"Huminto ang lahat"
Kasabay ng pagpadyak ng aking mga paa
Ang pangangamba na hindi ka na ulit makita
Pagkakatanda ko pa nung una kitang makilala
Ika unang baitang pa tayo ng Elementarya
Bata pa tayo nung hatid ka pa ng iyong ama
Hatid sundo ka niya sa tuwing papasok sa skwela
Kahit bata pa ako noon ay alam na alam ko na
Ikaw ang babaeng itinadhanang makasama
Nung tumongtung tayo sa mataas na paaralan
Mas lalo pa ako sayo'y nagkagusto't bumilib
Dahil hindi kalang maganda, responsable ka ring kapatid
Panganay ka sa inyong magkakapatid at alam ko
Mahal na mahal mo ang pamilya mo
Nung ginanap ang prom at sa intablado
Iba't iba ang ating kasayaw at ating kasama
Sa hudyat ng pagsisimula ng ating programa
Nang bigla kang dumating suot ang iyong bestida
Tumigil ang aking puso sa pagtibok nang makita ka
Sa sobra mong ganda, hindi ko mailingon sa iba
Ang titig at pagkakagulat ng aking mga mata
Tinapos ang sayaw sa kasama at pinaintindi sa kanya
Agad na hinanap at ako sayo'y papunta
Pagkatapos kang makita ay inalok agad ng sayaw
Hindi akalaing pumayag ka at nakasayaw
Ako ang pinakamasayang lalaki sa buong sayawan
Dahil habang gumagalaw ang ating mga paa
Mga mata natin ay nakatitig sa isa't isa
Tila di ko namalayan ang oras sa saya
Tingin ko ay tumigil ito nung kasayaw kita
Para bang huminto ang lahat ng ika'y aking nakita
Another life experience while in highschool days.
So many irreplacable memories
Take time to read it guys and hope you enjoy it
Thank you for the time steemians and good day also
For more post and blogs follow @dexter24
WARNING - The message you received from @pepolifabiha is a CONFIRMED SCAM!
DO NOT FOLLOW any instruction and DO NOT CLICK on any link in the comment!
For more information, read this post:
https://steemit.com/steemit/@arcange/phishing-reported-scammers-use-account-s-profile
https://steemit.com/steemit/@arcange/phishing-site-reported-postupper-dot-ml
Please consider to upvote this warning or to vote for my witness if you find my work to protect you and the community valuable. Your support is really appreciated!