"WAG MO NANG BALIKAN ANG NAKARAAN KUNG AYAW MONG MASAKTAN"
Wag na, tama na, matuto ka,
Yan, yan ang mga kataga na sinasabi ko sa sarili ko
sa tuwing bumabalik ang mga alaala ko sayo.
Pinipilit kong ibinabaling ang mga mata ko sa ibang alaala...
wag ko lang masilayan ang nakaraan na tayo'y masaya...
Teka teka naguguluhan ang aking isipan...
Nasasaktan ako sa tuwing naalala ko na minsan akong ngumiti dahil sayo...
At natatawa ako sa oras na maaalala ko na minsan akong umiyak para sayo...
Ganyan kagulo ang iniwan mo sa damdamin ko.
Wag kang mag alala Kasi kahit magulo ang damdamin ko sayo nauunawaan ko to,
nauunawaan ko kung bakit kahit anong pilit na kalimutan ka,
di ko magawa na ikaw ay mawala.
Alam mo para kang Pentelpen na nakaguhit sa damit.
Ang hirap mong tanggalin.
Kahit anong kusot, mas matindi ka pa sa pulot.
Ang alaala ko sayo ay parang mantsa
paulit ulit ng kusot ang dami na ng sabon pero andiyan ka pa din.
Ang puso ko ay parang damit kahit malapit ng mapunit
sa kakapilit na matanggal ang mantsa ng alaala ay di pa rin bumibigay,
Buti na lang matibay.
Matibay, oo matibay, matibay ang mga alaala na tayo ay magkasama...
mas malinaw pa sa camera na araw araw kong dala.
Camera, sana Camera na lang ang aking mga mata para ang alaala ay pwede kong mabura...
Wag kang mag alala natuto na ako,
natuto ako mula sa mga masasakit na alaala na iniwan mo.
Nalaman ko na hindi lang dapat sa isang bagay ibinibigay at iniaalay ang puso at pagmamahal...
Pero alam mo kung saan ako talaga naguguluhan...
Kung saan ako litong lito..
Doon sa anggulo na parang ako ang may kasalanan ng mga ito,
na parang ang sama sama kong tao.
"BAKIT?" Ang hiniling ko lang naman ay ang kabutihan mo....
Ibigsabihin ba nito na masama ang humiling ng kabutihan mo...
Kaya wag kang mag alala hahayaan na kita... doon ka na kung saan ka masaya..
Ang mga "ALAALA" nating dalawa ay mananatiling nasa bilangguan ng kapighatiian.
ALAALA
03 / 20 / 2018
Be a member on our Facebook page -- Click this Link
This is your steem friend,
- Niño M.
@eceninzz
ANG SAKIT NAMAN! hahahaah. Well, good job!
Salamat po. :) hehe.
This post has been featured on Daily Steemitfamilyph featured post #73
Congratulations!
Hi @eceninzz. I am @japh, I’m one of the moderators for the curation trail of Steemph.cebu. We intend to have all the followers of the curation trail to have a Discord account.
For more information about our community's events, please join to our official Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel) Discord server