Mommy ka ba?
Nasa bahay ka lang ba?
Marami ka bang free time?
Nais mo bang kumita kahit nasa bahay lang?
Ayaw mo ng Networking?
Kung OO ang sagot mo sa lahat ng tanong ko, pwes magbasa ka lagi ng mga blogs ko dahil sinisigurado ko sayo na marami kang matututunan.
Marami ka ng matututunan, kikita ka pa.
Kaya halika na!
Last year nang napagpasyahan kong maghomebased job. Noong una wala talaga akong idea sa homebased job, na kikita pala dito. Gamit ang aking Android phone (dahil wala pa naman akong Laptop noon, this month lang ako nagkalaptop), nagresearch ako ng ibat ibang homebased job hanggang napadpad ako sa isang Facebook group na puro talaga online job ang topic at lahat ay legit, napakaganda ng pamamalakad ng Admin dahil hindi talaga inaallow ang mga Networking Marketing at bawal ang "PM is the key" kaya hanggang ngayon ay nasa grupo pa din ako. Maaari ngang mga small time jobs lang ang mga iyon pero pag-naiipon naman ang income ay malaking bagay na rin kaya swak na swak ito sa mga mommies natin na nasa bahay lang.
Pasintabi sa mga nasa Networking Marketing, hindi sa ayaw ko sa ganon pero di ko din sinasabi na gusto ko. Ang sa akin lang, dahil hindi ako magaling sa referral kaya hindi rin ako sumasali sa Networking.
Dahil bago palang ako dito sa Steemit kaya explore muna ako. First blog ko din ito kaya pasensya kung hindi organized. Alam ko matututo din ako. So sa next blog ko, pag-usapan natin ang mga sites at apps na tiyak na kikita tayo.