts din kaya panigurado may swak kang masasalihan dyan.

Aasahan ko po ang inyong gawa!

Salamat sa impormasyon @tagalogtrail! Sige, bibigyan ko ito ng oras! 😃

Sige po kapalan ko nadin ang mukha ko po hahah pa like din po ng FB Page ko https://www.facebook.com/tagalogtrail/. Para sa mga likha sa steemit.com

Hahaha walang problema. 😄

Wow! Marami palang pwedeng pwedeng salihan. Salamat @tagalogtrail!

Yes po marami sya. Hindi ko lang natapos yung mga ginagawa kagabi kaya di ako nakapag update para po sa ibang biglaang kolaborasyon.

Shine share ko din po ang mga post sa FB para ang mga walang access sa steemit mabasa parin ang inyong likha. Pag may time po kayo pwede nyo syang basahin at i share din.

Nyahahaha join na besh! Salamat sa suporta.

Ang ganda po ng inyong gawa lalo na ang huling linyang ito

Pero, anong magagawa ko kung siya ang nauna sayo?

Goodluck po sa patimpalak at sa mga sasali pa sa Biglaang Kolaborasyon open parin po sya.

Salamat @tagalogtrail para sa patimpalak na eto. 😁

Ayiee. Malaliman hugot ito, Val. Natuwa ako sa emosyon sa tulang to. Salat na salat sa pag-asa at pagibig. More wasakan please.

Tito Jazz ano na po? Kailan ang sa inyo?

@jazzhero, tito jazz (?) Hahaha! Sinubok ng patimpalak natu ang lalim ng alam ko sa Filipino. Siguro paglalaanan ko na ng oras ang pag gawa ng mga piyesang gawa sa sarili nating wika.

Interesting poetry and art. Love it. I do poetry and art oh yeah.

@joeyarnoldvn, thank you for dropping by. You may also check my poems written in English. Enjoy the rest of the day!

Nais kong ipabatid
Sa lahat ng umiibig
Mabigo man nang saglit
Ngunit huwag mag-ngalit.

Minsan man ay masaklap
Ang pag-ibig ay masarap
Daig pa ang nasa ulap
At mga lumilipad na alitaptap. :D

Hi pam, hahahaha gawa ka ng akda para sa patimpalak natu. Nababatid kong ikaw ay may natatanging talento rin sa larangan mg ganito.

Salamat sa komento at sa pagtanggap ng malugod sa gawa ko. 😂

Pag-ibig ay mahusay na pag-aari at may mga taong hindi pagmamay-ari nito

Salamat nationall!

Ang sakit basahin nga mga kataga,
itong tuka ay nasa ibang perspective, ang galing po, talagang ramdam yung emosyon.

Salamat sa magandang komento @llivrazav😁. Eto ay inayon ko lang sa maganda mo ring gawa.