Hindi ka na makakawala, hindi na
Patuloy kong panghahawakan ang lubid na namamagitan sa atin
Kahit na pilit kang i anod ng nagraragasang hangin
Na nagbabanta na lubid ay putulin
Kahit na bumuhos ang napakalakas na ulan
Darating at darating ako't handa kang kunin
Hanggang sa tumila ang abong kulay ng karimlan.
Hihintayin ko muli ang tilaok ng manok
Dahil ito, Ito ang magsasabi na may bagong umaga nanamang sisikat
Na liliwanag muli ang kalangitan kasama ang mga ulap
At ang pagkakataon
Na hahayaan kitang lumipad hanggang dun sa kalawakan
Dahil kampante akong matibay ang lubid na aking pinanghahawakan
Kahit na malayo ka't di mahawakan
Sana ganun ka din,
Na kahit na malayo ka sa piling ko
Alam mong may isang ako na kumakapit pa sayo
Natatakot ako,
Takot na baka isang araw maputol ang lubid na pinagtibay ng ating pag-ibig
Takot ako na baka makita kang unti-unting sumasayaw palayo
At hindi na, hindi ka na maaabot ng kaliwa't kanan kong kamay
Hindi na mahahabol na handang tumakbo kong paa
At Malaya ka na,
Malaya ka mula sa pagkakasakal ng aking kapit
Andami daming sana
Na sana sa oras na mapadpad ka sa iba oh aking natatanging saranggola
Sana alagaan ka niya at mas matibay ang kanyang lubid
Mas nanaisin kong may mag aari sayo na iba
Kaysa sa makita kang bumabagsak sa gitna ng karagatan na unti-unting nalulunod sa pagkalutang mo.
Hindi ka makakawala dito
Hindi ka na makakawala
Hindi na aking munting saranggola.
"Ikaw ang natatanging Saranggola"
04 / 15 / 2018
Be a member on our Facebook page -- Click this Link
Your steem friend,
-Niño M.-
wow, ang ganda ng poem. keep it up.
Salamat po :)
Saya akan selalu mendukung postingan anda.
karen postingan anda selalu bermamfaat bagi pengguna steemit.
saya tunggu postingan selanjutnya.
Hi eceninzz! :) I don't read tagalog, but that pic of the kite made me check out ur post. yay!
im following u and upvoted now.